Mommy Rose Flaminiano denies rumor Gabby Concepcion had "work" done on his face

"Ay, naku! Mababanat ba naman ‘yan? Original ‘yan, honest!Hindi ako nagbibiro. Napakasimpleng sasagutin ko ‘yan na, ‘Oo, pina-botox koyun. Pinagawa ko yun.' O, e, di nakakapagyabang pa ako na gumagastos kami,"sarcastically comments Rose Flaminiano when asked if her ward Gabby Concepcionhad cosmetic facial surgery.



Madiing sinabi ng manager ni Gabby Concepcion na si MommyRose Flaminiano na hindi naapektuhan ang kanyang talent ng kontrobersyangkinasasangkutan ng Lucida DS Glutathione na ini-endorse ng actor.

Personal na na-witness ni Mommy Rose kung paano pagkaguluhanpa rin ng mga tao si Gabby sa iba't ibang mall shows na ginawa nila kamakailan. Bukod pa diyan, may mga produktopa raw na iniaalok sa kanila para i-endorse ni Gabby.

NO "WORK" DONE. Ibinalita naman sa amin ni Mommy Rosena puspusan ang pagti-taping ni Gabby para sa kauna-unahang teleserye niya saABS-CBN, ang Iisa Pa Lamang with Claudine Barretto, Angelica Panganiban,Diether Ocampo, at Susan Roces.

"Maganda naman ang working relationship ni Gabby kayClaudine. Ah, okey na okey. Walang problema," pahayag ni Mommy Rose nangmakatsikahan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) recently.

Natuwa si Mommy Rose nang marinig niya ang comment saipinapalabas na trailer ng Iisa Pa Lamang. Parang hindi raw halosnagkakalayo ang edad sa mukha nina Gabby at Claudine.

"E, di maganda naman," nakangiting reaksyon ni Mommy Rose.

Duda tuloy ng iba, hindi raw kaya may pinagawa si Gabby sakanyang mukha?

"Ay, naku! Mababanat ba naman ‘yan? Original ‘yan, honest!Hindi ako nagbibiro. Napakasimpleng sasagutin ko ‘yan na, ‘Oo, pina-botox koyun. Pinagawa ko yun.' O, e, di nakakapagyabang pa ako na gumagastos kami,"sabay tawa ni Mommy.

Ayaw pa raw kumuha ni Mommy Rose ng sponsor kung sakalingmay ipagawa sa mukha si Gabby.

"'Tsaka, gusto ko makakuha kami ng mas magandang deal paradiyan kay Gabby."

GABBY'S FIRST MOVIE. Ngayong nakapag-umpisa na siGabby ng teleserye, tinanong namin si Mommy Rose kung kelan naman ang firstmovie ni Gabby after 13 years.

"Ang movie, uunahin muna, kasi nag-usap kami ni Malou[Santos, Star Cinema managing director], okey na sa kanya na mauna ang GMAFilms. Kung hindi pa sila [GMA Films] handa, puwedeng siya [Star Cinema]. Dahiltalagang kumbaga, nakaayos na yung saStar Cinema. Yung sa GMA, hindi ko alam. Kasi hindi naman ako puwedeng makianodoon. Kasi si Gabby lang ang nakipag-usap doon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May ideya na, more or less, si Mommy Rose kung anong klasengpelikula ang gagawin ni Gabby sa Star Cinema.

"Naku, maganda yun [movie sa Star Cinema]. Actually, alam kona pero hindi pa puwedeng sabihin. Pero basta ang makakapareha niya doon,bata."

Pero tumangging magbigay ng iba pang detalye si Mommy Rosetungkol sa pelikulang gagawin ni Gabby sa Star Cinema.

"Alam mo, sa totoo lang, hangga't hindi pa nagga-grind ngpinal na pinal, hindi ko masabi, e. Kasi lilitaw naman akong nangtsitsismis,ano? Hindi ba maganda dito sa atin lahat prangka, totoo. Katulad ng sinasabininyo kung pinabanat ko si Gabby?

"Wala talaga, as in wala. Kung puwede ko nga lang sabihinna pina-botox ko yung ganito, pinaganyan ko ang mata...hindi naman, e. Makikitamo, walang-wala. Parehong-pareho pa rin."

GABBY'S DIRECTOR AND LEADING LADY. Pero kahit paanosinubukan naming tanungin si Mommy Rose kung may director na ang pelikula niGabby sa Star Cinema.

"Direktor? Teka, teka. Maaaring Olive Lamasan. Puwede nasiya," lahad ni Mommy Rose.

Nag-mention kami ng mga young actress sa bakuran ng StarCinema pero tumangging mag-confirm si Mommy Rose kung sino doon ang balakipareha kay Gabby. Hanggang sa nabanggit ang isyu na hindi raw type ni Mommy Rose siAngel Locsin na makapareha ni Gabby.

"Hindi ko sinabi yun," tigas na pagtanggi ni Mommy Rose."Sino na naman ang may tsismis niyan? Hindi totoo yun. Boto ako kay Angel!"

WHAT ABOUT THE HDO? Kasunod nito ay kinumusta naminang mga kasong kinakaharap ni Gabby ngayon.

"Actually, yung kasu-kaso inaano lang namin yun, pero 1997,may mga affidavit of desistance na yun, e. May mga waiver na yun. Kaya langayokong ano, what for?"

What about yung HDO o hold departure order kay Gabby?

"Well, hindi akonaniniwala. Heto nung umalis siya nagkaroon siya ng problema, hindi niyanilingon. Nagkaroon siya ng HDO. Nakaalis na siya.

"O, e, nakabalik na siya. Ngayon, nakabalik na siya. YungHDO, inaayos ngayon ni Attorney [Ed Flaminiano] na ma-lift. Kasi wala na ngayung mga ano [case] niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman siya na-lift, inaayos pa. Maaayos pa yun.

"Unang-una, kahit na ba naroon pa yung HDO niya, kunyari mobigla kaming umalis, e, iaano lang namin gagarantyahin kong babalik. Numbertwo, may multi-million contract siya sa ABS-CBN. Assurance yun na babalik siGabby. E, di bibigyan ko sila ng kontrata. Tutal set of all taxes naman yungkontrata."

Bilang patunay, nakatakdang umalis ulit ng bansa si Gabbyfor a series of shows sa Florida, U.S.A. on August, then balik-U.S. ulit onOctober at sa Canada naman sa November for 15 days.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN