Gabby Concepcion still waiting for chance to see ex-wife Sharon Cuneta

"Nagkausap lang kami noong bago ako umuwi. Pero ngayon,hindi pa...hindi pa. Kaya nga, ang dami nang lumalabas, hindi ko pa sinasabi, angdami nang lumalabas," says Gabby Concepcion about ex-wife Sharon Cuneta.



Muling humarap sa entertainment press si Gabby Concepcion sa isang restaurant sa Timog Avenue, Quezon City, kahapon, June 13, para saisang pocket presscon na ibinigay sa kanya ng kanyang manager na si Mrs. RoseFlaminiano.

Gabby, who is now busy again with his acting career, juststarted taping for his first-ever soap opera, ABS-CBN's Iisa Pa Lamang with ClaudineBarretto.

Aminado si Gabby na mayroon siyang ibang energy sa taping dahil matagal ding hindi niya ito nagagawa.

"Okey! Enjoy! Ang sarap, ganado ko dahil kararating ko lang.Siyempre sa ngayon, enjoy pa, ganado pang dumating sa set, e. In fact,dumarating ako sa set an hour before the schedule," natatawang kuwento niGabby.

Nagkaroon ng pagkakataon si Gabby na muling makausap ngilang press people, kabilang na ang PEP (Philippine Entertainment Portal), noong nag-pack-up ng taping nila dahil sa sunud-sunod na pag-ulan.

Ayon pa kay Gabby, nag-e-enjoy siya sa iba't ibang locationnila. "Meron kami sa Alfonso, Cavite, meron din sa Batangas...kay GovernorLeviste na resort. Meron din sa Laguna. Puro out of town kaya maganda paramakita ko rin ang buong Pilipinas, especially Batangas area dahil matagal korin itong na-miss."

Isang tagapagtanggol ang role ni Gabby sa Iisa Pa Lamang.

FROM GRETCHEN TO CLAUDINE. Although ngayon lang niya nakatrabaho si Claudine, okeynaman daw agad ang working relationship nila.

"Para kong nakikita si Gretchen [Barretto, Claudine's eldestsister], magkamukha sila, e. In my opinion ha, magkamukha sila. Magkaiba sila,of course, pero may similarity sila. ‘Tapos, nakikita ko pa ang mga billboardnila," sabi ni Gabby.

When asked kung sino naman sa palagay niya ang mas magalingumarte sa magkapatid na Gretchen at Claudine, safe ang naging sagot ni Gabby.

"Magaling silang pareho, oo...Kung sabagay, matagal ko na rinnamang hindi nakikita si Gretchen na umarte at si Claudine ang nakikita kongayon. Ibang kalibre. Kumbaga, parehong baril, pero magkaibang kalibre,"paglalarawan ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CONTROVERSIAL ENDORSEMENT. After mai-launch ni Gabby bilang bagong endorser ofLucida-DS and Vaniderm, tila mas malaking isyu pa ang lumabas bukod sapagkakakuha sa kanya ng kumpanya. Yung credibility naman ng product ang nagingat stake dahil sa report ni Korina Sanchez na hindi eksaktong 500 mggluthathione ang content ng Lucida-DS.

Tinanong ng PEP si Gabby bilang endorser ng produkto kungano ang reaction niya sa lahat ng ito.

Aniya, "Sa totoo lang, ayokong makialam dahil siyempre,hindi ko naman linya ‘yan. Actually, simple lang naman ang lahat ng bagay kayahindi na dapat gawing complicated."

Ibinato namin kay Gabby ang comment ng ilan na parangmahirap daw makita sa kanya ang totoong effect ng product na ini-endorso dahilnatural naman ang pagiging maputi ng aktor.

Nangiti si Gabby nang marinig ito, pero aniya, "Well, kapaginiinom ko naman kasi, ewan ko ha...kasi yung pagputi naman daw, side effect langdaw yun. Pero yung purpose niyang talaga, for your health benefit. Hindi namankasi na porke't maputi ka, healthy ka. Of course, side benefit na lang yun."

NO REGRETS. Halos magta-tatlong buwan pa lang siya ulit saPilipinas, pero ayon kay Gabby, wala raw siyang pagsisisi sa naging desisyon namuling bumalik sa bansa.

"Ako naman, I go with the flow. Kahit pa anong gawin saakin, nakatayo lang ako rito, di ba? Kung nakatayo ako, nakatayo ako. Kungbabarilin ako, babarilin ako, sasaluhin ko lang. Hindi rin naman ako nagsusulatpara sumagot.

"Wala naman akong gustong sabihin para makasakit ng tao.Pero yun nga lang, kahit wala kang gustong sabihin, meron pa rin," napapailingniyang sabi. "Pero sabi ko nga, ako, trabaho lang ako, bigyan n'yo ako ngtrabaho at tatrabahuhin ko lang."

Thirteen years nanirahan sa U.S. si Gabby. Wala ba siyangnami-miss sa buhay naman niya sa ibang bansa?

"Meron...Yung walang intriga!" natatawang tugon niya.

THE EX-WIFE. Naitanong din ng PEP kay Gabby ang nakaraang burol at libingni Rudy Fernandez sa Heritage Park. Dalawang beses nagpunta si Gabby, isa noongburol at pumunta rin siya sa libing noong June 12. Pero parang sinadya onagkataon lang ba talaga na ni isang beses sa mga ito ay hindi sila nagkasabayng ex-wife na si Sharon Cuneta?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nandoon ba siya?" ang sagot-tanong naman agad ni Gabby."Hindi ko nakita...hindi ko nakita. Nandoon ako two nights ago before ilibing andyung mismong burial. Pero hindi kami nagkita."

Sa tono ng pananalita ni Gabby, tila gusto niyang magkitasila.

"Well, hinihintay ko nga, e. Para at least, nandoon na. Kungmagkita man kami, siyempre lalapitan ko. Kung ano lang ang normal. Siyempre,ang una kong sasabihin siguro, ‘hello,'" natatawa niyang sabi.

Dagdag niya, "Pero siguro kung magkita man kami, magigingspontaneous siguro. Bahala na lang kung ano ang mangyayari.

"Nagkausap lang kami noong bago ako umuwi. Pero ngayon,hindi pa...hindi pa. Kaya nga, ang dami nang lumalabas, hindi ko pa sinasabi, angdami nang lumalabas," ani Gabby.

MEMORIES OF DABOY. Tungkol naman kay Rudy Fernandez, sinabi ni Gabby na malaki ang nagingpartisipasyon ng namayapang aktor sa pagbabalik niya sa Pilipinas.

Kuwento niya, "Alam n'yo noong araw, akala ko si Rudymagdidirek! So, sabi ko pa sa kanya, ‘Pare, kapag nagdirek ka, gusto ko ako anguna mong artista.'"

Pagbalik daw ni Gabby sa Pilipinas, nagkita sila nangdalawin niya sa hospital si Rudy. "Actually, nagkita pa kami sa States. At kayarin kami nagkakilala ni Mommy Rose [Flamiano, ang tumatayong manager ni Gabby].Kasama siya nila Rudy at Lorna noong October [2007].

"Kaya ako, naniniwala na lahat ng bagay, may dahilan. SiDaboy ang nagpakilala sa akin kay Mommy Rose. Supposedly at that time, mayclassmate ako na nagpakita sa akin ng facility at may balak sana kaming magtayong Max's Fried Chicken. E, at that time rin, dumating si Daboy, Lorna at MommyRose, meron silang pino-promote at may simbahan silang pupuntahan," lahad niGabby.

Ayon pa kay Gabby, buong-akala pa raw niya nangipakilala ng mag-asawa sa kanya si Mommy Rose na may-ari ng FLT, ang naturangacronym stands for Fernandez, Lorna Tolentino.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN