Dingdong Dantes cannot be as daring as Wendell Ramos in Bench fashion show

"Hindi ko siguro kaya yun. But I salute Wendell for doingthat. But ako, personally, siyempre to each his own. Kay Wendell yun," says Dingdong Dantes about Wendell Ramos's (not in photo) butt exposure at last year's Bench fashion show.


Kung maingay na pinag-uusapan ang proyektong ginagawa ninaKC Concepcion at Richard Gutierrez para sa Star Cinema, may bulung-bulungannaman tungkol sa pelikulang pagtatambalan nina Dingdong Dantes at MarianRivera sa GMA Films.

Sa June 13 presscon ng Gran Matador Brandy, na ini-endorse ni Dingdong, may balita na malapit na raw silang magsimula ni Marian ng first team-upnila sa big screen.

"Hindi ko alam," sabi ni Dingdong. "Actually, ayoko munangpag-usapan ito dahil nagkaroon dati ng playdate, e. So until meron talagangspecific, siguradong mangyayari at nag-shoot na kami, parang ayoko munangpangunahan. Pero siyempre, everything is possible. Baka puwedeng before that,may iba pa. Hindi ko alam."

Hindi naman kaya naapektuhan ang movie na gagawin nila ni Marian ng pelikula nina KC at Richard sa GMA Films?

"Tingin ko naman wala, kasi Star [Cinema] yun, e. Kunganuman, hindi ko talaga alam. But from what I know, it's from ABS-CBN ang filmoutfit, Star Cinema. Hindi ako sigurado diyan. Siguro sila ang makakasagotniyan," pahayag ni Dingdong.

May balita rin na gagawa siya ng isang digital movie. Totooba?

"Gusto ko, hindi ako magdidirek. Gusto ko, ako ang aarte,"saad niya.

Sinabi rin ni Dingdong na sa ngayon ay okey na sila sa setng Dyesebel pagkatapos ng nangyari kay Marian, kung saan ang pakikipagtalo ngyoung actress sa isang fan ay ikinalat sa YouTube. Naging maingat na basila ngayon sa set?

"Nagiging joke na nga, e," sabi niya. "Minsan, kapag medyomay ano, ‘Oppss, walang ano, ha.' Mga ganun-ganun na lang, running joke na langsiya. Maganda na rin ngayon na pinagtatawanan na lang. Ibig sabihin, tapos na."

BENCH FASHION SHOW. Sa ngayon, naghahanda na si Dingdong para sa nalalapit naselebrasyon ng kanyang kaarawan on August 2 at ang opening ng branch ngCenterstage sa Jupiter St., Makati.

"At Day Two na ako ngayon sa aking umpisa para sa preparitonfor the July Bench [fashion]show," pahabol niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya ba nagda-diet siya ngayon?

"Hindi lang yun. Marami pa akong...yung dati kong proseso,ginagawa ko ‘tapos may iba pa."

May ideya na ba siya kung ano ang isusuot niya sa Benchfashion show?

"Actually, wala akong idea sa mga nakaraang fashion shownila," sambit ni Dingdong. "Pero nagtitiwala ako sa kanila na kung anumanyun, yung mga people involved will do it with taste and ikukunsulta naman nilakami. Pero sa ngayon, wala pa."

Sa nakaraang fashion show ng Bench ay nagkaroon ng buttexposure si Wendell. Willing ba siyang gawin din ang gano'n sa nalalapit naBench show?

"Hindi ko siguro kaya yun. But I salute Wendell for doingthat. But ako, personally, siyempre to each his own. Kay Wendell yun," saad ngyoung actor.

Since si Dingdong ang image model ng male underwear ngBench, siguradong pagsuutin siya ng brief. Anong klaseng brief ba angisusuot niya sa fashion show?

"Hindi ko talaga alam," sagot niya. "Kasi nga, nabalitaan konga rin yun, pero hindi pa ako nakakita. But I believe naman na kung anoang ipapasuot nila doon, it's gonna be stylized. May konspeto, may theme."

Yayayain ba niyang manood ng fashion show ang girlfriend niya na si Karylle,na unang na-shock nang makita ang mga pictures niya na naka-brief?

"Why not? Kung nandito siya, oo naman," ani Dingdong.

Hindi kaya lalong ma-shock si Karylle kapag nanood siya ngBench fashion show nila?

"Hindi naman," sambit ni Dingdong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN