Jake Cuenca proud of ex-girlfriend Roxanne Guinoo's acting in "Ligaw na Bulaklak"

"Dati pa napag-uusapan na namin ni Roxanne na it would bebetter if we succeed as individuals. Pero nagkataon naman kasi na marami anghumanga at tumangkilik sa love team namin at hanggang ngayon, yung suporta ngmga fans, nandun pa rin...sana lang, ngayonna may kani-kanya na kaming career path na tinatahak, naipapareha na kami saibang mga artista, sana suportahan pa rin nila kami," Jake Cuenca appeals to his and ex-girlfriend Roxanne Guinoo's fans.


Nagsimula sa isang blind item, pero later on ay lumabas angpangalan ni Jake Cuenca na hunk actor daw na nung minsang malasing sa isanggimikan ay nagmalaki umano na siya ang nagdadala o leader ng grupo nilangCoverboys. Nagbitaw pa raw ng salita na patataubin niya ang popularidad niJohn Lloyd Cruz.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Jakesa nakaraang pictorial nito for his new TV show Your Song, agad nanilinaw nito ang bagong isyu tungkol sa kanya.

"Sa ilang okasyon, naitanong na sa akin ‘yan, nakino-consider ko raw ba na ako ang leader sa grupo. Sa totoo lang, kung mayroonmang leader ang Coverboys, iisa lang yun at di namin kinukuwestiyon yun. SiRafael [Rosell] lang yun, kasi he's the most experienced in the group. Siyayung nagmo-motivate sa amin...na galingannamin at talagang i-cherish ang mga oportunidad na ibinibigay sa amin. Nanditolang ako sa punto na nagbibigay ako ng advice sa mga bagong miyembro ng grupoand ako, I do my best.

"With the Coverboys naman, we don't compete with each other,we're very supportive to each other. Iba-iba naman yung tina-tackle naming mgaimages. Iba yung tina-tackle naming mga audiences. Every Sunday, tuwing mayconcerts kami, may mga tours, nakikita mo sa unang pagkakataon differentindividuals in one group entertaining everyone.

"Regarding John Lloyd, I started in this industry looking upto Bea and John Lloyd. Isa sa mga idolo ko si John Lloyd. Mabaitsiyang tao. Di pa kami nagkakatrabaho, di pa kami nagkakasama, pero sa mgakaunting pagkakataon na nagkakausap kami sa ASAP, marami din naman akongnatutuhan sa kanya and I will not compete with anyone. I just do what I have todo."

SHAINA, ROXANNE, BEA.Kapareha ni Jake si Shaina Magdayao for the first time sa Your Song atmukhang pati sa pelikula ay si Shaina na rin daw ang makakapareha nito (clickhere for related story). Sa tinatakbo ng career path ni Jake ay mukhang tuluyanna nga talagang binuwag ang tambalan nila ng ex-girlfriend na si Roxanne Guinoo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kampante ako na si Shaina ang ibinigay sa akin naka-partner sa Your Song. Shaina is napaka-talented, she's much moreexperienced than me when it comes to acting and I'm really looking forward toworking with her.

"As for Roxanne, I'm very proud of what Roxanne hasaccomplished. Masayang-masaya ako sa ginagawa niya sa Ligaw na Bulaklak,sinusubaybayan ko yun. Napakaganda ng istorya, napakagaling ni Roxanne umarteand I have to congratulate her for that.

"Dati pa napag-uusapan na namin ni Roxanne na it would bebetter if we succeed as individuals. Pero nagkataon naman kasi na marami anghumanga at tumangkilik sa love team namin at hanggang ngayon, yung suporta ngmga fans, nandun pa rin. Hindi pa rin talaga namamatay. Pero sana lang, ngayonna may kani-kanya na kaming career path na tinatahak, naipapareha na kami saibang mga artista, sana suportahan pa rin nila kami."

Marami ang nagsasabi na sa itinakbo raw ng relasyon nina Jakeat Roxanne ay mukhang mas malalim raw ang emosyon na ibinigay ng young actresskaysa kay Jake. Sa obserbasyon pa ng iba, mukhang naka-move on na raw si Jakesamantalang mukhang di pa rin daw tanggap ng aktres ang kanilang paghihiwalay.At heto nga't may tsismis pang nagbigay raw siya ng flowers kay Bea Alonzo.

"When it comes to issues, I don't really back down. Lahat ngissues na ibinabato sa akin, whether it be a gay issue, whether it be issueswith my personal life, hinaharap at sinasagot ko ‘yan. Pero pagdating namansiguro dito, di naman kami masyadong naging patago ni Roxanne when it comes toour personal life. Sana at this point in time, nandito ako sa punto nahinihingi ko na lang na ibalato ninyo sa akin ito.

"At the end of the day, yung support ko for her isunconditional. No matter what happened, we still love each other as friendspero nandun na kami sa puntong we're moving on.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dun sa nagbigay daw ako ng flowers kay Bea, just like I'vesaid pagdating sa personal na buhay ko, ibalato ninyo na lang sa akin. But diako magde-deny at di ko rin inaamin. Basta nagkikita kami sa ASAP.Hindi pa kami nagkakatrabaho but mabait siyang tao."

ROXANNE'S SEXY PICTORIAL.Kumpirmadong nag-sexy pictorial na si Roxanne para sa cover ng isangmagazine at mga bulaklak lang daw ang nakatakip sa mga maseselang bahaging katawan nito. Kung girlfriend pa kaya niya si Roxanne, papayagan kayaniya itong mag-pictorial nang gano'n?

"Pagdating sa ganyang bagay, lagi ko siyang sinusuportahan.Kasi ako rin naman, may panahon nag-underwear ako [sa pictorial], so I wasnever against that. Of course nung kami pa, may ‘ilang' factor, pero hindinaman din ako ipokrito dahil ginagawa ko rin naman iyon [sexy pictorial]dati. Kahit ako ipo-promote ko na sanabumili kayo ng issue ni Roxanne sa magazine na yun. Sana suportahan ninyo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN