Shaina Magdayao confirms role as leading lady in Jake Cuenca's first movie with Star Cinema

"Of course I am excited. I think this [Your Song] isintroduction na din sa amin ni Jake kasi we'll be doing a movie, and this is our first time to worktogether," says Shaina Magdayao about acting with Jake Cuenca.


Kung ang pangalan ni Bea Alonzo ang lumabas noon namakakapareha ni Jake Cuenca sa unang pelikula ng aktor para sa Star Cinema,mismong si Shaina Magdayaonaman ang nagkumpirma sa PEP (Philippine Entertainment Portal) last Sunday, sapictorial ng Your Song (kung saan makakapareha niya si Jake), na siya ngaang leading lady sa pelikulang gagawin ni Jake sa nasabing film outfit.

Mukhang sinisimulan nang iluto ang tambalang Shaina-Jake sa YourSong bago ito isabak sa pelikula, at sinabi ng aktres na excited siyasa pagtatambal nila ng aktor.

"Of course I am excited. I think this [Your Song] isintroduction na din sa amin ni Jake kasi we'll be doing a movie, and this is our first time to worktogether.

"Hindi ko pa alam kung puwede ko nang sabihin yung detailsbecause kasasabi lang sa akin. Basta I'm excited because nabibigyan ako ngopportunities to really act and to experience different roles. Tulad ng sa Lobo,serious ang role ko as Gabby. Pagdating sa movie, something different,pagdating sa Your Song, something fun naman, so masaya."

Makakasama rin sa Your Song sa love triangle nila niJake si Marvin Raymundo, who honestly admits na crush niya siShaina.

"Hindi ko alam ‘yan, but salamat naman at naa-appreciateniya ako. Wala namang masama sa crush, ‘di ba?"

JOHN AND RAYVER. Open book naman ang specialrelationship na namamagitan kina Shaina and JohnPrats. Nang tanungin namin kung ano ang label sa kanila o nasaangestado na ba ang relasyon nila ng aktor, heto ang sinagot sa amin ni Shaina.

"Kailangan bang lagyan ng label? I don't think na dapat lagyan ng label. But if we're really together,I will say [it] naman."

Nabalita before na di raw boto ang pamilya ni Shaina kayJohn Prats, particular na raw ang ate niyang si Vina Morales. Nilinaw naman ito sa PEPng young actress.

"That's not true. He already met my family and okey naman.Ang ate ko naman, always supportive yun, but before hindi talaga. Against siyasa lahat, pero since na nakikita niya na responsible naman ako at di kobinabalewala ang mga advice niya, okey na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Unang naging kapareha si RayverCruz bago pa man pumutok ang Shaina-John special relationship.Since naging open si Rayver na ihihinto na niya ang panliligaw kay Shaina ‘pagnatiyak niya na nanliligaw din dito si John, dumistansiya nga ba siRayver sa dating kapareha?

"Wala namang nagbago, I think kung may pinaka-nagbago man isthat we don't work together na. Pero yun lang naman. That's about it. I don'tthink na may dapat namang magbago."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN