Goodbye, Daboy

Action superstar Rudy Fernandez, who died last June 7, was finally laid to rest at 3 p.m. today, June 12, at the Heritage Park, Taguig City.



Ngayong Araw ng Kalayaan ay araw rin ng libing ng actionstar na si Rudy Fernandez.

Hinatid na sa kanyang huling hantungan si Rudy kaninangbandang alas-tres ng hapon, June 12, sa Heritage Park & Crematorium sa mayFort Bonifacio, Taguig City.

Pero ilang oras bago ang misa ay pinatugtog ang awitingnilikha ni Tirso Cruz III para sa yumaong aktor. Karamihan ng mga dumating parasa libing ni Rudy ay naka-puti, sa pangunguna siyempre ng kanyang maybahay nasi Lorna Tolentino at ang kanilang mga anak na sina Ralphe at Renz, at ang dating karelasyon ng aktor na si Alma Moreno at ang kanilang anak na si Mark Anthony Fernandez.

Naroroon din siyempre ang pinakamalalapit na kaibigan nina Rudy at Lorna na sina Jinggoy Estrada and wife Precy Ejercito, Bong Revilla and wife Lani Mercado, Phillip Salvador, Tirso Cruz III and wife Lyn Ynchausti, Christopher de Leon and wife Sandy Andolong, Amy Austria, Gina Alajar, Fanny Serrano, Isabel Rivas, at ang manager nina Rudy at Lorna na si Lolit Solis.Mababanaag sa mukha ni Lolit ang masidhing kalungkutan.

Bukod sa kamag-anak at mga malalapit na kaibigan ng pamilyaFernandez, namataan din ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sina former President Joseph Estrada, Susan Roces, KrisAquino, Robin Padilla, Raymart Santiago and Claudine Barretto, Boots Anson Roa, Gabby Concepcion, Jackie at Beaver Lopez, Edgra Mortiz, Jestoni Alarcon, Ernie Garcia, Rez Cortez, at ang buong Gutierrez family.

Eksaktong ala-una ng hapon nagsimula ang misa para kay Rudysa loob ng pinag-isang apat na chapels ng Heritage Park. Si Fr. Sonny Ramirezang nagbigay ng Homily.

Pagkatapos ng misa ilang minuto bago mag-alas dos ay lumapitsa harapan ng kabaong ni Rudy ang kanyang misis na si Lorna at ang mga anak ngaktor para sa final viewing. Habang nagmimisa ay composed na composed si Lorna, pero hindi na rin niya napigilang maiyak pagkatapos.

Pagkatapos nina Lorna at ang mga anak ng aktor, lumapit na rin ang mgakamag-anak at kaibigan ni Daboy. Si Senator Jinggoy Estrada ay walang tigil sapag-iyak habang minamasdan ang kanyang yumaong best friend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bandang 2:30 p.m. naman nang ilabas ang mga labi niRudy papunta sa paglilibingan niya sa loob din mismo ng Heritage Park. Inilagayang kabaong ng aktor sa isang horse-drawn carriage para sa martsa papunta sakanyang himlayan.

Pagdating sa mismong paglilibingan ay nagpaalam na sa huling pagkakataon ang pamilya, kamag-anak, at mga kaibigan ni Rudy. Naglagay rin sila ng mga bulaklak sa kabaong, na binalutan ng Philippine flag.

Bago tuluyang ilibing ang mga labi ni Rudy ay nagkaroon din ng gun salute at nagpalipad din ng mga puting kalapati bilang pagpupugay sa isang mabuting anak, asawa, ama, kaibigan, at alagad ng sining.

Yumao si Rudy noong June 7, 2008, pagkatapos ng halos dalawang taong pakikipaglaban sa sakit na cancer. Fifty-six years old ang aktor nang bawian siya ng buhay.

Nawala man si Daboy ngunit ang mga magagandang alaala na iniwan niya sa lahat ng taong nagmamahal sa kanya at maging sa kanyang mga tagahanga, sa pamamagitan ng kanyang mga pelikula at palabas sa telebisyon, ay mananatili habambuhay.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN