Jolina Magdangal sympathizes with Judy Ann Santos on Meralco-infomercial issue

"May mga nabasa ako na ibu-boycott siya... Parang sayang dahilang dami niyang pinaghirapan ‘tapos sa isang project lang na ganun, masisira.Nalulungkot ako para sa kanya, e. Alam ko mahirap yun, e," says Jolina Magdangal about the controversy surrounding Judy Ann Santos's (not in photo) Meralco infomercial.


Kung masaya si Jolina Magdangal sa balitang engaged na angmatalik niyang kaibigan na si Judy Ann Santos sa kasintahan nitong si RyanAgoncillo, nalungkot naman si Jolina sa batikos na inaani hanggang ngayon niJudy Ann dahil sa infomercial ng Meralco tungkol sa isyu ng systems loss.

Nagsimula ang pagkakaibigan nina Jolina at Judy Ann nangpareho pa silang nasa bakuran ng ABS-CBN. Bagamat pinagtatapat sila ngkanilang mga tagahanga, hindi ito naging hadlang upang umusbong ang magandangsamahan sa pagitan nila.

Ngayong umaani ng batikos si Juday dahil sa paglabas niya sainfomercial ng Meralco, ipinahayag ni Jolina ang kanyang kalungkutan para sakaibigan.

"Extremes nga, e. Happy ako dahil sa balitang engaged nasila ni Ryan, pero sobrang nalulungkot ako dahil nagkaroon siya ng intriga—yung tungkol sa Meralco nga. Feeling ko, mahirap para sa isang artista yungganun, lalo na kung may kasama nang politics, e.

"Tinext ko pa siya... Alam ko nasa ibang bansa siya, e. Andayoko namang...siyempre nag-e-enjoy na sila dun o ano. Pero siyempre, as afriend, at saka nire-report kasi namin sa Unang Hirit, so parang, ‘Mare, okayka ba?' yung ganyan. So, hindi siya sumasagot. I respect her kung anuman ‘yon.Pero nalulungkot ako para sa kanya dahil mahirap," saad ni Jolina nang makusapsiya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng pelikulangI.T.A.L.Y (I Trust And Love You) sa Jumbo Floating Restaurant sa CCP Complexkagabi, June 19.

Tinanong din namin si Jolina kung tatanggapin din ba niyaang paglabas sa katulad na infomercial ng Meralco kung sakaling inalok ito sakanya.

"Ang tanong, io-offer nga ba?" biro muna niya. Pero biglasiyang nagseryoso at sinabing, "Para sa akin kasi, yung mga ganyan, dapattalaga inuupuan ‘yan and make sure na walang sasagasaan. Siguro kung alam kongmapapanindigan ko ‘yon, na kahit away-awayin ako, or kahit na ano'ng ibato saakin, mapapanindigan ko, gagawin ko. Pero kung medyo parang naiilang-ilang ako...Never akong nag-endorse ng alam kong hindi ako sure.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, yung nangyari sa kanya [Judy Ann] dun, kung anuman yung rasonbakit ginawa ‘yon or what, sana buo yung loob ni Juday. Kasi mabait siyang taopara ganyanin siya. May mga nabasa ako na ibu-boycott siya... Parang sayang dahilang dami niyang pinaghirapan ‘tapos sa isang project lang na ganun, masisira.Nalulungkot ako para sa kanya, e. Alam ko mahirap yun, e."

Inamin naman ni Jolina na hindi pa niya napapanood angkontrobersiyal na Meralco infomercial ni Judy Ann, kung saaninihalintulad nito sa isang supot ng yelo ang systems loss.

"Hindi ko pa nakita, e," aniya. "Nung una ko ngang marinigat saka parang ginagawang spoof, parang, ‘Teka lang, ba't naman ganun?' Yun angmasakit, wala yung tao rito, walang kalaban-laban...mahirap yun, e."

Kasalukuyang nagbabakasyon sa Europe si Judy Ann kaya hindipa nito maibigay ang kanyang panig tungkol sa isyu, bagamat nagsalita na angkanyang manager na si Alfie Lorenzo at ang kanyang kapatid na si Jeffrey Santospara ipagtanggol siya.

Bilang host ng The Working President, isang programa satelebisyon tungkol sa mga gawain ni Presidente Gloria Macapagal Arroyo,nakakatanggap din diumano ng batikos si Jolina mula sa mga tao.

"Sa Malacañang naman, well, may mga tumitira, pero hindinaman grabe kasi alam nila na... Kahit sinong maupo na presidente, gagawin koyun, e, dahil nagre-report yun weekly ng ano ang ginagawa ng presidente nanakaupo. So, yun ang trabaho ko; hindi para sa isang tao lang o para sa isanggrupo.

"Ganun lang sa akin, hindi ganun kagrabe. Pero grabe yungkay Juday," pahabol niya.

Ano namang suporta ang ibibigay ni Jolina kay Judy Ann sapanibagong pagsubok na ito sa kanyang buhay?

"Kung ano ang kailangan niyang support. Kasi ako, nanditonaman ako bilang kaibigan, e, wala nang kashowbisan. Kahit makikinig lang kungmeron siyang heartaches o kung sobrang devastated siya, 'andun ako para sakanya," saad ni Jolina.

"PINOY IDOL." Napag-usapan din namin ni Jolina ang Pinoy Idol, kung saanisa siya sa mga judge, kasama nina Ogie Alcasid at Wyngard Tracy. Ngayon aynapili na ang Final 12 at magsisisimula na silang magtagisan ng galing laban saisa't isa bukas, June 21.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aminado si Jolina na may personal favorites siya amongthe Top 12 finalists.

"Sa ngayon, may mga fearless forecast... Meron ako sa ngayon, ha,sa nakikita ko sa performance, meron—lalake ‘tsaka babae. Si Penelope at siJayann [Bautista]. ‘Tapos si Robby [Navarro] at saka idinadagdag ko si Ram[Chaves]. Pero parang yung iba, palaban, e," pagsisiwalat ng Pinoy Idol judge.

Sa tingin ba niya ay deserving na mapasama sa Final 12 angmga natitirang Idol contestants, o meron sa mga natanggal na ang dapat ay nandunsa posisyon nila?

"Meron akong isa na sana napasama sa Final 12—si Bev[Ejercito]," pag-amin ni Jolina. "Kasi parang may character na, e. Nungmatanggal siya, talagang gulat na gulat ako, na una pa siyang natanggal."

Dahil through text votes lang ang pagde-determine kung sinoang matatanggal at kung sino ang mananalo, hindi ba sila nagwu-worry na bakahindi ganun ka-deserving ang mapiling Pinoy Idol?

"Para sa akin, kung sino man ang maging Pinoy Idol, ang taoang nag-decide," sabi ni Jolina. "Sila naman talaga ang bibili,mag-a-idolize...sila yun, e. Pero siyempre, may mga bet kami dahil meron kamingmga criteria. Pero ang tao ang may final say."

Kilala naman tayong mga Pinoy sa pagkakaraoon ng closefamily ties. Kaya posibleng kung sino ang pinakamaraming kaibigan o kakilala okung sino ang pinakamayaman, mas malaki ang pag-asa nito na maging first PinoyIdol.

"Wini-wish namin talaga na maging fair. Kasi ibinibigaynamin sa mga tao ang desisyon. Nandun kami to guide at saka turuan yung mgaPinoy Idol [finalists]," sabi niya.

Hindi ba sila napu-frustrate tuwing results night na yungmga hindi nila inaasahang matatanggal ang siyang nae-eliminate?

"Hindi naman napu-frustrate, nae-emotional lang ako. Kasialam ko naman lahat sila um-effort, e."

Bilang isa sa mga judge ng Pinoy Idol, nakita ang panibagongside ni Jolina na hindi pa nakikita ng maraming tao. Nagiging matapang,agresibo, at prangka ang actress-TV host sa pagbibigay ng kanyang puna saperformance ng mga contestant.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro dahil na rin sa pinagdaanan ko rito sa showbiz,"paliwanag niya. "Sabihin natin, hindi na masyado sa singing, e. Sa akin, yungpaano mo i-handle yung sarili mo. Totality ang pinag-uusapan—how you carryyourself, how you project, at siguro pati na rin sa pagkanta.

"Hindi ko naman sinasabi na perfect pitch ako orsuper-galing akong [mag-belt] out o magaling akong kumanta, hindi na sa ganun, e.Kundi yung pinagdaanan ko sa showbiz bilang artista at minsang ina-idolize ngmga tao. Yung iba, ayoko sabihin kasi pakiramdam ko, baka sabihin ng mga taonagbubuhat ako ng sarili kong bangko. Kaya lang, minsan kasi, kailangan mongsabihin sa kanila na, ‘Hindi n'yo ako basta puwedeng sabihan na lang ng ganitodahil ang dami kong pinagdaanan sa showbiz for almost 20 years,'" pahayag niya.

Bago magsimula ang Pinoy Idol ay marami angnag-e-expect na si Jolina ang magiging mabait sa mga contestant pagdating sapagbibigay ng judgment. Pero tila kabaligtaran ito sa inaasahan ng mga tao.

"Nakakatawa nga kasi sabi nila, si Ogie pa raw ang masmabait, e!" tawa niya. "Sa akin kasi, huwag na tayong magpaka-tweetums dito.Kailangan ng mga bata ng mas matanda sa kanila na magbibigay ng advice, hindisa isang bagay lang kundi sa lahat.

"Hindi naman ako nagpapaka-mataray dahil hindi namantalaga ako mataray. Hindi rin ako yung nagpu-put up lang ng mask para sabihinna, ‘Uy, kakaiba siya.' Hindi. I'm just being myself bilang ate ng mga batang‘yon at bilang matagal na dito sa industriya natin," pagwawakas ni Jolina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN