John Lloyd Cruz knows that Bea Alonzo is attracted to Jake Cuenca

"Bagay po naman sila ni Jake at wala naman akong karapatangkumontra kung si Jake ang gusto niya. Basta ako, kung saan siya masaya, bastahindi siya maaagrabyado, doon ako," comments John Lloyd Cruz about the news thathis screen partner Bea Alonzo and Palosstar Jake Cuenca have been dating.



John Lloyd Cruz will turn 25 on Tuesday, June 24, the daymarked on the Catholic calendar as the feast day of St. John the Baptist, the patron saint after whom the actor was named. Yesterday, June 20, at lunchtime,nagpa-birthday presscon para sa kanya ang Star Magic ng ABS-CBN sa 9501Restaurant sa The Loop. Bagonakipag-usap sa entertainment press, kinantahan muna siya ng " Happy Birthday"at pinag-wish bago nag-blow ng honey cake, which was later served to the press. So, ano ngaba ang birthday wish niya?

"Wala na po akong wish, feeling ko po kasi, nasa akinna ang lahat ng gusto ko, movies, TV shows, endorsements," nakangitingwika ni Lloydie habang kausap ang PEP (Philippine Entertainment Portal).

"Gustoko na lang pong magpasalamat sa lahat ng mga taong nakatulong sa akin paramakarating sa kinalalagyan ko ngayon. Kaya maraming-maraming salamat po sa lahat ng suporta ninyong lahat saakin simula pa nung pumasok ako sa showbiz."

Biniro si Lloydie ng ilang kausap na press. Bakit daw basiya nagpabago ng hairstyle? Tuloy sa isang TV commercial nila ni Bea Alonzo,hindi siya nakilala kung hindi pa sinabing may date sila ni Bea. May nagsulatpang ginagaya raw ba niya ang hairstyle ng singer na si Christian Bautista?

"Nag-try lang po ako dito [hairstyle], ibabalik kopa rin po sa dati," natatawang wika ni Lloydie. "Hindi ko po alam nahindi pala magugustuhan itong bago kong hairstyle."

HAPPY WITH SARAH.Sa ngayon, ang pinagkakaabalahan ni John Lloyd ay ang hosting job niya sa ASAP '08 at ang shooting nila niSarah Geronimo ng A Very Special Lovefor Star Cinema under director Cathy Molina.

Ano ang reaction niya sa mga nagsasabingibo-boycott ng fans nila ni Bea ang movie nila ni Sarah?

"Sa akin po, panibagong source of happiness angpagtatambal namin ni Sarah. Natutuwa poako na pangatlong beses nang ni-replay ang episode namin ni Sarah sa Maalaala Mo Kaya noong Friday, June 13,at mataas pa rin ang rating nito. Masarap pong katrabaho si Sarah, ang baitniya at happy ako na binigyan ako ng chance ng Star Cinema na iba naman angmakatambal ko sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Totoo po, may takot, may kaba ako, pero I'm moreexcited. ‘Tsaka challenge ko po ito sa mga fans na sumusuporta sa akin. Ngayonko po mapatutunayan kung kaya nila ako talagang suportahan kahit hindi na siBea ang katambal ko. Sanapo ay patuloy nila akong tulungan ngayong tumatahak ako ng ibang daan at sila namanang tsina-challenge ko. Ito na ang magandang chance para malaman ko kung mahalnila ako talaga. Sa akin po kasi, iba-ibang katambal, mas maganda."

May kissing scene daw sila ni Sarah sa movie?

"Mahigpit po ang parents ko," nagbibirong sagot niLloydie. "Hindi ko pa po alam kungmeron nga, wala pa kasi kaming sinu-shoot na ganoong eksena."

BEA LIKES JAKE. Issuengayon na madalas makita si Bea na ka-date si Jake Cuenca, nanonood daw sila ngsine na sila lamang dalawa. Ano ang masasabi niya roon?

"Naririnig ko na po iyan, pero hindi po naman naminnapag-uusapan ni Bea. Wala rin naman siyang sinasabi sa akin. Sige po, saSunday, sa ASAP '08 tatanungin ko posiya. Pero ngayon ko lang naisip, 'Naku, ibubuking ko si Bea nito!' Noongnagti-taping pa kami ng Maging Sino KaMan, minsan napapanood namin ang Palosni Jake, sabi ni Bea, ‘Ang guwapo naman ni Jake.' Doonpala patungo iyon.

"Bagay po naman sila ni Jake at wala naman akong karapatangkumontra kung si Jake ang gusto niya. Basta ako, kung saan siya masaya, bastahindi siya maaagrabyado, doon ako."

Ikinuwento namin kay Lloydie na ibinuko siya ni Ruffa Gutierreznoong ni-launch ito ng Belo Medical Group. Anito, wala pa raw gaganap naArmando sa Betty La Fea dahil ayaw rawtanggapin ni John Lloyd ang offer.

"Nagtataka nga po ako kung bakit napasama ang name kosa list ng mga pinagpipiliang gumanap na Armando sa teleserye ni Bea. Magkakaroonpo kasi ng conflict sa mga planopara sa akin this year. Ang gusto po nila sa akin ngayon, mag-concentrate munaako sa paggawa ng movies. Katatapos ko lang po ng two books ng Maging Sino Ka Man, kaya gusto ko namangmagpahinga sa paggawa ng teleserye."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano kung sabihin sa kanyang siya na nga ang gaganap naArmando, puwede ba siyang tumanggi?

"So far, wala pa po naman silang sinasabi sa akin, butin fairness po sa kanila, nabigyan na ako ng chance na pinakikinggan na nilaako kung ano ang gusto ko. Isa ko po kasing gusto ngayon, matuloy na iyongmovie namin ni Governor Vi [Vilma Santos], sana after ng movie namin ni Sarah."

Ito pa rin ba iyong movie na may anak na bading si Vilma atsiya ang lover?

"Ang alam ko po binago na ang story, kasi marami na rawpong nagawang ganoong story sa pelikula. Kung matutuloy po iyon [starring withVilma Santos], dream come true sa akin iyon."

May album na si Bea Alonzo, kailan naman siyamagkakaroon ng kanya?

"Sa totoo po, may nag-offer na talaga sa akin namag-record ng album, pero hindi ko po tinanggap. Bukod sa busy schedules, alam ko naman pokung ano lang ang kaya ko. Baka po some other time, pero hindi pa ngayon."

Asked kung ano pa ang role na gusto niyang gampanan, hindiraw niya masabi.

"Meron kasing role na akala mo lang, madaling iarte,pero kapag nandoon na, mahirap palang gawin. Example ko na po ang One More Chance. Akala ko, madali lang,pero nahirapan po ako talaga roon."

Dahil sa One MoreChance, nanalo siya ng Best Performance of an Actor in Drama sa 5th GoldenScreen Awards ng Entertainment Press Society, at dahil sa big box-officereturns din ng movie nila ni Bea, sila ang tinanghal ng Box-Office King &Queen ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation. Natanong tuloy siyang PEP kung dadalo ba siya ng awards night ng 5th Golden Screen Awards saTuesday, June 24, sa Zirkoh Greenhills. The day mismo ng kanyang birthday.

"Opo, a-attend ako, napakaganda pong birthday gift saakin iyon dahil birthday ko pa ang awards night."

Natawa siya nang i-suggest ng PEP na isamaniya ang girlfriend na si Liz Uy sa awards night na iyon ng Entertainment PressSociety. May nagsabi naman sa kanyangmahal daw siya ng family ni Liz dahil mabait siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mahal ko rin po sila dahil mababait din sila,"sagot naman ni Lloydie.

SHARING HISBLESSINGS. Pagkatapos ng presscon, tutuloy si Lloydie sa Katutubo Villagesa Porac, Pampanga, to bring medical check-up to the Aeta children and sharehis blessings.

"Nag-offer din po kasi ang Greenwich [pizza which he endorses] na magpapakainsila sa mga bata roon. Thankful ako sa Greenwich dahilnapakagalante nila, kahit po sa shooting ng movie namin ni Sarah, ilang besesna silang nagpakain doon. Kaya popagkatapos nitong sa Porac, gusto ko po namang ipunin ay ang mga streetchildren at dalhin sila sa isang lugar sa Metro Manila o sa Enchanted Kingdom.Pero aalamin ko po muna kung paano magagawa iyon dahil baka kapag bigla kosilang dinala kung saan, makasuhan naman ako," nagbibirong patapos niLloydie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN