PMPC honors Rudy Fernandez with Ulirang Artista Posthumous Award on June 27

The Philippine Movie Press Club (PMPC) will pay tribute to therecently departed actor Rudy Fernandez.



Bago pa namayapa ang aktor, prodyuser, at lider ngindustriya na si Rudy Fernandez, napili na siya ng officers and regular membersng Philippine Movie Press Club (PMPC), para sa taong 2008, bilang recipient ngnatatanging gawad-pagkilala, ang Ulirang Artista Award.

Taun-taon ay ibinibigay ito ng nasabing entertainmentwriters' club sa ginaganap na parangal para sa mga mahuhusay na pagganap,istorya, pelikula at mga teknikal na aspeto sa pagggawa ng pelikula, ang StarAwards for Movies.

Kabilang sa pamantayan ng PMPC para sa mataas na karangalangito ay ang body of work ng tatanghaling Ulirang Artista (sa pelikula),kredibilidad, at mga natamong parangal o iba pang pagkilala, bilang filmpractitioner (actor or producer). Mahalaga rin ang mabuti niyang imahe, bilangalagad ng sining at kabahagi ng industriya ng pelikulang lokal.

Kabilang sa mga nahirang na Ulirang Artista ng mga nagdaangtaon sina Dolphy, Eddie Garcia, Joseph Estrada, Susan Roces, RamonRevilla, Armando Goyena, Boots Anson-Roa, Perla Bautista, Eddie Rodriguez,Charito Solis, Armida Siguion-Reyna, Gloria Romero, German Moreno, Chichay, Gilde Leon, Leopoldo Salcedo, Alicia Vergel, Anita Linda, Mona Lisa, at RosaRosal.

Lingid sa kaalaman ng karamihan, tatlong taong gulang palamang nang magsimulang umarte sa pelikula si Rudy Fernandez (higit ding nakilala sa palayaw na Daboy); ito'y sa LuksangTagumpay noong 1956. Ang pelikula'y idinirek ng ama ni Daboy na si Gregorio Fernandez.

Sa kanyang pagbibinata, napanood naman siya sa mga pelikulaunder Sampaguita Pictures; ilan dito'y ang For You, Mama (1970) at SweetMatutina (1976).

Karamiha'y teen support roles ang ginawa niya sa simula ngdekada '70 —kasikatan noon ng young stars/love teams na tulad nina Nora Aunorat Tirso Cruz III, Vilma Santos at Edgar Mortiz, Hilda Koronel at Jay Ilagan,atbp.—hanggang sa dumating ang pinakamalaking break niya bilang isang actionstar nang gawin niya ang Bitayin Si Baby Ama (1976). Kapareha niya rito ang noo'ytop female sex symbol na si Alma Moreno. Naging live-in partner ni Daboy si Alma atnagkaroon sila ng isang love child noong 1979, ang aktor na rin ngayong si MarkAnthony Fernandez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagsimula ang pagiging top male action star ni Daboy sa BabyAma. At simula rin ito ng pagiging seryosong aktor ni Rudy Fernandez.

Bilang multi-awarded actor, nagwagi si Rudy ng mga sumusunodna parangal: FAMAS Best Actor at Film Academy of the Philippines (FAP) BestActor para sa pelikulang Batuigas II: Pasukuin Si Waway (1984), FAMAS Best Actor muli para naman sapelikulang Victor Corpuz: The Rebel Soldier (1987), at Best Actor awardmuli from FAP para naman sa pelikulang Birador (1998).

Para sa Waway filmbio nagwagi si Rudy Fernandezsa 1st Star Awards for Movies, noong 1985, making him the first Best Actorawardee ng Star Awards.

He also earned a number of Best Actor nominations mula saFAMAS, para sa: Bitayin si Baby Ama; Anak sa Una, Kasal sa Ina (1981); PepengShotgun (1981); Sumuko Ka, Ronquillo (1983); Lumuhod Ka sa Lupa(1987); Sandakot na Bala (1988); Ipaglalaban Ko (1989); Kaaway ng Batas (1990); Tumbasan Mo ng Buhay (1993); Matimbang Pa saDugo (1995), at Birador.

Ang kanyang tatlong Gawad Urian Best Actor nominations ay para sa Pepeng Shotgun, Kaaway ng Batas (1989), at Diskarte (2002). Sa huli ay nominado rin siyabilang Best Actor sa FAP.

Ang Diskarte at Hula Mo, Huli Ko (2002 Metro Manila Filmfest entry) ang dalawa sa pinakahuling mga pelikulang nagawa niRudy Fernandez, noong panahong humina sa takilya ang mga pelikulang aksiyon.

Nakilala rin si Daboy sa pagbibigay-buhay sa pelikula ngilang controversial figures. Ginawa niyaang Bingbong: The Vincent CrisologoStory (1991), Markang Bungo: TheBobby Ortega Story (1992), Lagalag: The Eddie Fernandez Story (1984; filmbio ng kilalang amang aktor niPops Fernandez), at Ping Lacson Story (2000), also an MMFF entry.

Sa paghina ng action films, nakalabas sa mgaprograma sa telebsiyon si Rudy, tulad ng Kasangga (1999), Da Boy EnDa Girl (2002, kasama si Rosana Roces), Twin Hearts (2003), Now andForever (2006), at ang telefantasyang Atlantika (2006). Pawang lahatng mga TV shows na ito ay sa GMA-7 niya ginawa.

Mahusay ring pinamahalaan ni Rudy bilang three-termpresident ang Kapisanan ng mga Artista ng Pelikulang Pilipino at Telebisyon(KAPPT). Naging producer din ng ilang mga pelikula under his own ReflectionFilms (notably Kaaway ng Batas), kung saan maraming taga-industriya ang nabigyan ng trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong November 2007 ay ginawaran si Daboy ng FAMAS ngFernando Poe Jr. Memorial Award sa Le Pavillion sa Roxas Boulevard, Manila.

Sa sumunod na buwan, December 2007, ay pinagkalooban namansiya ng FPJ Lifetime Achievement Award, ka-tie si Director Celso Ad. Castillo,ng mga bumubuo ng Luna Awards (bagongpangalan ng FAP Awards), sa Club Filipino, Greenhills, San Juan City.

Ngayong 2008, it's PMPC's turn to honor Mr. Rudy Fernandezbilang (posthumuous) recipient ng Ulirang Artista Lifetime Achievement Award,isa sa pinakamataas na karangalang iginagawad sa mga natatanging artista sapelikulang Pilipino.

Produksiyon ng GARP Events Productions, ang 24thPMPC Star Awards for Movies ay gaganapin sa June 27, sa Henry Lee IrwinTheater, Ateneo De Manila University, Loyola Heights, Quezon City, sa ganap naika-6 ng gabi. Mapapanood ito sa June 29, Channel 2, simula ika-10 ng gabi.

Ang maningning na pagtatanghal ay mula sa choreography niMs. Maribeth Bichara at sa direksiyon naman ni Arnel Natividad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN