Jon Avila dismisses report that Maja Salvador is his girlfriend

"Hindi totoo na kami na ni Maja. As aperson, she's malambing lang talaga. Maybe people assume na kami na dahilmalambing siya sa akin. Pero hindi lang naman sa akin, sa lahat—pati saproduction people, sa direktor namin—malambing siya," explains Jon Avila about reports that he and Kapitan Boom co-star Maja Salvador are in a relationship.



May lumalabas na report na girlfriend na diumano ng modelturned actor na si Jon Avila ang co-star niya sa Kapitan Boom na si MajaSalvador. Ayon pa sa report, madalas raw nakikitang naglalambingan ang dalawasa set ng kanyang fantaserye sa ABS-CBN.

Pero nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal)si Jon ay mariin niyang itinanggi ang balita.

"Hindi totoo na kami na ni Maja," giit niya. "As aperson, she's malambing lang talaga. Maybe people assume na kami na dahilmalambing siya sa akin. Pero hindi lang naman sa akin, sa lahat—pati saproduction people, sa direktor namin—malambing siya."


Bukod sa pagiging malambing, paano pa niya idi-describe si Maja?


"She's nice. Fun to work with. She's very smart," sagot niya.

Kung ganyang puring-puri niya si Maja at sinabi niya nahindi niya ito girlfriend, posible bang dumating ang time na ligawan niya angdalaga?

"Ako naman, bago pa ako sa showbiz. Kung magkakaroon ng babae sa buhay ko,I give a lot to a relationship. Kaso hindi ko lang siya maaasikaso dahil maspriority ko ang career ko," paliwanag ni Jon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN