Dingdong Dantes talks about investments and politics

"Sa ngayon talaga, gusto kong mag-concentrate sapag-aartista. Kasi it's a rare opportunity. Kumbaga, ang tagal konghinintay ito, e. Gusto ko pagbutihan ko nang mabuti dahil ayokong dumating angpanahon na kapag tinalikuran ko siya, e, magsisi ako. Dahil alam ko there's somuch to do, so many movies na pangarap kong gawin," says Dingdong Dantes.


Sunud-sunod ang major endorsements ng isa sa hottest actorstoday na si Dingdong Dantes. Kagabi, June 13, ay inilunsad naman si Dingdongbilang first male celebrity endorser ng Gran Matador Brandy.

"Napakagandang regalo para sa akin para sa parating nakaarawan ko on August 2. And after celebrating so many years in the industry,after the success ng mga programa ko na Marimar, Dyesebel, and all theother endorsements, I'm very thankful na nagkaroon kami ng pagkakataon namagkita sa isang tagpuan," panimula ni Dingdong sa press launch Gran Matador saPlaza Ibarra sa Timog Avenue, Quezon City.

Pansin ng iba, pawang panglalaking-lalaki talaga ang mgaini-endorse na produkto ni Dingdong, kung saan lumalabas talaga ang pagiging macho niya.

"Kasi naniniwala naman ako na the product will get anendorser for a specific reason and ako naman, ever since, wala naman akong itinatagosa sarili ko. Kung ano ako, yun ang nakikita nila and, for example, an alcoholicbeverage. Ako naman, I admit naman that I enjoy drinking. So, siyempre, it'ssomething that I won't fake. It's natural para sa akin," paliwanag ng youngactor.

Naging madali ba yung pakikipag-deal nila with Gran Matador?

"Yes," mabilis niyang sagot. "In fact, ang Gran Matador angisa sa mga unang naisara naming endorsement. It's even during Marimar pa.Nagkataon lang na ngayon lang siya lumabas."

Nakakalasing daw ang alak na ini-endorse niya. Lasing din basiya sa pag-ibig?

"Ako, wala na ako... Sasabihin ko lang na wala na akonghihilinging iba. Kumbaga, I'm very satisfied with the drinking session," aniya.

What about on success in life? Lasing ba siya sa tagumpay?

"Mahirap kasi ‘pag sinabi mong lasing. Ibig sabihin mayexcess, may sobra. Hindi mo alam, wala kang control sa sitwasyon. Para saakin, wala namang sobra sa maganda. Pero siyempre, kailangan pa natin inmoderation. Alam mo kung paano i-handle. Maaaring maraming magagandangnangyayari, pero hindi maganda ang approach mo, di ba? So, sa akin, it'sjust enough and I'm thankful for what's there, and it's all that matters,"pahayag ni Dingdong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa susunod na commercial daw ni Dingdong for Gran Matador aymay makakasama na raw siya.

"Babae siya," konting clue ni Dingdong. "May makakasama akosa darating na isa pang version ng Gran Matador [commercial]. Artista rin siya."


Kapuso rin ba siya?


"Malamang," ngiti ni Dingdong. "But siyempre, I'm not allowed to divulge anyinformation yet."


Would it be a problem kung taga-ABS-CBN ang makakasama niya sa isa pang versionng Gran Matador commercial?


"No! Hindi, hindi," tanggi niya. "Ang ganda nga noon, e, dahil minsannagkakaroon ng produkto kung saan nagsasama yung magkabilang istasyon, di ba? Ang ganda nun,ang ganda nun," paulit-ulit na sabi ni Dingdong.


"At least nagkakaroon ng unity kahit sa labas ng network," pahabol niya.


FINANCIAL INVESTMENTS. Sa dami ng endorsements niya ngayon at sunud-sunod na projects sa GMA-7, ano naang plano niya with regards to his financial investments? Magpapatayo ba siya ngbahay?

"Ano naman ako, e, I'm contented with what I have rightnow," saad niya. "Lahat ng mga basic sa buhay, e, na-establish ko na even longbefore. So, kung anuman yung maidagdag na lang ngayon, itatago ko na langat pag-iisipan ko kung saan ko magagamit ng mas maganda. Siyempre, ‘eto na rin,meron pa akong isang gustong pasukin na business na hilig ko rin. Later on,baka ma-involve na ako doon."

Magpo-produce ba siya ng isang independent movie?

"[It's] one of those, and ako, I make sure na nilalagay kosa tamang paraan."

Magtatayo raw siya at ang kasintahang si Karylle ng bagongbranch ng Centerstage.

"Yes, Centerstage will soon open in Jupiter St. in Makati."

NO TO POLITICS. May balak din ba siya na pasukin ang pulitika?

"Never," sagot niya. "Siguro as of this point, ayoko munangisipan ‘yan. I choose to concentrate muna sa pag-arte. Like for example, sabagay na ganun, ayoko muna siyang ipasok sa isipan ko. Ang hirapmag-concentrate ng maraming bagay kasi hindi ka puwedeng mag-succeed sa tatlo oapat na bagay nang sabay-sabay."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lumalabas daw kasi ang pangalan ni Dingdong as one of theaspirants na most likely tatakbo for a public office sa susunod nahalalan.

"Kasi ako, always active ako pagdating diyan even when Istarted. Always ‘yan, kumbaga, e, I served for the National Youth Commission saDepartment of Youth Commission, couple of NGOs. Kumbaga, it's my way of givingback. Masaya ako kapag ginagawa ko yun. Kaya hindi siguro kataka-taka kungtalagang lalalabas ang name ko.

"Sa ngayon talaga, gusto kong mag-concentrate sapag-aartista. Kasi it's a rare opportunity. Kumbaga, ang tagal konghinintay ito, e. Gusto ko pagbutihan ko nang mabuti dahil ayokong dumating angpanahon na kapag tinalikuran ko siya, e, magsisi ako. Dahil alam ko there's somuch to do, so many movies na pangarap kong gawin.

"O, sabihin na lang natin na ang ginagawa ko will always bethere. Kumbaga, kahit naman...and I do it every Christmas. I do it on mybirthday. Nandun lang ‘yan. Huwag bigyan ng kahulugan," pagtatapos ni Dingdong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN