Regine Velasquez wants simplest wedding celebration with Ogie Alcasid

"Sa Chowking tayo! Ang imbitasyon natin, huwag na tayongmamigay, text na lang. Like, go na kayo sa Chowking for our wedding. See youthere! Sorry, ha, sa Chowking...it's not a joke. Para lang kasing...I'm a person inthis business na palaging bongga. Kung sakaling dumating man kami ni Ogie sapuntong yun, I want our wedding na simple lang," says Regine Velasquez.



Live guest ng Showbiz Central yesterday si RegineVelasquez para mag-promote ng animated film ng APT Entertainment na Urduja.Regine thought na after siyang tanungin about her latest project ay tapos na atpuwede na siyang makauwi. Showbiz Central host Pia Guanio suddenly toldRegine that they were not yet done dahil mga personal questions naman ang ibabato SChosts sa kanya.

WEDDING QUESTIONS. At dahil kapapakasal lang ng kapatidni Regine, who is also her manager, si Cacai Velasquez at ang musicaldirector na si Ramon Mitra, Pia asked Regine kung kailan ang weddingnaman nina Regine at Ogie Alcasid.

Pero imbes na sagutin agad ang tanong, ibinalik ni Regineang tanong ni Pia na dapat daw, sina Pia at ang boyfriend nitong si Vic Sottomuna ang magpakasal, kasunod ng tawanan nilang dalawa.

"Well, kagaya nga ng sinasabi ko palagi, marami pa kamingdapat na i-settle. But once na naayos na namin, yun, that's the time siguro napuwede na naming pag-usapan [ang tungkol sa kasal]."

Follow-up question naman ni Mo Twister, anu-ano naman ang mgaisyu na dapat ngang i-settle nina Ogie at Regine.

"Right now, I'm not supposed to talk about it because theyare on the middle of that. Pero siguro, alam na naman ng marami kung ano yun. So, hindi ko na lang sasabihin. Siyempre, gusto rin naman namin yun.

"Of course, we want to be together. I am very sure I want tobe with him for the rest of my life. Ayoko na ng iba," tahasang pag-aminni Regine.

Matanda na raw siya para hindi pa maging handa, if everngang puwede na siyang pakasalan ni Ogie.

"Matanda na ko, e. Parang late na kung sasabihin kong, ah...,"natatawa niyang hirit. "At saka, sigurado ako sa nararamdaman ko. Hindi namanako yung tipo ng babaeng paulit-ulit mag-isip.

"I only want one. And I've found him already. He found me,so, that's it!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WEDDING AT CHOWKING. Pia then asked Regine kung anonga ba ang pinag-uusapan nila ni Ogie during Cacai and Raul Mitra's wedding.Natatawa namang sumagot si Regine dahil, second wedding na raw na pinuntahannila together na parehong kasal ng kapatid niya.

"Sasabihin ko na naman ‘to, nakakatawa ‘to! Kasi, secondwedding na um-attend kami pareho na kapatid ko ang kinasal. Actually, pangatlona nga. So, pinag-uusapan namin, ano kaya ang wedding natin?

"So, sabi ko, ako na! Ako na ang mag-iisip. Sa Chowkingtayo! Ang imbitasyon natin, huwag na tayong mamigay, text na lang. Like, go nakayo sa Chowking for our wedding. See you there! May mga ganoon," natatawaniyang sabi. "Sorry, ha, sa Chowking...it's not a joke. Para lang kasing...I'm aperson in this business na palaging bongga.

"Para bang yung last concert mo, sa susunod, kailanganmai-top mo yun. Or yung outfit mo, dapat yung next, mas bongga. So, parang sawana ‘ko ro'n. If ever magkaroon, I want it simple. Kung sakaling dumating mankami ni Ogie sa puntong yun, I want our wedding na simple lang.

"I just want all our family to be there, closest friends.And I wanna be in a place na may koneksiyon sa aming dalawa. At Chowking yun...joke!"biro pa rin niya.

OGIE AS A FATHER. Dahil Father's Day kahapon, June15, hiningan ni Pia ng mensahe si Regine para sa boyfriend sa espesyal na arawnga na yun ng mga ama. As we all know, Ogie has two daughters with ex-wifeMichelle Van Eimerren.

Ipinakita rin sa monitor na sa mismong oras na live guest sastudio ng Showbiz Central si Regine, nanonood naman si Ogie sa FilmexStudio kunsaan, naghahanda ito for their Pinoy Idol Extra naman.

When asked about Ogie as a father, naging emosyunal si Reginesa puntong ito at napaluha.

"Sobrang mahalaga sa kanya kasi. Sobrang mahalaga sa kanyaang mga anak niya. And since he's far away from his daughters, siyempre, parangang hirap. Hindi niya nakikitang lumaki ang mga anak niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Although, he sees them. He goes there [Australia], sixtimes every year. Pero siyempre, it's not enough. Ito ang growing years ng mgaanak niya at gusto niyang nandoon siya. Hindi ko man naiintindihan yungnararamdaman niya, pero, alam kong nahihirapan siya."

Dugtong pa nga ni Regine, "He is such a great father. Hereally is! Honey [Ogie], happy Father's Day. Kung meron man sigurong deservingna batiin ng happy Father's Day, si Ogie yun."

BLESSED REGINE. Singit naman ni Mo, Regine being adecorated singer, a great actress and now, with her latest achievement, ang Urduja,will one day be an outstanding wife herself. Mo adds with all these thingspuwede nang sabihing Regine lives a perfect life.

"I've always thought I had a perfect life. Although, maramiakong pinagdaanan ding hirap, but I've always thought I'm blessed. Wala akong dapat i-complain kasi, sobraakong love ng lahat."

At the end, natawa na lang nga si Regine nang ma-realizekung bakit daw siya umiiyak na naman, to think, binati lang naman daw niya nghappy Father's Day ang boyfriend. Atsaka naman niya sinunod ang pagbati sa sariling ama.

"Gusto ko lang din mag-Happy Father's Day sa aking iniidolosa buong mundo, si Mang Gerry. Happy Father's Day, Papa! I love you!"maramdaming pagtatapos ni Regine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN