Karylle busy from "Roadtrip" to "West Side Story" and TV hosting in between

"I think, naghe-help na sinusuportahan namin ang isa't isa. Kapag yung isa feeling kind of down, siyempre hahanapan ngways na baka dito ka puwede or kunwari may pina-plan na anything. At kungmukhang hindi maganda ang pina-plan niya or vice-versa, parang mag-adjust yungisa," says Karylle about her relationship with boyfriend Dingdong Dantes.



This season could be the busiest for Karylle, who is alsointo acting and hosting aside from being a singer. Bukod kasi sapagkakapili sa kanya after auditioning for Stages' West Side Story, anytimesoon, Karylle will launch her new album na almost two years din niyang ginawa.

As Karylle told PEP (Philippine EntertainmentPortal) over lunch at Centerstage, a KTV bar & restaurant business whichshe co-owns with boyfriend Dingdong Dantes and other non-showbiz business partners, finally may title na raw ang bago niyang album—Roadtrip.

Very special ang album na ito kay Karylle because she wrotemost of the songs. Fifteen songs ang nasa album, which consists mostly of lovesongs and ballads, with a few alternatives, only two of which are remakes.

"Yung mga songs, it took me a year to write and thearranging and actual recording, another year. That's why it took me two yearsto finish," sabi ni Karylle habang ipinaririnig ang ilan sa mga song nana-record na niya at siya mismo ang nagsulat.

MUSICAL PLAY. Aside from that, nag-a-alternate sila ni Rhian Ramos ashosts of Pinoy Idol Extra. Pero aminado si Karylle na pinakamalaking bahagi ng kanyang schedule ay ang kanyang musical play na West SideStory, which will run at the Meralco Theater this September to October.

Script reading na raw sila ngayon, so anytime soon,rehearsal naman na sila. Ang makakasama nga niya rito ay si Christian Bautista,at alternate naman niya si Joana Ampil of Les Miserables.

Napag-alaman din ng PEP kay Karylle na isa talaga sagustung-gusto niyang gawin ay musical.

"Ever since talaga, kahit kapag may soap or movie akongginagawa, natatawa sila sa akin kapag sinasabi ko, ‘O, musical naman tayo,'"natatawa niyang kuwento. "Kaso, parang wala nang gumagawa ng ganun ngayon.Parang ang saya tuloy noong ‘50s na ganoon palagi ang theme."

Although hindi raw fan ng mga manghuhula, may kuwento si Karyllenow that she got the role of Maria in West Side Story.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "May nanghula kasi sa akin, sabi niya, this year daw, gagawaako ng dalawang stage play. So feeling ko, ‘eto na nga yung pangalawa."

STILL GOING STRONG. May kasabihan na kung okey ka sa career, more often thannot, ang love life ang nagsa-suffer. Pero sa case nila ni Dingdong, goingstrong pa rin ang takbo ng love life nila. In terms of their career,individually ay okey rin ang takbo ng mga ito.

"I think, naghe-help na sinusuportahan namin ang isa't isa,"sabi ni Karylle. "Kapag yung isa feeling kind of down, siyempre hahanapan ngways na baka dito ka puwede or kunwari may pina-plan na anything. At kungmukhang hindi maganda ang pina-plan niya or vice-versa, parang mag-adjust yungisa."

Patuloy niya, "Alam n'yo, dapat kasi gumawa tayo ng sarilingkasabihan. Like before, ang dami kong kasabihan na inimbento ko. Like yungparents ko, nag-separate noong maliit ako, so feeling ko, career yung reason.

"Parang kapag iniisip mo na ganoon talaga, yun angmangyayari. Positive na lang. Parang imbento ka na lang, kahit na ano, parangdream, nagkakatotoo naman. Minsan kasi, mahirap ka rin ma-stuck sa ganoon. Likeminsan totoo naman, yung mga kasabihan ng mga matatanda, pero kapag palagi mongnaiisip, sometimes it hinders the growth."

Three years na sila ni Dingdong at kahit may Marian Riveraang young actor as love interest on-cam, tila lalo pa ngang tumitibay angrelasyon nila. Magkaganuman, ayaw itong i-describe ni Karylle as ideal orperfect, but happy.

"Kasi kapag ideal, hindi totoo. Hindi rin naman siyaperfect, pero maganda siya. Kasi kapag ideal, parang fake, di ba?" saad niya.

NO JEALOUSY. Nangingiti na lang si Karylle kapag may nang-iintriga pa rinsa kanya na kesyo nagseselos daw siya kay Marian. In fact, aminado siya nakapag may time din lang, nanonood siya ng Dyesebel na pinagbibidahan ninaMarian at Dingdong.

Hindi na rin daw siya nagtataka kung bakit may mga selosissue na lumalabas. "Parang natural lang naman na isusulat yun. Parang kunwarimay pumunta ng States, sasabihan buntis. Parang formula, di ba?" na ikinatawang iba pang entertainment press dahil sa ginamit niyang salita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero silang dalawa raw ni Marian, okey talaga sila.

"Wala naman kasing chance na talagang magkausap nangmatagal. Never pa rin kaming nagkasama sa isang project. Pero kapag halimbawaguest siya sa SOP, babatiin ko siya. Pero alam n'yo naman sa SOP, siyemprepalaging mabilisan ang kilos. Nagmamadali lahat ng tao kaya walang chance namatagal na usap."

Kung may natatandaan man daw siyang nagkasama sila niMarian, iyon ay noong New Year countdown nila for GMA-7.

"Yun na yung time na nakasama ko siya. Noong magkasama kami,ibinigay ko pa nga sa kanya yung spiel niya, kasi walang nagbigay. Kasi ako,host ako noon, so nasa akin ang script. E, feeling ko, hindi naibigay sa kanya.True enough, hindi nga niya alam," kuwento ni Karylle.

Naniniwala rin daw siya na malakas at maganda ang chemistrynina Marian at Dingdong.

"Basta ako, I'm happy na siya ang hari ng primetime!"pagmamalaki niya tungkol kay Dingdong.

ZSA ZSA-KARYLLE SHOW. Naka-schedule umalis si Karylle for a show with her mom Zsa ZsaPadilla sa June 14 sa Casino Hotel, San Diego, California. First time dawnilang mag-ina na magpe-perform abroad.

Ayon kay Karylle, it's something she looks forward to lalona't hindi nila magawa ito nang madalas. Si Karylle kasi ay Kapuso samantalangsi Zsa Zsa naman ay Kapamilya at magkatapat pa nga ang kanilang mgaprograma—SOP at ASAP '08.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN