Former President Joseph Estrada remembers Rudy as "pinakasinsero at pinaka-may puso sa mahihirap"

"Mabait siya hanggang sa nag-artista, sumikat. Naging veryhumble pa rin siya... Hindi ko maitiis na nakikitang naghihirap si Daboy,"reveals former President Joseph "Erap" Estrada who knew Daboy since he was five years old.



Nagbigay ng kanyang mensahe si ex-President Joseph Estradasa The Buzz noong Linggo hinggil sa kamatayan ng action star na si RudyFernandez. Inalaala ni Erap ang pagkakataon na una silang nagkasama niDaboy.

"Siguro kayong lahat hindi n'yo pa kilala si Rudy, kilala kona ‘yan...ah, five years old pa lang ‘yan. I'm very close to the family. Alamninyo naman naging artista ako nung father niya, ‘yung, Sampung LibongPag-ibig.

"At that time, lagi ako sa bahay nina Rudy sa Mandaluyong.Mga five years old pa lang si Rudy noon, kaya kilang-kilala ko si Rudy at alamko, napakabait na bata niya noong araw. Kaya nung nag-artista na siya, isinamako pa siya sa aking isang pelikula na ang title ay Counter Kill [1975].Doon kami nagkausap nang husto.

ADVISER TO DABOY. "Marami rin akong ibinigay natips sa kanya. Nakikinig lang si Rudy. Kaya ako'y tuwang-tuwa sa kanya at lateron naging...nakita ko rin siya na mayleadership. Kaya hinikayat ko siya na tumakbo na maging Presidente ng Actor'sGuild.

"‘Tsaka later on naman nakita niya yung mga kapwa niya natipo niya na kasabay niyang artista na sina Bong [Ramon Revilla Jr.],sina Lito Lapid bago tumakbong ano... kamukha ni Senador Bong Revilla, bagopumasok sa pulitika, ako ang kinunsulta niyan. Ganun din si Lito Lapid.Huling-huli si Daboy.

"Sayang nga. Nakapanghihinayang dahil, ah...nakita ko, siyaang pinakasinsero at siya angpinaka-may puso sa mahihirap. Matagal kaming nag-usap. Pagkatapos sabi ko, sigesusuportahan kita all the way kapagkumandidato siyang senador. Kaya nga lang medyo hindi naging maganda angnangyari.

"Ako ay sapilitang bumaba bilang pangulo nung siya'y tumakbobilang Quezon City mayor. Siguro kung hindi ako pinababa siguradong panalosiyang mayor sa Quezon City. Nakakapanghinayang at masasabi ko na siya ang thebest Mayor that Quezon City will ever have. Kaya lang hindi nagkaroon ngpagkakataon. Sinawing-palad nga na ako'y bumaba bilang pangulo. Pero alam ko naang puso't damdamin niya ay totoo. He'sa very humble man. Mabait, soft-spoken. Yun ang pagkakakilala ko kay Daboy."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DEPRESSED ERAP. Ikinuwento rin ng dating presidenteng Pilipinas ang kung gaano siyang nalungkot at naapektuhan sa kinahantungan niDaboy bago ito pumanaw.

"Siguro alam ni LT [Lorna Tolentino] ‘yan kahit nung gisingpa si Daboy. Nung malakas pa siya, pinuntahan pa nga ako nung birthday ko ditonung April 19 kasama si LT. Kaya ako'ymalungkot na malungkot.

"Nade-depress ako kapag nakikita ko siya nung una kongbinisita ko siya. Lungkot na lungkot ako dahil maliit pa siyang bata ay kilalako na. Mabait siya hanggang sa nag-artista, sumikat. Naging very humble pa rinsiya. Kaya ano e, nade-depress ako kapag nakikita ko na may sakit siyang ganun.

"Kaya nung two daysbefore his death nandun ako sa bahay nila sa White Plains. Kasama ko si Jinggoyat nandun yung ibang artista, sina Pip [Tirso Cruz III]. Nagkikita-kita kamidoon. Nakita ko nga na hindi na halos makausap si Daboy at ako'y lalongnalungkot noon. Hindi ko maitiis na nakikitang naghihirap si Daboy," pagtataposni Erap.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN