Jake Cuenca mum about his next project in ABS-CBN

"Naging attitude ko na kasi yun. Never na magsasabi ormag-e-expect kaagad not unless nagsisimula na yung project. Mahirap na, bakama-preempt or anything can happen. But of course, sa ABS-CBN naman, I trustthem a lot. Alam ko naman, na kung ano yung makakabuti sa aming lahat, yunnaman ang ibinibigay nila," says Jake Cuenca.


Ayaw pang kumpirmahin ni Jake Cuenca ang nakarating sa PEP(Philippine Entertainment Portal) na pagkatapos ng teleseryeng Palos, angnaka-line-up na sa kanyang bagong project ay another starring role. Another TVremake ng isang action film na naging popular rin, especially sa mga mahihiligsa mga action flicks.

Katuwiran ni Jake nang makausap ng PEP, mahirap dawmag-confirm ng anumang project, lalo pa nga't hindi pa talaga ito nagsisimula.

Aniya, "Naging attitude ko na kasi yun. Never na magsasabior mag-e-expect kaagad not unless nagsisimula na yung project. Mahirap na, bakama-preempt or anything can happen. But, of course, sa ABS-CBN naman, I trustthem a lot. Alam ko naman na kung ano yung makakabuti sa aming lahat, yun namanang ibinibigay nila.

"About the new soap, well, sana, sana matuloy, di ba?"

PAIRING WITH SHAINA. Pero kung may kinumpirma man siJake nang makausap ng PEP, ito ay ang pagkakaroon muna niya ng one-month stintsa Your Song, bago umalis ang grupo nila ng Coverboys para sa kanilangseries of concerts sa U.S. At balitang ang bagong makakasama ng youngactor rito ay ang Kapamilya star rin na si Shaina Magdayao.

Obviously, the network is testing kung magiging swak ba angdalawa as partners.

Para kay Jake, masuwerte raw siya na makapareha si Shaina.

"Oo naman. Nakakasama ko na rin naman siya sa ASAP atang masasabi ko lang, bukod sa maganda, magaling na artista at napakabait dinni Shaina. Ako naman, isa sa mga gusto ko rin kasi na mangyari, yung magkaroonng opportunity na makatrabaho ko ang iba't ibang aktres."

Although, ayaw pa rin nitong kumpirmahin kung totoo nga banginstead of Bea Alonzo, na unang napabalita noon na magiging kapareha niya parasa movie nila under Star Cinema, sila na ni Shaina raw ang pagsasamahin.

"Hindi ko pa po alam yun. Kung si Shaina, I think, walanamang magiging problema. Ako naman, kahit na po sino ang ibigay ng ABS-CBN.Tulad nga ng sinabi ko, I'm just looking forward na makatrabaho ang iba't ibangartista."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NO COMMENT ON ROXANNE. On the other hand, mas gustona ni Jake na huwag na lang daw magbigay pa ng anumang reaction sa mga nagingpahayag ng dating girlfriend na si Roxanne Guinoo sa The Buzz. Katwiran niya, bilang isang lalaki,ibinibigay na raw niya kay Roxanne, bilang isang babae naman, ang magsalitaabout it.

Sabi na lang niya, "Of course, naiintindihan ko naman kungsaan nanggagaling si Roxanne. May pinagsamahan naman kami at kahit ano namanang mangyari, kung kakailanganin niya ang tulong ko, nandito lang ako para sakanya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN