Camille Prats juggles time between showbiz comeback and new role as a mom

After months of showbiz inactivity, new mom and wife CamillePrats is back via GMA-7’s newest Sine Novela, Gaano Kadalas ang Minsan.


Ngayong araw, June 20, ang 23rd birthday ngyoung actress na si Camille Prats. Timing naman dahil ngayon din ginawa angpress conference ng pinakabagong Sine Novela ng GMA-7 na Gaano Kadalas angMinsan. Tampok sa show si Camille, kasama sina Marvin Agustin at Diana Zubiri. Ginanap ang presscon sa Mandarin Suites sa Gateway Mall, Cubao,Quezon City.

Hango ang nasabing teledrama sa 1982 classic movie na mayparehong pamagat. Pinagbidahan ito nila Vilma Santos, Hilda Koronel, at ang yumaong si at DindoFernando under the guidance of director Danny Zialcita.

SECOND CHOICE. Bago pa man humarap ang cast ngnasabing Sine Novela ay usap-usapan na among the reporters ang issue na secondchoice lang si Camille para sa role na Lily. Originally kasi ay kay Sunshine Dizon nakatoka ang papel naLily.

Sa nauna kasing press release na inilabas ng Kapuso Network aymalinaw na pangalan ni Sunshine ang nakakabit sa character ni Lily. In fact, nakapag-pictorial na nga si Sunshine at nakapag-taping na rin ng ilang mga eksena.

Subalit noong June 4 ay dinapuan ng karamdaman si Sunshine. Dahil dito ay minabuti na lamang ng management na palitan ang aktres parana rin makapagpahinga siya nang lubos.

Ikinuwento ni Camille sa presscon na maging siya ay nagulat sa bilis ngmga pangyayari.

"Actually, ganito po ‘yon. One day, I met with Ms. Lilibeth[Rasonable, GMA-7's AVP for Drama], Ms. Wilma [Galvante, GMA-7's Senior Vice Presidentfor Entertainment] kasi they wanted to see me. So, sabi nila, 'O, okay na, pumayatka na, konting papayat pa, last week of June may project ka na," bungad niCamille sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

"So uwi ako, last week of June pa, so may mga preparations pa‘to and everything. Wednesday, tumatawag na si Arnold [Vigafria], ang managerko, ‘O, Camille, magti-taping ka na next week sa Tuesday. Bukas meron kanang pictorial.' So ako, parang anong nangyayari last week of June pa hanggang saayun na, nagtuluy-tuloy na hanggang sa nag-taping na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala naman daw samaan ng loob between her and Sunshine dahilnga kay Camille bumagsak ang proyekto. Magkaibigan daw sila ni Sunshine at isa pa nga raw ito sa mga bumati sa kanya noong nanganak siya.

Sa usapin naman na second choice lang siya, hindi na iniintindi ni Camille ang opinyon ng ibang tao. Sobrang grateful nga raw siya dahilbagamat matagal siyang napahinga ay nabigyan agad siya ng project.

Maaalala na nagpunta ng Los Angeles, California ang batangaktres para doon manganak, kasama ang non-showbiz boyfriend turned husband nitona sa Anthony Linsangan. Noong January 24 ay nagsilang si Camille ng isangbaby boy na pinangalanan nilang Nathaniel Caesar. Turning five months old na si Nathan this June 24.

FAMILY AND SHOWBIZ. Aminado si Camille nangayon pa lang ay nararanasan na niya kung gaano kahirap pagsabayin ang careerat ang domesic life.

"Alam mo, parang ang dami-dami kong ginagawa!" bulalas niCamille. "Kasi parang hindi ko alam kung paano ko hahatiin ang sarili ko. Datikasi 'pag nag-taping ako, ako lang; ngayon, hindi."

Proud naman si Camille na i-share na isa siyang hands-on momand wife. "Gabi pa lang inaayos ko na kung ano din ‘yong kailangan nung bata.'Tapos pag-uwi mo dati matutulog ka na lang, di ba? Gigising ka anytime mongma-feel ay ngayon hindi na pupuwede.

"'Tapos kahit puyat-puyat ako, alas-otso kailangan gising akokasi maliligo siya tapos ‘yong asawa ko naman kakain. Ang daming nangyari sabuhay ko, promise," ngiti ni Camille na maganda pa rin despite being a motherat a young age.

Sa ngayon daw ay pinaplano pa rin nila ni Anthony angkanilang balak na church wedding. Nauna nang nagpakasal ang dalawa noong January5 sa Amerika sa isang civil ceremony na dinaluhan ng ilang close familymembers.

December 5, na siya ring anniversary date nila Camille andAnthony, sana ang kanilang target date.

Paliwanag ni Camille, "The church wedding kasi, kaya hindinamin ma-set 'yong date because we couldn't find, wala kaming mahanap na churchdoon sa date na gusto ko...'yong venue na gusto ko is booked. And sabi ko namansa kanya, tutal we're already married, there's no point in rushing our churchwedding. Kasi isang beses lang 'yan mangyayari sa buhay ko, and I really want itto be perfect. Ayokong madaliin, ayokong for the sake na makasal lang, go!Ayoko ng ganoon. And he understands, kasi I'm sure he feels the same way."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN