Toni Gonzaga defends Billy Crawford against criticism on his hosting style in "PDA"

"Hindi siya yung typical host na nakikitanatin sa Pilipinas. He's bringing in yung westernized style of hosting. I think,palagi namang ganoon, basta may bago kang ipinapakita. Parang hindi agadnagugustuhan ng mga tao, but I think, later on, they will embrace it too," saysToni Gonzaga about Billy Crawford.


Araw-araw ay nagsu-shoot si Toni Gonzagapara sa Pinoy Dream AcademySeason 2 primetime airing. Halatangproud din siya sa mga scholars ngayon sa PDA.Plus factor din sa enthusiasm ni Toni sa show na kasama na nila siBilly Crawford as host.

"We're very excited, siyempre, kita n'yonaman, meron kaming international performer. Malaking privilege sa amin ito dahil, siyempre, nahahaluan kami ngknowledge ni Billy about performing. Marami kaming natututunan sa kanya."

Ayon kay Toni nang makausap ng PEP(Philippine Entertainment Portal) sa mismong academy ng PDA, daily raw silang magkasama ng singer. "Siya kasi angnagho-host ng Uber ‘tapos ako namansa primetime. Araw-araw yun.

Wala bang pagkaumay factor?

"Actually, masaya! Si Billy kasi yung kapag katrabaho mo, parangang tagal n'yo nang magkatrabaho. Kasi, very approachable siya, very humble atdown-to-earth, at talagang ang sarap katrabaho."

Noong nasa GMA-7 pa raw si Billy, nakikitana niya ito sa ilang events, tulad ng Awit Awards, although, first time dawtalaga nilang magkasama sa isang show.

"'Hi' and ‘hello' lang kami noon.Nagpapakilala pa ‘ko sa kanya, like, ‘Hi! I'm Toni.' Noong first time naming mag-meet dito, okey,masaya, kasi very open siya. Nagtatanong siya kung paano mag-run ang show. Atsa tingin ko, kahit kanino mo siya isama as host, he will stand out."

DEFENDINGBILLY. Ipinagtanggol pa ni Toni siBilly sa obserbasyon na hindi ito masyadong makasabay with the otherhosts of PDA.

"I think with that, gusto ko naman siyangipagtanggol kasi, iba na ang influences niya. International na yung marketniya. Actually, maganda nga ‘yun kasi, hindi siya yung typical host.

"Hindi siya yung typical host na nakikitanatin sa Pilipinas. He's bringing in yung westernized style of hosting. In away, nami-mix din namin kung paano namin naho-host yung programa. Siguro,na-instill lang din sa mga tao, sa mga audience kung paano hino-host angparticular na programa. At sa PDA,may Season One na already, so, parang yun na ang naka-stick sa mind.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I think, palagi namang ganoon, basta maybago kang ipinapakita. Parang hindi agad nagugustuhan ng mga tao, but I think,later on, they will embrace it too."

PROUDOF THE SCHOLARS. Napa-"Naku!" na lang si Toni nanghingan namin ng reaction sa ilang puna na tila mas promising daw ang mgascholars ng PDA, compared sa Pinoy Idol finalists naman ng Kapuso Network,at hindi nga maiwasang hindi mapagkumpara ang mga finalist ng both shows.

Aniya, "Well, ako naman, kasi, since nagawana namin ang Season One ng PDA, ako,siyempre as a host, thankful ako na nakasama pa rin ako sa PDA Season Two kasi, akala ko rin, hindi na ‘ko makakasama. So,parang ako, I'm just really happy that I'm part of the program right now.

"And I'm proud of the scholars dahil lahatsila, dumaan sa mabusising pangingilatis talaga ng mga judges, na alam mo nadekalidad at talagang mga beterano na pagdating sa musika like our [Head] MasterRyan C [Cayabyab]. ‘Tapos, nandiyan pasi Direk Joey Reyes na institusyon na rin sa industriya. Then, si TeacherKitchie na talaga naman, lahat ng mga singers, dumaan sa kanya at tinuturuanniya kung paano mag-alaga ng mga boses."

ASGOOD AS YOUR LAST PERFORMANCE. Inisip daw niyangtalaga na baka wala na siya as host ng Season 2 ng PDA., but obviously, siya lang halos ang nare-retain sa lahat ngseasons ng PBB at PDA. Napa-"Wow!" ito upon hearing na kapagsinabing PBB or PDA, kakabit na din ang pangalan niya.

"Actually, akala ko rin, wala na ko sa PDA, kasi, ang alam ko magbabago na rinng format. Kaya sinasabi ko lang palagi, ‘Thank you, thank you!' Malaki angpasasalamat ko siyempre na napagkakatiwalaan pa rin ako.

"Palagi ko namang naiisip na you're as goodas your last performance. You'll always be remembered for your lastperformance."

Dugtong pa niya, "Siyempre, nakaka-flattersa akin, pero at the same time, ayaw mo rin namang ilagay sa utak mo. Katuladsa showbiz, pana-panahon lang din naman ‘yan. At ngayon nabibigyan ako ngmagagandang opportunity, so, I am just really thankful."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THREATENEDBY TONI. Pero ano itong nakarating sa PEP na mayisang host daw ang Kapamilya Network na nate-threaten sa presence ni Toni?

"Walang nate-threaten sa akin. Wala namansiguro," nangingiting pahayag niya. "Tingin ko naman kasi, as a host, may kanya-kanya naman kaming abilidadat kakayahan.

"On my part, maraming host dito sa ABS na talagangI really look up to. Marami akong natutunan sa kanila at sa tagal na rin nilasa industriya, na-establish na rin nila yung mark nila as a hosts."

Kung meron man daw masasabing nate-threatensa style of hosting niya, ayaw raw niyang isipin ‘yun.

"Basta, wala akong napi-feel. Kung meronman, madya-judge ka ng mga tao sa huli mong performance kaya ako, pinagbubutiko lang ang trabaho ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN