Judy Ann Santos aware of issues against her while in Europe

Judy Ann Santos is enjoying her European trip with herfamily, friends, and fans. In a TFC Global Limited interview, she said she isaware of the issues thrown at her but she'll just be quiet fornow and enjoy her European holiday. (In photo) Judy Ann Santos in Downtown Dublin with Luis Bariuan (Sales and Marketing Head of TFC Europe, Jane dela Cruz (Judy Ann’s road manager), Mickey Muñoz (Media Production and Events Head of TFC), Maricel of TFC Europe, and G



Ipinararating ni Judy Ann Santos via TFC Global Limited nakasalukuyan niya ngayong kasama sa Europe sa kanyang mga kamag-anak, kaibigan,at mga fans, na okey na okey daw siya sa kabila ng mga intrigang nakakaratingsa kanya doon. Aware daw siya sa mga issue tungkol sa kanya rito, pero masgusto raw niyang manahimik muna tungkol dito at i-enjoy na muna ang mga natitirapang araw ng pagbabakasyon niya sa Europe.

Pagbalik na lang daw niya ng Manila ay aalamin niya angbuong pangyayari sa mga naglabasang isyu tungkol sa kanya at saka niya itoiisa-isahing sagutin at ibigay ang kanyang panig.

Nasa Europe si Juday dahil na rin sa imbitasyon ng TFC namag-perform siya sa dalawang piyestang sponsored nila nitong nakaraangdalawang weekend sa Ireland at Italy. Kasama ni Juday na nagbigay-aliw sa ating mgakababayan sa nabanggit na mga bansa ang komedyanteng si Giselle Sanchez.

Dumating si Juday sa Dublin Airport sa Ireland noong June 11,Miyerkules, kunsaan sinalubong siya ng TFC Global Limited staff. Dinumog namansiya agad ng mga Pilipinong nakaalam ng pagdating niya.

Pagka-tsek-in sa hotel, agad daw nagyaya si Judy Ann napumunta sa grocery (Tesco) para mamili ng tsitsirya, juice, at mga cold cuts.Nagmistula nga raw sari-sari store ang hotel room ni Judy Ann sa rami ng pagkain nang bisitahin siya ng mga taga-TFC.

Nagpahinga naman daw si Juday ng buong Huwebes. Kinabukasan,Biyernes, buong araw naman daw siyangnamasyal sa downtown Dublin. Sa City Center, The Spire Tower, Henry St.,Ha'penny Bridge, at ang world-famous Temple Bar kung saan tradisyon angpag-inom ng Irish Beer.

Namili din siya ng mga Irish souvenirs (shamrock, leprechaunminiatures, cloverleaf at ref magnets, etc.) at damit sa H&M,Zara, Gap, at Arnotts. Buong araw ang buhos ng ulan at ihip ng napakalamig nahangin noong Sabado, pero hindi ito pinansin ng mga kababayan natin sa Ireland. Pumunta pa rin sila sa St. Anne's Park sa Dublin para makisaya sa selebrasyon ng Independence Day Fiesta at makita si Juday.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinabukasan ay bumiyahe na raw sina Juday at mga kasama niya nang madaling araw para puntahan naman ang Pinoy Fiesta sa Milan,Italy.

Usually daw ‘pag ganung panahon na summer ay napakatindi nginit sa Italy. Pero dahil sanay ang mga kababayan natin sa paiba-ibang weather,itinuring pa raw nila na blessing yun.Kaya naman naging masaya raw ang mga kababayan natin sa Milan. Nakitawa silakay Giselle. Habang panay naman ang sigaw nila kay Judy Ann at nakikanta pa,kasama ang aktres.

Sa sobrang awa ni Juday sa mga taong basang-basa ay umalissiya sa silong ng stage at nagpaulan habang kumakanta para makiramay sakanilang lahat. Dahil dito, sinipon at nagkasinat si Juday pagkatapos ng show.

Nag-food trip ang grupo nina Juday sa Dublin at Milan.

Dahil nga sa magaling na cook si Juday, siya palagi angnag-o-order kapag kami ay kumakain. Pinagbigyan naman ng TFC ang hiling niyangkumain ng Thai food sa Royal Orchid (sa Downtown) at Chinese cuisine sa Silk(sa Malahide, Ireland kung saan naroon ang hotel nila) habang nasa Dublin.

Ang hilig daw palang kumain ng maaanghang ni Judy Ann.Katunayan, panay daw ang order niya ng chili oil at sprinkles.

Sa Milan naman ay authentic Italian ang napagkasunduannilang kainin. Pagpasok pa lang sa Stop! Italian Restaurant ay alam na ni Judayang oorderin niya tulad ng Buffalo Mozarella and Tomato with Anchoviesbilang appetizer, Fruta Di Mari (Seafood) Pasta, Pizza with Fresh Arugula andshavings of Parmegiano, at para sa dessert, Italian Mascarpone at Limoncello pati na ang Capuccino.

Samantala, pinabulaanan daw ni Juday ang kumakalat natsismis na naghiwalay na sila ng kasintahang si Ryan Agoncillo.

"Kung napansin po ninyo, suot ko pa rin ang singsing at walaakong planong tanggalin ito," pahayag ni Judy Ann sa ating mga kababayan na nanood ng show kasunod ang malakas nahiyawan.

Excited ding ibinalita doon ni Judy Ann na ipapalabas angpelikulang prinodyus niya na Ploning sa Paris Film Festival na gaganapinsa first week ng July.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Judy Ann, pipilitin niyang dumalo sa nasabingevent. Pero kailangan muna raw niyang ayusin ang kanyang schedule dahil matagalna siyang wala sa Pilipinas at maraming trabaho ang naghihintay sa kanya dito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN