Victor Basa denies courting Roxanne Guinoo

"Itwill take months siguro bago ka makapagsimulang muli if ever I'll go into arelationship again. Bago pa lang yung nakaraan. So, sa ngayon, wala pa sa isipko yung manligaw or magkaroon ng bagong girlfriend. Magko-concentrate muna akosa career," declares Victor Basa about his recent breakup with his non-showbiz girlfriend.



Bago pa man mag-artista, isa nang kilalang modelo si VictorBasa. He is being co-managed by ABS-CBN Star Magic and Jonas Gaffud of MercatorModel Management, Inc.

Bilang isa sa mga kilalang modelo ng Mercator among the40-plus contract models ng Mercator, si Victor ang tumatayong ambassador forMercator Model Management Charity.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) siVictor sa culminating event ng Mercator Charity Exhibit: Resolution na ginanapsa Mall of Asia noong Lunes, June 16. Sa nasabing exhibit ay makikita ang mgaphoto shoot ng mga modelo ng Mercator, including Victor na hands-on sa ilanggawain for Gawad Kalinga, Bantay Kalikasan, at Kythe Foundation.

Apat na taon na ang Mercator, na isa sa kinikilalang topmodeling agency sa bansa, sa pagsasagawa ng outreach projects nila involvingall the models na tinatawag nilang "celebration for a cause."

Sinabi ni Victor na isang proyektoraw ito na all-out ang suporta niya dahil malaki ang paniniwala niya saganitong event. Napag-alaman ng PEP na bukod sa pagiging hands-on, nagpi-pledgedin si Victor regularly, especially for the Kythe Foundation na malapit sa pusoniya.

"Yeah, nagpi-pledge po ako. Pero actually, isang bagay itona ayoko na sanang ipaalam. So medyo nagugulat nga ako ngayon kung paano n'yonalaman. Well, yun nga, yung sa Kythe nga ngayon, hindi ako nakapag-hands-onnang pumunta sila. Pero kapag may events naman, as much as possible, nagpupuntaako. Malapit kasi sa puso ko yung mga nandito, kasi I myself lost one member ofmy family. So alam ko yung pakiramdam," pahayag ni Victor, na humingi muna ngpaumanhin dahil halos wala pa raw siyang tulog since he came from a taping.

VICTOR FINS ROXANNE SEXY. Mabilis namang itinanggi ni Victor ang kumakalat na balitangnililigawan niya ngayon si Roxanne Guinoo, ang ex-girlfriend ng kasamahan niyasa Coverboys na si Jake Cuenca. Nagsimula lang daw ang isyu nang tanungin siyakung sino sa mga artistang babae ang naseseksihan siya.

"Ang nangyari kasi, tinanong nila ako. Then, nabanggit yungpangalan ni Roxanne. Tinanong ako if I find her sexy. Siyempre, ang isasagot ko'oo' dahil sexy naman talaga siya," lahad ni Victor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayaw patulan ni Victor ang isyung nagselos si Jake sapagkakabanggit niya ng pangalan ni Roxanne dahil kilala raw niya si Jake bilangkaibigan.

"Ang tingin ko, nagbibiro lang noon si Jake. At sakasiyempre, malalaman ko kung nagselos ba siya. Besides, alam ko na wala na sila.So, wala yun."

May kaugnayan daw ito nang mag-sign sila ng kontrata for Calayanas the new endorsers. Naitanong nga yun at pagkatapos niyang sumagot, nag-reactdaw si Jake.

"Alam ko kasing biro lang yun. Sa aming dalawa ni Jake,walang problema. Magkaibigan kami," giit ng model turned actor.

Aminado si Victor na fresh from breakup pa lang siya. Infact, two weeks pa lang daw since nag-break sila ng kanyang non-showbizgirlfriend kaya malabo raw na sabihing may bago na siyang nililigawan. Aniya,friends lang daw silang dalawa ni Roxanne.

"Friend...nagkaka-text kung minsan. Maybe because parehokaming galing sa isang relationship, so nagkakakuwentuhan. Pero hanggang ganoonlang yun," paliwanag niya.

In the future kaya ay may plano rin siyang ligawan siRoxanne?

"Alam n'yo, may period kasi ‘yan," sagot niya. "Itwill take months siguro bago ka makapagsimulang muli if ever I'll go into arelationship again. Bago pa lang yung nakaraan. So, sa ngayon, wala pa sa isipko yung manligaw or magkaroon ng bagong girlfriend. Magko-concentrate muna akosa career."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN