Anne Curtis now tagged as "Dyosa ng Kagandahan"

"Sulit! I mean, sobrang nag-e-enjoyako sa taping ko. Yung bawat character talagang minamahal ko," beams Anne Curtis about her three different roles in ABS-CBN's Dyosa.



Mababanaag ang sobrang kaligayahan ni Anne Curtis sapanayam sa kanya ng The Buzz last Sunday, June 15, para mag-promote ngpinakabagong fantaserye ng ABS-CBN na pagbibidahan niya, ang Dyosa. Dahil dito,may bagong title na nga raw si Anne bilang "Dyosa ng Kagandahan."

Kaya tinanong si Anne ng hosts ng The Buzz na sina RuffaGutierrez, Cristy Fermin, at Boy Abunda kung ano ang pakiramdam kapag tinatawagsiyang dyosa?

"Nakakatuwa? Nakakatuwa! Super-Thank You talaga!" todo-ngitingsagot ni Anne.

Hindi lang dyosa ng isa kundi tatlong aspeto ng kalikasan ang gagampanan ni Anne sa bagoniyang programa sa ABS-CBN. Nagta-transform siya from being a human sa pagigingibon, kabayo, at sirena.

"Mahirap po talaga," pahayag ni Anne tungkol sa kanyang rolesa Dyosa. "I guess kailangan talaga mahal mo ang ginagawa mo. Kasi mahiraptalagang tiiisin, yung oras mahaba. Kailangan may patience."

Saan ba siya mas nahirapan sa tatlong roles na ginagawa niyasa Dyosa?

"Siguro yung pinakamahirap yung kabayo. Kasi matigas yung...mahiraptalaga siya. It's very, very hard. It's fiber glass yung katawan niya," lahadng young actress.

Sa kabila nito, sulit naman daw ang pagod ni Anne.

"Sulit," pagsang-ayon ni Anne. "I mean, sobrang nag-e-enjoyako sa taping ko. Yung bawat character talagang minamahal ko. Actually, yungisa bilang bird, wala na yung red wig."

THREE LEADING MEN. Tatlo rin ang leading men ni Anne sa Dyosa—sina Sam Milby,Zanjoe Marudo, at Luis Manzano. Ngayon pa lang ay curious na ang audiencemalaman kung kanino siya mapupunta kina Sam, Zanjoe and Luis.

"Naku! Hindi ko puwedeng sabihin!" sambit niya.

Ibinalik ni Ruffa ang tanong kay Anne kung sino ba angnagmamay-ari ng kanyang puso.

"In real life ba ito?" tanong naman ni Anne kay Ruffa.

"Si Sam ang real life, di ba? Nagho-holding hands na kayodito [sa The Buzz]," pambubuking ni Ruffa.

"As of now, yes," pag-amin naman ni Anne. "He's the closest tome and what we're going through right now, I mean, even though it's...hindi pa kami together. I want to clear that,we're not together yet. But you know, the cross of path we're taking, it's abeautiful experience."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN