Marvin Agustin flunks three questions in "Showbiz Central"'s "Don't Lie To Me" segment

Marvin Agustin took the test for the second time in last Sunday'sShowbiz Central segment "Don't Lie To Me."



Bilang selebrasyon ng Father's Day last Sunday, June 15, sa ShowbizCentral, isinalang muli ang dati nang naisalang sa "Don't Lie To Me"segment na si Marvin Agustin.

Noong unang salang niya rito'y nahuhulugan ng harina siMarvin sa tuwing may sumasabit na mga sagot sa tanong ng host ng segment na siJohn "Sweet" Lapus. This time, talagang aalamin lang kung truth or lie ang mga isasagotni Marvin sa mga tanong.

Wala sa Showbiz Central si John noong Linggo kungkaya't ang co-host niya sa show na si Pia Guanio ang pumalit sa kanya sanaturang segment. They invited some of Marvin's closest female friends inshowbiz para siyang magbato ng mga katanungan sa kanya. Si Andrea del Rosarionaman, one of Marvin's best friends in showbiz ang siyang sumasayaw every timena nagiging "lie" ang resulta ng sagot ni Marvin.

Through phone patch, unang nagtanong ang aktres na si JennyMiller kay Marvin. Since si Jenny raw ang isa sa mga aktres na nakaeksena niMarvin sa daring scenes ng teleserye nilang Babangon Ako't Dudurugin Kita,tinanong nito si Marvin kung na-carried away nga ba ito sa kanilang mga maiinitna love scenes.

"Yes!" ang naging tugon ni Marvin na tumugma naman sa nagingresulta ng lie-detector machine.

After Jenny, ang nasa studio namang si Andrea ang sumunod nainterrogator ni Marvin. Twelve years na raw ang friendship ng dalawa. In fact,sabay nga raw sila halos na nag-start ng kanilang showbiz career. Regular partyat travel buddies daw sila at sey pa ni Pia, kahit na magkatabing matulog sina Andrea at Marvin, wala raw mangyayarisa dalawa dahil best friends nga raw ang mga ito.

"Truth" naman ang lumabas na result sa lie-detector machine nang sumagot si Marvin ng "Yes!" sa tanong na kung totoo bang verystrict siya as a father sa kanyang twins, at never niyang kinukunsinti ang mgaito.

Katuwiran ni Marvin, "Iba na kasi ang mga bata ngayon. Evenif they are only two years old, diyan na kasi nag-i-start ang mga [habits] ngmga bata. Ako naman, hindi naman ako namamalo. Ang pinaka-punishment na saakin, face the wall. Siyempre, wala namang magdidisiplina sa mga yun kundi akorin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Lie" ang naman ang resulta ng lie-detector machine nangsumagot si Marvin ng "No"sa sumunod na tanong ni Andrea. Ang tanong: kung totoobang si Marvin at si Diana Zubiri lang ang magkasamang nag-swimming sa pool ngbahay ng binatang ama at kung totoo bang nag-iwan pa raw si Diana ng ginamitnitong swimsuit sa bahay ni Marvin.

Katuwiran naman agad ni Marvin, mali raw ang lie-detectormachine dahil grupo raw sila nang maki-swim si Diana sa pool.Pero pinatotohahan naman ni Marvin ang tanong na nag-iwan nga ng swimsuit siDiana sa bahay niya pagkatapos mag-swimming.

Sa ikatlong tanong ni Andrea kay Marvin: sumama ba ang loobnito nang malamang hindi na si Sunshine Dizon ang makakasama nito sa sinenobelang Gaano Kadalas Ang Minsan? "No" ang naging tugon ni Marvin natinapatan naman ng lie-detector ng resultang "lie."

Habol agad sa pagrarason si Marvin. "Hindi naman talagasumama ang loob ko," depensa niya.

"Kasi kami naman ni Shine, hindi naman kamiyung close friends pero nakakasama ko siya. Pero, hindi sumama ang loob ko,dahil may sakit naman talaga si Shine. Nasa hospital siya noong nagsu-shootkami. And it would be great for her, personally, na makapagpahinga. She's avery good actress at hanggang ngayon nga, sinasabi ko na yung mga eksena namingginawa, nanghihinayang ako dahil ang galing kaeksena ni Sunshine. Hindi akonahihirapan na ibato ang lines ko or mag-motivate nang sobra dahil pareho anglevel and intensity naming dalawa. I tell that to Direk [Gil Tejada]. I missher as a leading lady."

Sinundan naman ito ng tanong ni Pia kung ano naman daw angnapi-feel ni Marvin sa nag-replace kay Sunshine na si Camille Prats?

"Camille is also a very good actress," pahayag naman niMarvin. "Nagkaroon lang kami ng adjustment because Camille is younger than me."

Aminado si Marvin na nasayangan lang daw siya sa mgaeksenang nagawa na nila ni Sunshine at kinailangan niyang ulitin. Hindi rawkasi madali sa isang artista ang magbuhos ng sobrang emosyon, pagkataposay muli itong isu-shoot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa pang-huling tanong ni Andrea kay Marvin, another "lie" parin ang naging resulta ng lie detector dahil sa sagot nitong "No." Angtanong: kung nagpansinan daw ba sila ng ex-girlfriend niyang si Pauleen Lunanang sabay na mag-guest sa SOP, three Sundays ago.

Sa puntong ito, kinampihan ni Andrea ang kaibigan atsinabing baka nagkamali nga lang daw ang lie detector. Katwiran kasi ni Marvin, hindi raw talagasila nagkaroon ng chance na magkita ni Pauleen sa SOP kahit sabay silangnag-guest. Aniya, they remain friends naman daw. In fact, pinasalamatan pa niMarvin on air si Pauleen dahil sa pagbati nito ng Happy Father's Day sa kanya throughtext.

All in all, sa five questions na ibinato kay Marvin, tatlongbeses siyang nag-lie at dalawang beses lang nagtugma ang answer niya salie-detector test. Tatlong beses din napasayaw si Andrea na aminadong hindi rawniya kabisado ang dance step.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN