Rhian Ramos appreciates kind words from "My Monster Mom" director Jose Javier Reyes

"Natutuwa ako because may mga tao pa rin na tulad ni DirekJoey who has a kind heart at hindi basta nag-judge ng pagkatao ng sinuman,"says Rhian Ramos.



Nagpapasalamat si Rhian Ramos sa magandang sinabisa kanya ng award-winning film director na si Jose Javier Reyes sa pressconference ng My Monster Mom.

Sabi kasi ni Direk Joey, hindi raw dapat na hinuhusgahan si Rhianbecause of what has been written about her by other people. Dapat dawna makilala munang mabuti si Rhian as a person because para raw kayDirek, Rhian is a person with a kind heart for everybody.

Hindi raw inaasahan ni Rhian na ipagtatanggol siya niDirek Joey sa mga issues na naglalabasan sa kanya lately.

Ani Rhian, gusto pa niyang makilala si Direk Joey dahilhindi naman daw kahabaan ang role niya sa My Monster Mom. Si Rhian ang gumanap na young Annabelle Rama sa pelikula.

"The few times nga na nakasama ko si Direk Joey sa set, he'ssuch a nice person and he's very funny. Walang boring na moment sa set ngpelikula namin. Parang we were just having fun most of the time.

"It's my first time to work with Direk Joey and I feel namatagal na kaming nagwu-work together. Maganda ang vibes namin with oneanother.

"Kaya when he said those nice words about me sa presscon,gusto kong umiyak, because here's somebody na kelan ko lang nakilala pero hindiako hinusgahan kahit na alam niyang I have these outrageous issues.

"Natutuwa ako because may mga tao pa rin na tulad ni DirekJoey who has a kind heart at hindi basta nag-judge ng pagkatao ng sinuman."

Hindi pa rin natatapos ang mga detractors ni Rhian at patuloypa rin siyang ginagawan ng mga intriga. Kelan lang ay may kumalat na naman saInternet na mahabang letter at tinira si Rhian sa pag-iyak nito sa ShowbizCentral.

Ayon sa kumakalat na "poison letter" ay wala raw katotohananang mga kinuwento ni Rhian at ngayon daw ay nagtatago siya sa social networkingwebsite na Facebook with an account name na Rigga Howell.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May isang rich and good-looking guy raw named Simon Atkinsna type na type daw ni Rhian kaya sa ibang pangalan siya nagtatago.

"Ayoko nang sagutin ‘yan because I've aired my side alreadysa Showbiz Central. I told myself na that will be the last time naipagtatanggol ko ang sarili ko. Ayoko na silang patulan because the more that Italk about them, the more na natutuwa sila na pinapatulan ko sila.

"Kaya whatever they are spreading right now, bahala na sila.Pinagdarasal ko na lang sila na sana maisip nila na hindi maganda ang mgapaninira na ginagawa nila sa akin."

Malapit nang ipalabas ang pelikulang ITALY: ITrust And Love You ng GMA Films, kung saan kabilang si Rhian sa cast.Hinahanda na nga ni Rhian ang kanyang sarili sa mga puwedeng ilabas ulit ngkanyang mga detractors.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN