Lolit Solis confirms ABS-CBN offer to Lorna Tolentino

"Ang kontrata niya sa GMA, per program, sa StarTalklang. Hindi siya exclusive ng network. Kaya nga kapag may offer ang ABC-CBN,tumatanggap siya. Oo, may offer. Tatanggapin namin, bakit hindi?" confirmsLolit Solis about the rumored offer of ABS-CBN to her ward Lorna Tolentino (in photo).


Nagpakita ng suporta sa launching ng Belo Medical Group kayRuffa Gutierrez bilang bago nilang endorser ang talent manager at kaibigan niDr. Vicki Belo na si Lolit Solis. Dito nilinaw ni Manay Lolit ang isyutungkol sa talent niya at anak-anakang si Lorna Tolentino na kasalukuyang nasa Boracay.

"Ayun, nandudun siya ngayon sa Boracay, kasama ng mga anakniya," lahad ni Manay Lolit nang makausap siya ng PEP (Philippine EntertainmentPortal).

Sa Lunes, June 23, na raw ang balik ni Lorna ng Manila.

"Siyempre, di ba? Baka doon na siya maggi-grieve kay Rudykasi ang tagal-tagal na pala nilang balak ni Rudy na magpunta sa Boracay, perohindi natutuloy. Kaya ngayon lang nagpunta si Lorna. Very sentimental angkanyang pagpunta doon," lahad ni Manay Lolit.

Nilinaw rin ni Manay Lolit ang balitang lilipat sa ABS-CBNsi Lorna.

"Ang kontrata niya sa GMA, per program, sa StarTalklang. Hindi siya exclusive ng network. Kaya nga kapag may offer ang ABC-CBN,tumatanggap siya."

May offer daw talaga ang ABS-CBN kay Lorna for some shows.

"Oo, may offer," diretsahang sagot ni Manay Lolit. "Tatanggapin namin, bakit hindi? Bakit si Christopher [deLeon] at si Tonton [Gutierrez] ganun-ganun [palipat-lipat sa dalawangnetworks]? Kaya okey sa akin."

Anong show ang gagawin ni Lorna asa ABS-CBN?

"Ah, isang teleserye at isang talk show."

Kailan siya pipirma?

"Hindi pa. Balak pa kasi niyang magtrabaho sa August. Bakadoon na rin ang pirmahan," sagot ng manager ng aktres.

Alam na ba ito ng GMA-7?

"Hindi," tugon ni Manay Lolit. "Pero kung may magandang offer ang GMA, titingnan niya."

Gusto raw talaga ni Lorna na gumawa ng teleserye sa ABS-CBN.

"Nakilala kasi siya sa Malaysia dahil sa programa ng Dos,"pagtatapos ni Manay Lolit.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN