Rudy Fernandez's bosom friends to sing at 5th Golden Screen Awards on June 24

Sen. Jinggoy Estrada offered to sing with buddies Sen. BongRevilla and actor Phillip Salvador at the 5th Golden Screen Awardsnight. This, after he learned that the Entertainment Press Society, which is behind the Golden Screen Awards, will give its own posthumous award to their friend RudyFernandez.


It's confirmed! Kakanta nang live sina JinggoyEstrada, Bong Revilla, at Phillip Salvador, mga bosom friends ng yumaongaktor na si Rudy Fernandez, sa 5th Golden Screen Awards ngEntertainment Press Society, na gaganapin sa ZirkohGreenhills sa Martes, June 24.

Ito ang ibinalita ni Tita Aster Amoyo nang makausapnamin siya sa telepono noong Martes ng gabi.

Nang malaman daw ni Sen. Jinggoy na bibigyan ng posthumousaward ng EnPress si Daboy ay tumawag ito sa kanyaat nag-volunteer na kakanta sila sa awards night. Sila na ring tatlo ang tatanggap ng award for Daboy.Paki-relay daw ang kanyang mensahe sa Enpress at Golden Screen Awards.

Ayon pa kay Tita Aster, kay Sen. Jinggoy mismo nanggalingang ideya na kumanta sila (at live, huh!) sa awards night ng GSA. Si Jinggoyrin ang kumausap sa mga kaibigan niyang sina Bong at Ipe para pumayag ang mgaito na muli silang magsasama-sama para kumanta for their friend Daboy.

Matatandaan na isa sa pinag-usapang tagpo sa necrologicalservice na ginawa sa huling gabi ng lamay kay Daboy ay ang pagkanta ninaJinggoy, Bong at Ipe. Kumanta sila ng ibang version ng "Doon Lang" which wasrewritten by Tirso Cruz III. Iniisip na raw ngayon ni Sen. Jinggoy kung ano ang kanilang aawitin sa gabi ng parangal ng GoldenScreen Awards.


Ayon pa kay Tita Aster, gustong tanungin ni Jinggoy si Pip kung ano ang puwedenilang kantahin sa awards night ng Golden Screen. Ang suggestion naman daw niTita Aster ay awitin nila yung "Doon Lang" na kinanta nila sa necrologicalservice para kay Daboy. Pero ayon daw kay Jinggoy, kakausapin na lang niya siTirso and ask for his suggestion.

Happy si Sen. Jinggoy sa kanyang panalo na Best Actor in a Comedy para sa mahusay niyang pagganap sa Katas ng Saudi ng MaverickFilms. Nagwagi rin itong Best Picture (Musical or Comedy) at wagi rin angleading lady ni Jinggoy rito na si Lorna Tolentino bilang Best Actress in a Comedy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayon pa lamang ay ipinaaabot na ng EnPress at GoldenScreen Awards ang taus-pusong pasasalamat kina Jinggoy, Bong at KuyaIpe sa napakagandang handog nila para sa gabi ng parangal ng Golden ScreenAwards. Ang pagdalo nila sa awards night ay isang solid proof na magigingsuccess ito.

Sa June 24 na ang 5th Golden Screen Awards to behosted by Rufa Mae Quinto, John "Sweet" Lapus, at JC DeVera. Dahil fund-raising event din ito ng EnPress, may tiket na ibinebenta forP300, na available sa Zirkoh Greenhills, kunsaan gaganapin din ito.

Ang Golden Screen Awards aysponsored by Hataw, Filgen ST Scouring Pad, GranMatador, KSA Whitening Products, Stellar Accessories, Edward dela CuestaPhotography, Fernando's Bakery, Joy Lim's Charms and Crystals, and HBC Splash.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN