Kirby de Jesus kisses Joseph Bitangcol in "Paupahan"

"Noong mabasa ko na may kissing scene kami, nag-usap namankami ni Joseph, e. Maganda naman daw lalabas ang scene, kaya okey lang," sharesKirby de Jesus (right) about his kissing scene with Joseph Bitangcol (left).



Kasalukuyang naghahanap ng magma-manage sa kanyaang StarStruck 2 Avenger na si Kirby de Jesus. One year na raw siyangwala sa GMA Artist Center pagkatapos mag-expire ang kanyang kontrata.

Ani Kirby, gusto na niyang may mag-asikaso sakanyang career ngayon at freelancer na siya. Ngayon daw kasi ay direktangtinatawagan siya kapag may mga trabaho.

"Iba pa rin kasi ang may manager, e. Mas okey yung maynakikipag-negotiate. Kung ako lang kasi, mahirap at marami akong hindi alamtungkol sa talent fees. Baka kasi naiisahan na ako na hindi ko alam.

"Ngayon may mga interesado namang mag-manage sa akin. Perosiyempre, si Mommy ko ang nakikipag-usap sa kanila para kilala rin niya."

Huling napanood si Kirby sa Marimarng GMA-7, bilang isang baliw na roommate ni Richard Gomez. Pero madalas namandaw siyang kunin para mag-guest sa mga talk shows.

Inamin ni Kirby na nami-miss na niyang maging busy. Datiraw ay kaliwa't kanan ang kanyang ginagawang trabaho sa TV, at minsan ay kulangna siya sa tulog.

"Gano'n lang talaga siguro. Minsan meron, minsan naman wala.Pero nagpapasalamat naman ako na noong mga times na hindi ako naging busy,natutukan ko ang studies ko.

"But now, nag-stop muna ako kasi nga mas gusto ko ulitmag-ipon. Gusto ko kasi na ako na ang magbayad ng tuition ko. Dasal ko ngana magkaroon ulit tayo ng maraming trabaho."

KISSING JOSEPH. Kasama si Kirby sa cast ng pelikulangPaupahan kung saan gumaganap siyang gay lover ni Joseph Bitangcol. Maykontrobersyal na kissing scene sila ni Joseph, pero ayaw i-reveal ni Kirby kungtinuloy ba nila iyon o hindi.

"Panoorin nila ang movie para malaman nila," ngiti pa nito."Noong i-offer sa akin itong role sa Paupahan, hindi naman akonagdalawang-isip. Gumanap na naman akong gay dati sa I Luv New York atsa ibang guestings ko. So, parang okey lang. Trabaho rin ‘yan, e.

"Tamang-tama naman at malaki na ang ibinawas ng timbang ko,kaya hindi alangan ang katawan ni Joseph sa akin. Noong mabasa ko na maykissing scene kami, nag-usap naman kami ni Joseph, e. Maganda naman daw lalabasang scene kaya okey lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NO GIRLFRIEND FOR NOW. Wala nga raw girlfriend ngayonsi Kirby. Last girlfriend niya ay ang Sexbomb Girl na si Johlan Veluz. Bago rawito pumunta ng Japan ay matagal na silang nag-break. Kahit may mga typeligawan ni Kirby, iniiwasan daw niya muna ang magkaroon ng girlfriend.

"Trabaho muna tayo. Iwas muna tayo sa ligaw-ligaw. Hanggangtingin na lang muna ako," pagtatapos ni Kirby de Jesus.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN