PEP EXCLUSIVE: Talent manager Arnold Vegafria clarifies Billy Crawford's stint in ABS-CBN

"Time will tell kung kailan sila mag-uusap or magkakausap. Ako kasi, I don't want to meddle because I'm not part of thepast. Of course, siya [Billy] ang mas bata, so better if he will talk to Kuya Germs.Sabi ko, 'If you think na natapakan mo sila, say sorry'...." says Arnold Vegafria (inset, top) about rift between Billy Crawford (main photo) and German Moreno (inset, bottom).



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) angtumatayong booking agent ng international singer na si Billy Crawford saPilipinas na si Arnold Vegafria sa press conference ng pelikulang Paupahan,kung saan bida ang isa sa mga alaga niya na si Krista Ranillo.

Ang panayam namin kay Arnold ay naganap pagkatapos makausapng PEP si German "Kuya Germs" Moreno, na nagsalita tungkol sa sama ng loob niyakay Billy. Matatandaang sumama ang loob ni Kuya Germs kay Billy nang tanggapinng huli ang offer ng ABS-CBN na mag-host ng Pinoy Dream Academy (PDA) nanghindi nagpapaalam sa kanya at sa GMA-7.

Ayon kay Arnold, si Billy ang mismong kumontak at kumausapsa kanya para maging booking agent while he's here in the country. That wasafter na magkasundo na raw ang management ni Billy sa States na YPMP at angEndemol, na siyang may-ari ng franchise ng PDA.

"He needs someone to handle his career in the Philippines,that's what he told me," saad ni Arnold. "At may usapan na with his managementin the U.S. naman. Nire-report din namin kung ano ang nangyayari sa kanya rito,but that's for formality."

Kuwento pa ni Arnold, nasa Germany pa raw si Billy nangkontakin siya nito para i-handle sa pagbabalik niya sa Pilipinas. That wasaround March or April of this year. Wala raw siyang nakitang problema, lalopa nga't forte naman niyang talaga ang humawak ng mga singers.

Si Billy rin daw ang nagsabi kay Arnold na tawagan siKuya Germs at i-inform sa planong paggawa ng Pinoy Dream Academy saABS-CBN. Ayon kay Arnold, at that timedaw kasi ay pinu-polish pa ni Billy ang bagong album na ilu-launch niya atpagdating nito sa States ay saka naman niya tatawagan at magpapaliwanag kay KuyaGerms.

"I did talk to Kuya Germs," sabi ni Arnold. "Sinabi ko sakanya yung mga sinabi ni Billy, at sinabi ko rin na tatawagan siya ni Billypagdating nito sa States. Noong dumating si Billy sa States, tinanong ko siyakung nakausap na ba kako niya si Kuya Germs. Doon pa lang nga niya tinawagan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para kay Arnold, hindi raw sensitive si Billy sa isyu ngnetwork war or all the issues that are going on dahil global naman ang singer.Ang gusto lang daw nito ay ang makapagtrabaho para sa mga Filipino.

OFFER FROM GMA-7. Tinanong ng PEP si Arnold tungkol sa show na dapat daw aynakatakda nang gagawin ni Billy sa GMA-7 pag-uwi niya. Ayon sa kuwento ni KuyaGerms, the last time na umalis si Billy ay na-inform na siya rito ng GMA-7.

"Well, as far as I know, from what he [Billy] told me, itwas only offered to him October of last year pa. But he's not sure kung ano naang nangyari. And then, he just closed a management deal in America. Siyempre,he cannot just decide on his own or demand dahil bago pa lang siyang talent ngnaturang management.

"Then, opportunity came in. Around March nga yun for PDA,hindi na niya alam kung ano ang nangyari sa supposedly project na gagawin niyafor GMA. That's according to him," pahayag ni Arnold.

LET'S MOVE ON. As far as Arnold is concerned, alam daw niyang wala siyangginawang masama or mali by handling Billy. Malinaw raw kasi na wala na itongmanager nang kuhanin siya ni Billy.

"I asked him, ‘What is your relationship with your formermanager?' And he said, nag-resign na raw siya last year pa. Ako naman kasi, I'mused to that na rin. Trabaho lang yun. Wala naman akong crime na ginawa sakanila. I'm just helping their artist. Itong tao naman na ito, pride of thePhilippines. So para sa akin, dapat lang siguro na mag-move on na rin," saad ngtalent manager.

Bilang booking agent ni Billy, kung hinihingan man siya ngadvice nito ay sinasabi raw ni Billy na kausapin ng singer ang kanyangtatay-tatayan na si Kuya Germs.

"Time will tell kung kailan sila mag-uusap or magkakausap,"sabi ni Arnold. "Ako kasi, I don't want to meddle because I'm not part of thepast. Of course, siya [Billy] ang mas bata, so better if he will talk to Kuya Germs.Sabi ko, 'If you think na natapakan mo sila, say sorry.' But if you know nayou're just doing your career and you have your management in the U.S. nanagde-decide for that, nasa sa kanya na yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At present, busy raw si Billy sa mga projects nito saABS-CBN. Bukod sa kanyang show na PinoyDream Academy, where he hosts the daily Uberture, he's also on ASAP '08. Ayonkay Arnold, Billy will also appear in Your Song at may concert din daw naposibleng maganap. Bukod pa rito ang mga endorsement na nakatakdang gawin niBilly.

Nilinaw rin ni Arnold na three months lang daw magtatagal sabansa si Billy at ang kontrata nito sa Kapamilya Network.

"If GMA is still interested in him after that, then he cango, he can do it," pagtatapos ni Arnold.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN