Chynna Ortaleza defends boyfriend Railey Valeroso on "jinx" issue

"That's nottrue. In fact, gumaganda uli angtakbo ng career ko when I started accepting kontrabida roles. Wala naman akongnakikitang masama doon. Lumalawak pa nga ang range ko as an actress," says Chynna Ortaleza about accusations that her boyfriend Railey Valeroso is a "jinx" on her career.



May mga nagsasabingsi Railey Valeroso ang nagdadala ng malas kay ChynnaOrtaleza. Mula raw kasi nang maging boyfriend ito ng young actress, nalinya na ang huli sa character roles at lumayo na ang tsansang makapagbida. Noon aysi Chynna ang orihinal na naipapareha kay Richard Gutierrez bago pa si AngelLocsin at iba pa. Pero heto si Chynna at siya na ang nagkokontrabida kinaRichard at Heart Eveangelista sa Codename: Asero.

"That's nottrue," depensa agad ni Chynna kay Railey. "In fact, gumaganda uli angtakbo ng career ko when I started accepting kontrabida roles. Wala naman akongnakikitang masama doon. Lumalawak pa nga ang range ko as an actress.

"Kaya sigurohindi ko rin iniisip na may kinalaman si Railey rito ay yung fact that when Iwas younger, lagi namang naitatanong sa akin 'yan, kung okey lang namag-villainess ako. Lagi kong sinasabi, that's just fine. Walang magigingproblema sa akin.

"Hindi akonag-iilusyon na magiging superstar ako. Ngayon, ang gusto ko lang, magkaroon ngtrabaho. And I see to it, I'm taking advantage of any juicy part sa kunganumang nai-o-offer sa akin," pahayag ng aktres.

Pabigat nga raw siRailey sa kanya, sabi pa ng showbiz observers. Ito na raw mismo ay parang hirap umalagwa ang career. Ano angmasasabi ni Chynna rito?

"Ngayon kasi,ang gustong mangyari ni Railey, kahit ano pa ang dumating na pagsubok sa kanya,handa na niyang tanggapin. He wants to take advantage of this situation nanabibigyan siya ng roles sa ABS-CBN, gaya sa Palos noon.

"Noon kasi,marami talagang dapat baguhin sa kanya. Hindi siya ma-PR, napapagkamalangsuplado. Ang tingin sa kanya ng marami, parang hindi seryoso sa kanyangginagawa," saad ni Chynna.

PREGNANCY RUMOR. Dahil five years na sila ni Railey, baka mabalitaan na lang natin na buntis si Chynna.Ano ang masasabi niya kung mangyari ito?

"E, kung ganoonang mangyari, e, di ganoon!" natatawang sabi ni Chynna. "Pero malabo.Siyempre, ang ideal diyan, yung malagay muna sa ayos ang lahat at makasal ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko nga,mga three to five years ko pa siguro iko-consider ang pagpapakasal, yun ay kungkami pa nga ni Railey. Pero sa ngayon, ang focus namin, dito sa amingpag-aartista. Si Railey nga, gustong samantalahin ang pagkakataon, habang kayapa niya, na makapag-ipon.

"Pananagutannaman namin kung mangyari yun. My gosh, I'm already 25 years old! Pero let'snot talk about that dahil baka atakihin sa puso ang mommy ko. I'm stillenjoying yung pagiging single ko," natatawang sabi ni Chynna.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN