Anne Curtis overwhelmed by importance given her by ABS-CBN

"I guess, I'm just very, very thankful na hindi akopinapabayaan at inaalagaan ako. So, I'm thankful kasi kahit hindi talaga koStar Magic. That's why I will really do my best to prove na hindi silanagkamali," says Anne Curtis about her home networkABS-CBN.



Mistulang isang Diyosa na nga talaga ang young actress na siAnne Curtis sa pagpapahalagang ibinibigay sa kanya ng kanyang network, angABS-CBN nang maging guest siya sa The Buzz yesterday, June 15.

Kapansin-pansin dahil ang mismong tatlo pang hosts ng TheBuzz na sina Boy Abunda, Cristy Fermin, at Ruffa Gutierrez ang sabay-sabayna nag-interview kay Anne nang live. After nga ng interview na yun ni Anne, bago pumunta ng Pampanga tocelebrate Father's Day, nakausap muna ng PEP (Philippine Entertainment Portal)ang dalaga sa isa sa mga dressing room doon.

Obviously, overwhelmed si Anne sa ibinigay na pagkakataon sakanya ng network to become Dyosa. "Very happy! Sobrangnatutuwa ako na napunta sa akin ang project. Super-kina-career! Super-ine-effort ko ang taping namin. Yung mga outfits," nakangiting pahayag nganiya.

Gumaganap nga si Anne sa tatlong katauhan bilang ibon,sirena, at taong-kabayo. Ayon sa kanya, mahihirap daw at mabibigat ang haloslahat ng costumes niya.

"Mabigat kasi yung mga costumes. Yung pakpak. So, tiistalaga. Kahit anong oras ka umuwi, tanggal ng makeup ‘tapos, ulit. Tiyaga lang,pero masaya," kuwento pa ni Anne, though hindi pa rin daw niya sure kungkailan talaga ang exact airing nito, but definitely, hindi pa raw ngayong June.

As early as now, walang-duda na ang Dyosa niya angnakikitang tila puwedeng ipantapat daw sa Dyesebel naman ng GMA-7 dahilbukod sa parehong fantaserye, both have a mermaid character.

PEP asked Anne kung ano ang palagay niya sa bagay na ito.

"Sana...sana, hopefully, this will be a healthy competitionnaman. Tutal ang Dyosa naman, iba naman ang story niyan sa mgaipinapalabas sa kabila. Even to compete with other fantaseryes dito sa ABS-CBN,iba rin talaga ang concept niya. Tatlu-tatlo na sila!" natatawa niyang sabi. "Of course, it's a differentconcept, pero you know, of course, nandoon pa rin ang pagiging healthy competitionwith other shows."

Flattered daw talaga siya sa nakikita niyang pagtitiwala atpagpu-push ng ABS-CBN sa kanya, to think na hindi pa siya makokonsider na StarMagic artist since she's being managed by Viva Artist Management.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I guess, I'm just very, very thankful na hindi akopinapabayaan at inaalagaan ako. So, I'm thankful kasi kahit hindi talaga koStar Magic. That's why I will really do my best to prove na hindi silanagkamali."

Kung tutuusin, isa ang ABS-CBN sa may napakaraming magagandaat magagaling din na young actresses, naiisip niya ba kung ano kaya angmeron siya na wala ang iba at isa siya sa talagang nabibigyan ng magagandangprojects tulad nga nitong Dyosa?

"Hindi ko alam! Hindi ko talaga alam!" natatawa niyang sabi."Basta kung ano lang ang ibinibigay sa akin, kakarerin ko na lang," sagot niya.

Aminado si Anne na as early as now, may kaba at pressure naraw siyang nararamdaman.

"Of course, there's a lot of pressure and I'm very nervousabout the project. But when it comes to rating at yung mga ganyan, ang sinasabinaman ng mga director, like si Direk Wenn [Deramas], huwag na lang isipin yungmga rating. Isipin mo na lang, yung story natin. Just continue to do it as thescript...to make it beautiful, to make it best."

May naka-line-up na raw siyang movieunder Viva Films as follow-up naman sa success ng pelikulang When LoveBegins ng Star Cinema. This time, it's something new for her dahil maypagka-epic ang bagong movie na isu-shoot.

"Hindi ko alam kung puwede ko nang sabihin," nakangitiniyang sabi. "But it's something new. It's something different. Epic movie siyaat pang-Metro Manila Film Festival siya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN