Bianca Gonzalez defends friend Mariel Rodriguez against abortion rumor

"Parang her values and ano...hindi niya mati-take na magawaang bagay na yun," says Bianca Gonzalez (right) about her friend Mariel Rodriguez (left) whois rumored to have undergone abortion.



Naging laman ng tsismis kamakailan sa isang newspaper nanagpa-abort daw ang TV host na si Mariel Rodriguez. Hanggang ngayon ay walapang opisyal na pahayag si Mariel tungkol dito.

Pero kahapon, Miyerkules, June 11—sa launching ng Back 2Books ng pinagsamang puwersa ng youth-oriented talk-show sa Studio 23 na Y Speak and the office of SenatorFrancis "Kiko" Pangilinan in cooperation with Help Kids Learn Project—na-kornerng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang isa sa mga host ng programa na siBianca Gonzales tungkol sa isyu ng abortion na ibinabato sa kaibigan niyang si Mariel.

SURPRISED AT THE NEWS. "Actually, nagulat akobecause, yun nga, I host Cinema News on Cinema One and nagbo-voice overako on a Thursday at yung unang-unang binoys-over ko, ‘Mariel,nagpa-abort!'

"Tinext ko agad si Mariel kasi nagulat ako talaga. Sabi ko,‘Huh? Ano ‘to?' ‘Tapos sabi niya, ‘Well, let's face it, ganyan, ganyan...'

"So, I know naman Mariel and yun nga, she makes a joke outof it sa akin. Pero sa totoo nga lang naman, live siya sa Wowowee, livesiya sa [PBB] Uber. Nag-Hawaii man siya, trabaho rin talaga yun.So, kailan pa talaga siya magkaka-time para mag-recover mula sa isang bagay naganun?

"And knowing her talaga, wala sa... Parang dapat pa ngahindi umabot sa puntong yun kung may time siya or hindi. Parang her values andano...hindi niya mati-take na magawa ang bagay na yun," pagtatanggol ni Biancakay Mariel.

Itinanggi ba sa kanya ni Mariel ang tsismis na nagpa-abortsiya?

"Of course, yes. Actually, she didn't have to kasi parangobvious naman na hindi totoo."

MARIEL''S REACTION. At ano naman ang reaksyon niMariel noong lumabas ang tungkol sa pagpapa-abort daw nito?

"Well, kasi she found about it earlier than I. I told herThursday na, e. She found it siguro mga Tuesday. She found out about it satabloid or something. I don't know.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But knowing her, siguro natawa siya na na-hurt na kungpaano nangyari yun. Siguro mixed reaction. But by the time na kausap ko siya,okey na siya. Parang pinagtawanan na lang talaga niya."

Bilang kaibigan ni Mariel, ano'ng support ang binigay niyasa co-host niya sa Pinoy Big Brother at Entertainment Live!?

"Well, I got to talk to her right away. But then, by thattime okey na siya, so, no need for any comforting kasi parang at peace nasiya," tapos ni Bianca.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN