Tony Tuviera realizes dream to make full-length animated film

"Wala pa naman tayong matatawag na original naPinoy full-length animation. Kaya itong Urduja, it would be the first if wesuccessfully finish it na maganda at pulido," says producer Tony Tuviera.



Isang fan ng animatedfilms ang TV and film producer na si Mr. Tony Tuviera. Kaya naman nagingmatagal niyang dream na magkaroon ng Pinoy animation na puwedeng ipagmalaki sabuong mundo.

Inamin ni Mr.Tuviera na ilang beses din siyang muntik nang mag-give up sa pagtatapos ng firstPinoy digital full-length animation na Urduja ng kanyang APTProductions. Ilang beses din kasi siyang nabigo dahil hindi nilama-achieve ang nararapat dahil sa malaking budget na kailangan.

Pero kapag naiisip niya ang kanyang matagalnang pangarap, muli na naman siyang nabubuhayan ng loob. Sinimulan daw niyakaya dapat ay tapusin.

"Noon pa naman akomay hilig na sa animations," sabi ni Mr. Tuviera sa PEP (PhilippineEntertainment Portal). "I'm a big fan of the many Disney animations, lalo naang mga gawa ng Pixar because most of the animators there are Filipinos.So naisip ko na kung ang mga Pinoyanimators natin are doing work sa ibang bansa at very successful sila, bakithindi nila gawin dito sa atin?

"Wala pa naman tayong matatawag na original naPinoy full-length animation. Kaya itong Urduja, it would be the first if wesuccessfully finish it na maganda at pulido."

Eleven years anghinintay ni Mr. Tuviera upang mabuo ang Urduja. Apat na daang Pinoy animatorsang gumawa ng 120,000 drawings na tatakbo sa 1,922 scenes, na ang equivalent ay8,771 feet of film. Ngayon ay natupad at nabuo na ang matagal nang dream ni Mr.Tuviera—sa June 18 na ito ipalalabas.

"I want to sharethis grand moment with all the talented Pinoy animators sa buong mundo. Puwedena nating ipagmalaki na nakagawa na tayo ng ganitong klaseng animation.

"Hindi ko puwedengikumpara ito sa mga gawa ng Disney because they have all the means of making avery excellent and big-budget animation. At least tayo, we did our best and wedid not stop from making Urduja happen. My long-time dream has finally cametrue and I want to share this with everybody," pahayag ng producer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang mga nagbigayboses sa mga characters ng Urduja ay sina Cesar Montano, Jay Manalo, EddieGarcia, Johnny Delgado, Epi Quizon, Ruby Rodriguez, Michael V., Allan K, at si Regine Velasquez bilang Urduja.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN