Cristine Reyes confirms rift with sister Ara Mina

"Sa ngayon kasi hindi pa kami talaga nagkakausap nang maayosni Ate. Pero alam niya na pumirma ako sa VAA [Viva Artists Agency]... May sarili siyang career nainaasikaso rin at ayoko namang maabala pa siya sa career ko. So ibang tao nalang ang gusto kong mag-asikaso sa akin," explains Cristine Reyes.



Si Cristine Reyes ang pinakabagong addition sa roster oftalents ng Viva Artists Agency. Pumirma kamakailan si Cristine ngmanagement contract with VAA, na pinapatakbo ni Veronique delRosario-Corpus.

Kasama na si Cristine sa ilang mina-manage ng VAA, tuladnina Sarah Geronimo, Rufa Mae Quinto, Anne Curtis, Rachel Ann Go, CarloAquino, Riza Santos, at marami pang iba.

Dahil nga sa pagpirma ni Cristine sa VAA,nagpapatunay lang na totoong may hidwaan na naman sila ng kanyang nakakatandangkapatid na si AraMina na dating manager niya.

Si Ara kasi ang kasama noon ni Cristine nang lumipat ito atpumirma ng program contract sa ABS-CBN. Kelan lang ay si Ms. Veronique na angkasama ni Cristine nang makipag-meeting ulit si Cristine sa mga executives ngDos.

Nang magkaroon ng solo press conference sa Viva office siCristine, wala ang kanyang Ate Ara. Sa halip ay kasama niya ang kanilang ina, si Ms. Frances Klenk-Reyes.

Tinanong si Cristine kung ano, sa tingin niya, angpakiramdam ng kanyang Ate Ara nang mas piliin nitong pumirma ng managementcontract sa VAA. Sabi ni Cristine, maiintindihan naman daw siya ng kanyangkapatid. Inamin nga nito na hindi pa sila on speaking terms ni Ara.

"Sa ngayon kasi hindi pa kami talaga nagkakausap nang maayosni Ate," diin ni Cristine. "Pero alam niya na pumirma ako sa VAA. Desisyon konaman ito kasi nakikita ko naman na very busy si Ate. May sarili siyang careerna inaasikaso rin at ayoko namang maabala pa siya sa career ko. So ibang tao nalang ang gusto kong mag-asikaso sa akin.

"Gusto ko namang magkaayos kami ni Ate, e. Wala lang kamingtime talaga to work things out. Busy ako at busy rin siya. Nalulungkot nga siMommy, kasi di na naman daw kami nagkakasundo. Sabi ko naman na darating dinang panahon na magkakaayos kami ni Ate. For now, palamigin muna namin angsitwasyon."

Ano nga ba kasi ang ikinatampo ng kanyang Ate Ara sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Personal na bagay na po iyon. Kahit naman si Ate, hindinaman niya nababanggit, di ba? It's between the two of us lang. Madalas namankaming nagka-clash ni Ate, e. Hindi na bago ito sa aming dalawa. Gusto namin namagkaayos kami na kaming dalawa lang."

After pumirma ni Cristine sa ABS-CBN 2 last April, nagsimulana siyang mag-taping ng TV remake ng Alma Moreno starrer na Eva Fonda 16.Kasama rin si Cristine sa soap drama na pagbibidahan nina Jericho Rosalesat Malaysian actress Carmen Soo.

Bali-balita nga na masyadong sexy ang pagkakagawa ng EvaFonda 16, lalo na ang mga eksena ni Cristine. Kaya kinailangan daw nai-reshoot ang maraming eksena para pumasa ito sa MTRCB (Movie and TelevisionReview and Classification Board).

Ayaw sagutin ni Cristine ang tungkol sa balitangpagre-reshoot ng kanyang first solo-starrer. Bahala na raw sagutin iyan ng mganasa production.

"Artista lang po ako sa show. Kung ano ang sabihin nila sa akin,yun lang ang gagawin ko. In regards sa mga eksena, ang director na lang naminsiguro at ang mga involved sa production ang sasagot sa mga tanong ninyo."

Nagpapasalamat nga si Cristine na kahit daw nagkaroon siyang negative image, patuloy pa rin siyang kinukuhang endorser. Ang mga latest naini-endorse niya ay ang Fiona Slippers, Belo, Cathy Valencia, Posh Nails at RedCorner Gym.

Inaayos na nga raw ng Viva Films ang magiging launching filmni Cristine. Naniniwala ang manager ni Cristine na si Ms. Veronique na puwedengmaging big box-office star si Cristine, kaya isang award-winning director anggusto nilang magdirek ng big film launch nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN