Ai-Ai delas Alas names her choices for Best Actress in Star Awards for Movies

"Happy ako. Excited ako kasi may nomination nanaman ako. Ibig sabihin, nakita naman nila na nag-effort ako doon sa Ang Cute ng Ina Mo. Gusto ko nga maging Darling of the Press na lang ako para hindi naako kinakabahan!" says Ai-Ai delas Alas about her Best Actress nomination in Star Awards for Movies.


Masaya ang tinaguriang Comedy Concert Queen na si Ai-Aidelas Alas sa kanyang nominasyon bilang Best Actress sa 24th Star Awards forTelevision ng Philippine Movie Press Club (PMPC) para sa pagganap niya sa AngCute ng Ina Mo. Gananapin ang awards night sa susunod na Biyernes, June 27, saHenry Lee Irwin Theater sa Ateneo University at mapapanood naman ito sa ABS-CBNon June 29, Sunday, 10 p.m.

"Ang panalo ko [as BestActress] four years ago pa, e, sa AngTanging Ina," bungad ni Ai-Ai sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sapresscon para sa concert niya sa Zirkoh, Timog Avenue, Quezon City, on August 2.

Ano ang reaction niya nang malaman niya ang balitangnominated siya?

"Matagal ko nang alam nanominated ako, nabasa ko sa diyaryo. Ngayon, ibinigay nila sa akin yungcertificate na nominated ako. Happy ako. Excited ako kasi may nomination nanaman ako. Ibig sabihin, nakita naman nila na nag-effort ako doon sa Ang Cute ng Ina Mo. Gusto ko nga maging Darling of the Press na lang ako para hindi naako kinakabahan!" natatawang sabi ni Ai-Ai.

Pinaghahandan na ba niya ang kanyang speech kung sakalingsiya ang manalo?

"Ako? Oo, kasi kahit hindi ako manalo, at least, kungmakalimutan ko, nakakahiya, di ba? Dinudukot ko talaga dito [sa dibdib]. Hindi ako handa. Palagi naman,kapag nominated ako, lagi akong ganun," sabi niya.

Makakalaban ni Ai-Ai for Best Actress sina Bea Alonzo (OneMore Chance), Cherry Pie Picache (Foster Child), Judy Ann Santos (Sakal,Sakali, Saklolo), Maricel Soriano (A Love Story), at Lorna Tolentino(Katas ng Saudi). Sino para kay Ai-Ai ang matinding kalaban niya?

"Si Bea ‘tsaka si Cherry Pie, Judy Ann, and MaricelSoriano," sagot ng komedyana. "Lahat sila matitindi. Siyempre magagaling silangartista."

Kung hindi siya nominated, sino sa tingin niya ang deservingto win?

"Ah, Inay Mary [Maricel] and si Judy Ann," mabilis niyangtugon.

Feeling ni Ai-Ai, masuwerte talaga siya kapag may "Ina" satitle ng movie niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo, suwerte talaga sa akin yung may 'ina'. "Pag lover ako?Konti lang!" sabay tawa niya.

FINDING HER KING. Hindi na rin daw siya nangangarap ng lover ngayon.

"Wala, ayoko na. Ayaw na nila, e. Alangan naman ipilit koang sarili ko sa kanila."

May nagsasabi kay Ai-Ai na yung bahay niya sa Ayala Hills isfit for a queen na gaya niya kaya kailangan may "king" din na kasama siya.

"Oo nga, e. Hayaan mo hahanap ako ng king," sabi niya.

Gusto ba ng mga anak niya na magkaroon sila ng "king" sabahay?

"Depende, for approval. Sasabihin mo muna ang pangalan,pagkatao. ‘Tapos aaprubahan nila. Kapag sinabi boyfriend lang, ‘Ma, bawalasawa.' Ganun na."

SPOOFING ISSUE. Kinuha rin namin ang reaksiyon ni Ai-Ai sa isyu sa pagitannina Annabelle Rama at Pokwang. Nag-react kasi si Annabelle sa spoof niPokwang sa kambal niyang sina Richard at Raymond Gutierrez. Sinabi ng showbiz mom na siya na lang ang i-spoof ni Pokwang at huwag na ang kanyang mga anak.

"Ay, talaga? May nangyaring ganun?" nagulat na tanong niAi-Ai. "E, kasi si Tita Annabelle, favorite ko yun, e. Siguro kapag mag-apologize na lang siya [Pokwang] and i-lessenna lang yung pag-ano sa kanya sa script. Hindi ko naman napanood, e. So, hindi ko alam kung paanosasabihin or paano ko siya tuturuan na huwag na lang ganito, huwag ganyan."

Wala naman daw sa script ang ginawang pang-i-spoof ni Pokwangkay Raymond. Adlib na lang daw ni Pokwang ang panggagaya kay Raymond sa show nila ni Pooh sa Music Museumna Poohkwang.

"Ah, oo. Next time huwag na lang mag-adlib. Para walang gulo. Kasi by experience, kasimararamdaman mo yun. Nasa sa ‘yo yun. Alam mo kung saan ka bibitaw at kung saanka uurong. Ganun yun.

"Kasi ‘pag sensitive issue, hindi na inaaral ‘yan. Kasi minsan nakakadala, minsannakaka-offend. E, minsan yung mga tao na nao-offend mo, kasama mo sa industriya,so mahirap talaga. So, dapat konting ano, renda or aralin muna ang mgabagay-bagay," pahayag ni Ai-Ai.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkaroon na ba siya ng experience na may na-offend din siyain her shows?

"Ah, noon, matagal na. Noong bago ako. Pero ‘pag dumatingna kasi yung time na hasa ka na, eksperyensado ka na, alam mo kung saan ka bibitaw at saan ka titigil," aniAi-Ai.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN