Bruce Quebral's feelings for Wendy Valdez keep growing

"Basta yung bond naming dalawa, kung anuman yung nagingpagmamahal namin sa loob ng bahay [PBB house], hanggang sa paglabas, nandoon lang din yun.Naggo-grow lang. Pero siyempre, kailangan lang naming i-hold yung commitmentpara mas makapag-concentrate sa work," says Bruce Quebral about the status of his relationship with Wendy Valdez.



Isa sa pinakamaagang dumating sa Mercator Charity Exhibit:Resolution sa Mall of Asia noong Lunes ng gabi, June 16, ang Mercator model nasi Bruce Quebral. Katulad ng ibangcontract models ng Mercator, isa si Bruce sa mga sumasali sa events ngiba't ibang foundations na tinutulungan ng kanilang agency.

At present, naghihintay lang si Bruce kung ano ang susunodna project na gagawin niya after Palos.

"Waiting lang. Habang wala pang regular show, nagiging busymuna sa mga out-of-town shows, sa iba't ibang raket," banggit ng model-actor saPEP (Philippine Entertainment Portal).

Up to now, consistent pa rin si Bruce sa pagsasabing"exclusively dating" lang sila ni Wendy Valdez. Wala raw puwedeng aminin sakanila dahil wala pa naman silang aamining talaga.

"Kasi wala pa rin namang aaminin," diin ni Bruce. "Pero walanaman akong ibang nakaka-date; siya rin, wala. Pero wala pa talaga. Wala patalagang commitment. Basta yung bond naming dalawa, kung anuman yung nagingpagmamahal namin sa loob ng bahay [PBB house], hanggang sa paglabas, nandoon lang din yun.Naggo-grow lang. Pero siyempre, kailangan lang naming i-hold yung commitmentpara mas makapag-concentrate sa work."

Kung mabibigyan ng chance, gusto pa rin daw niyang magkasamasila ni Wendy sa isang project. Hindiraw niya iniisip na disadvantage sa professional growth nila ang pagkakadikit ngpangalan nila ever since nagkasama sila sa Pinoy Big Brother (PBB) house.

"I don't see it as disadvantage," sabi ni Bruce. "Kasi akonaman, kahit may iba akong work, iba akong kaeksena, wala namang problema,ibibigay ko naman kung ano ang hinihingi sa akin. Ganoon din naman si Wendy. Suportahannaman kaming dalawa. Kaya nga isang dahilan din kung bakit ayaw naming pasukanng commitment kung anuman yung meron kami ngayon."

Aminado si Bruce na kahit paano, hindi pa rin totallynawawala yung negative reaction pa rin ng mga tao sa kanilang dalawa ni Wendykahit sabihin pa na matagal na rin since they left the PBB house.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"In a way, yes," saad niya. "But I can never tell kung anoang nasa isip din ng mga tao. Pero kung saan man kami nagpupunta, warm namanang ipinapakita nila. At kami naman ni Wendy, alam naman namin kung ano angnasa puso namin. So we cannot do anything kung anuman ang nararamdaman ng mgatao sa amin."

BENCH FASHION SHOW. Bilang isa sa mga endorser ng Bench, sigurado raw namagiging part siya sa Bench Black-Out fashion show in July. As early as now aynaghahanda na raw siya para rito, though hindi na raw niya iri-reveal kunganumang kakaiba ang puwede niyang gawin sa mismong fashion show.

"Noong Bench Fever pa lang kasi, nakasali na ako peroas a model pa lang. This time, iba naman kasi. So, sana manood kayo. Basta,manood na lang kayo sa Araneta Coliseum," pagtatapos ni Bruce.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN