FIRST READ ON PEP: Gretchen Barretto strikes again

If you think you've heard the last of Gretchen Barretto, well, think again. Two separate incidents that happened in one night put the actress in the news again—one took place in a hotel; the other, at Daboy's wake.



Kagaya ng isang teleserye, tuluy-tuloy pa rin angkontrobersiya sa buhay ng aktres na si Gretchen Barretto.

Unang naibalita rito sa PEP (Philippine EntertainmentPortal) ang pagpasok sa buhay ni Gretchen ni Dody Puno, na galing sa angkan ngkilalang media and government personalities. Sa kabila ng kawing-kawing na balita, angaktres ay nananatiling partner ng billionaire businessman na si TonyboyCojuangco, na una niyang kinasama 13 years ago. Sina Gretchen at Tonyboy ay mayisang anak na dalaga na ngayon.

Sa May 2008 issue ng YES! magazine, affiliate ng PEP,napagtugma-tugma ang mga kuwentong nagpapahiwatig na hindi pa rin nawawala sa buhay ni Gretchen siDody. Sa kabila rin nito, nananatiling nagsasama sina Gretchen at Tonyboy samansion nila sa Dasmariñas Village, bagamat maymga usap-usapan ang ilang showbiz observers nanapapadalas daw ang pag-aaway nina Gretchen at Tonyboy.

Si Dody Puno ay kasal kayBaby Pijuan, kapatid ng dating Miss International na si Aurora Pijuan. Kasalukuyang executive director ng Department of Public Works and Highways si Puno.

Samantala, may natanggap na report ang PEP tungkol sa mgabagong kaganapan sa buhay ni Gretchen.

Nangyari raw ang magkahiwalay na eksena sa loob ng isangaraw—noong Linggo, June 8.

HOTEL SCENE. Ang unang eksena ay nangyari diumano sa Dusit Hotel sa Makati. Ayonsa kuwento ng mga nakasaksi, kabilang na ang ilang customers noong gabing ‘yon,nag-dinner daw sa isang resturant sa loob ng naturang hotel—na sinasabing "thein place" sa kasalukuyan para sa rich and famous—si Gretchen, kasama ang kapatid na si Marjorie Barretto, ang mga kaibigan nitong sina Ruffa Gutierrez, Pops Fernandez, at isang nagngangalang"Josie."

Pagkatapos nilang kumain ng bandang alas-diyes ng gabi ayinilabas daw ni Gretchen ang kanyang credit card upang bayaran ang kanilangbill. Kinuha ng waiter ang credit card ng aktres para i-swipe, pero bumalik itoat sinabi kay Gretchen na ayaw tanggapin ang kanyang credit card.

Pinaulit ni Gretchen sa waiter ang pag-swipe ng kanyangcredit card. Pero bumalik ulit ang waiter at sinabing ayaw talaga itongtanggapin ng kanilang machine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkatapos nito ay naringgan daw si Gretchen na nagsabing,"That cannot be, we own the bank! Tawagan mo ang bangko!"

Ipinaalala raw ng waiter kay Gretchen na Linggo angaraw na ‘yon kaya walang opisina ang bangko. Pagkatapos ay sinabihan daw ng aktres ang waiter na i-swipe ulit ang kanyang card na siya namang ginawanito. Pero hindi pa rin daw tinanggap ng bangko ang credit card ng aktres.

Narinig ng ibang customers na nag-offer ang non-showbiz nakasama nina Gretchen, Ruffa, Pops, at Marjorie na siya na lang ang magbabayad.Pero tumanggi raw siGretchen.

Tinanong daw ni Ruffa kung magkano ba ang halaga ngbabayaran nila at ang ending, si Ruffa na raw ang nagbayad nang cashng kinain nila na nagkahalaga diumano ng P4,300.

May nakarinig din sa grupo na nagsalita na, "Baka pinutol niTonyboy yung card mo?"

Sabat naman daw ni Ruffa, "Sa akin nangyari din ‘yan, e,nung kay Yilmaz [Bektas, Ruffa's estranged husband]. Pag-uwi ko ng Pilipinas,di na gumagana [yung credit cards ko]."

Ayon pa sa isang customer, halata raw sa reaksiyon niGretchen na napahiya siya sa nangyari dahil siya diumano ang nagyaya ngnaturang dinner. Pagkatapos nito ay nakita raw ng ilang customers ang aktres naparang gigil na gigil habang nagti-text.

Noong bandang alas-onse ng gabi ay dumating daw sa DusitHotel si Tonyboy na mukhang inis, ayon sa mga customer na nasa lobby.

Dagdag na kuwento ng mgasaksi, sa lobby pa lang daw ng hotel ay nagsisisigaw na si Gretchen kay Tonyboy.Hinila pa diumano ng aktres ang ka-live-in papunta sa ladies' room. Dinigdaw hanggang labas ang pagsisigawan ng dalawa at nang lumabas sila ay halatangumiyak si Gretchen.

Pagbalik daw ni Gretchen sa restaurant ay ikinuwento nito sakanyang mga kasama ang nangyari sa kanila ni Tonyboy. Sinabi raw ni Gretchen sakanyang mga kaibigan na nagalit daw ang kanyang live-in partner sa kanila dahilikinumpara nila ito sa asawa ni Ruffa na si Yilmaz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nabanggit daw ni Gretchen kay Tonyboy ang sinabi ng isa sagrupo na baka pinutol ng negosyante ang credit card ng aktres. Ang mariing sabi raw ni Tonyboy kay Gretchen ay "Iam not Yilmaz!"

Dahil sa nangyari ay mukhang nagkatampuhan sina Gretchen atang mga kaibigan niyang sina Ruffa, Pops, at "Josie." Nagulat daw ang mga itodahil idinawit pa ni Gretchen ang mga pangalan nila sa away ng aktres at niTonyboy.

May nagsabi ring isang source na ipinakuha pa nga raw ni Gretchen sa waiter angperang ibinayad ni Ruffa. Isasauli raw kasi ni Gretchen ang pera ni Ruffa at siya na lang ang magbabayad. Pero hindi na raw puwede dahil naipasok na sacash register ang perang ibinayad ni Ruffa.

SCENE AT THEWAKE. Ang pangalawa namang eksena ay naganap ilang saglit lamang pagkataposng eksena sa hotel. Ito naman ay nangyari diumano sa burol ng aktor na si RudyFernandez sa Heritage Park, kung saan daw dumiretso si Gretchen at ang kapatidniyang si Marjorie.

Ayon sa ilang artistang nakasaksi ng mga pangyayari,nagpunta raw sina Gretchen at Marjorie sa VIP room, kung saan nag-i-stay angmga artista at iba pang mga nakikiramay sa pamilya ni Daboy.

May nakakita raw kay Gretchen na kumikindat-kindat saactor-politician na si Bong Revilla na nasa kabilang table. Hindi naman dawsigurado ang mga nakakita kung nakita rin ni Bong ang pagkindat-kindat diumanosa kanya ni Gretchen. Pero napansin ng amingsource na naging uncomfortable daw ang hitsura ng senador.

Nandundin daw sa VIP room ang misis ni Bong na siLani Mercado. Napansin na lang ng source na tumayo si Lani at pumunta salikuran ng kanyang mister. Ang hindi matukoy ng mga witnesses ay kung lumapitba siya sa asawa dahil nakita niya ang ginagawa ni Gretchen o nagkataon lang.

Hindi naman kaila sa lahat na nagkaroon ng romanticrelationship noon sina Bong at Gretchen, na siyang naging ugat ng alitan ninaLani at Gretchen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Narinig din daw na pinagsabihan ni Marjorie ang kapatid natigilan na ang kanyang ginagawa. Pero ang sagot daw ni Gretchen sa kanya aysinusubukan lang niya kung uubra ang pagpapa-botox niya kay Bong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN