Countless stars pay last respects to Daboy on final night of his wake

The biggest names in the showbiz industry attended the necrological service for action superstar Rudy Fedrnandez last night, June 11, at Heritage Park, Taguig City.



Ang ika-limang araw ng burol ng yumaong aktor na si RudyFernandez sa Heritage Park ang maituturing na pinaka-star-studded.Nagdatingan kasi ang napakaraming mga artista upang magbigay-pugay saaktor sa necrological service na isinagawa kagabi, June 11.

Pero bago ang necrological service ay dumating noong haponang Governor ng Lipa City at tinaguriang Star For All Seasons na si VilmaSantos. Nagkatambal sina Vilma at Daboy sa pelikulkang Makahiya at Talahib noong 1977.

More than one hour din nag-stay si Vilma sa wake at mayilang minuto rin siyang nakipagkuwentuhan sa ilang mga kaibigan ni Daboy—naaraw-araw ay siyang nangangasiwa sa lamay at nagbibigay ng suporta sa maybahayng aktor na si Lorna—na sina Gina Alajar, Amy Austria, at ang mag-asawang TirsoCruz III at Lyn Ynchausti.

Sa pagdating ni Vilma sa wake, muling naalala ang pelikulangpinagsamahan nila, ang Makahiya at Talahib. May trivia pa raw ang personalassistant ni Vilma na si Aida Fundallan na si Daboy pala ang very first kissingscene ni Vilma sa pelikula.

Hindi na nag-abot sina Vilma at Aga Muhlach, nadumaan din sandali sa wake bago ito tumuloy sa kanyang taping for That's MyDoc.

NECROLOGICAL SERVICE. Sa huling gabi ng wake ni Daboy ay isinara na sa publiko angviewing para sa necrological service.

Nagbigay ng kanilang mga mensahe ang pinakamalalapit nakaibigan ni Rudy na sina Jinngoy Estrada, Bong Revilla, Phillip Salvador, LolitSolis, at si Sharon Cuneta na sobra ang pag-iyak. Siyempre, nagbigay rin ngkanilang mensahe ang misis ni Daboy na si Lorna at ang tatlong anak na lalakeng aktor na sina Mark Anthony, Ralphe, at Renz.

Dumating din ang ilan sa pinakamalalaking bituin sa showbiz—Maricel Soriano, Christopher de Leon and wife Sandy Andolong, RichardGomez at Lucy Torres-Gomez, Cesar Montano, Piolo Pascual,Eddie Garcia, Amy Austria, Dingdong Dantes, Karylle, Raymart Santiago, PaoloContis, Mark Herras, Jestoni Alarcon, ang mag-asawang Eddie Gutierrez atAnnabelle Rama kasama ang anak na si Ruffa Gutierrez, Janice de Belen, CharleneGonzalez, Ronnie Ricketts and wife Mariz, Rosa Rosal, Toni Rose Gayda, LJReyes, LJ Moreno, Snooky Serna, Johnny Delgado and daughter Ina Feleo, CeliaRodriguez, Alicia Alonzo, Bayani Agbayani, Bobby Andrews, Mat Ranillo III,Gloria Sevilla, Miriam Quiambao, Lotlot deLeon, Joyce Jimenez, Polo Ravales,Sylvia Sanchez, at marami pang iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagsilbing emcees noong gabing ‘yon sina Lani Mercado atRicky Davao. Naghandog naman ng mga awitin sina Regine Velasquez,Ogie Alcasid, Pops Fernandez, Christopher de Leon., Tirso Cruz III, JamieRivera, at ang The Company.

Ginawaran naman ng posthumous award—ng kasalukuyang President ng Kapisanan ng mga Artista ng Pelikulang Pilipino at Telebisyon (KAPPT) na si E.R. Ejercito—si Daboy bilang isa sa pinakamatagal na presidenteng naturang samahan ng mga artista.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN