Marvin Agustin cancels European vacation for "Gaano Kadalas Ang Minsan"

"Ay, naku naman, worth it! Paano mo namanipagpapalit ang show na ito sa ibang bagay? Kahit nga ano ibibigay ko rito," says Marvin Agustin about his latestGMA show Gaano Kadalas Ang Minsan.



Hindi pa man tuluyang namamaalam sa ere angBabangon Ako't Dudurugin Kita, maybago na namang series ang actor na si Marvin Agustin—ang Sine Nobela ng GMA-7, Gaano Kadalas Ang Minsan. Marvin will play the same character na ginampanan ng namayapang aktor na siDindo Fernando sa movie version nito.

IT'SGMA-7'S "FAULT." Kalabisan na nga sigurong sabihinna napakasaya ni Marvin being given the chance to portray challenging dramaroles tulad ng sa BADK at ngayonnaman ay sa Gaano Kadalas Ang Minsan.Sinasakyan na lang din nito ang biro sa kanya ng entertainment press sapresscon na ginanap sa Mandarin Suites ng Gateway Mall, sa Cubao, Quezon City, kahapon, June 20, na feeling desirable siya samga nagiging role dahil parehong pinag-aagawan siyang palagi ng mga babae.

Natatawang sagot nga niya, "Kasalanan ‘yanng GMA, e. Ang sarap ng kasalanan naginagawa ng GMA sa akin, sanapalaging ganito. Araw-araw, Pasko!" sabi nga niyang natatawa habang kausap angPEP (Philippine Entertainment Portal).

Pabiro pa rin ang sagot niya when askedtungkol sa iba't ibang love scenes na ginagawa niya simula pa lang sa Babangon...at hanggang ngayon nga sa Gaano Kadalas Ang Minsan kunsaan, sinaDiana Zubiri at Camille Prats naman ang kaeksena niya.

"Tumaas nga ang bill ng toothpaste ko, chewinggum, at saka mouthwash."

Seriously, aminado si Marvin na masuwertesiya bilang Kapuso dahil hindi siya nawawalan ng project and in fact, mabibigatna role pa ang naibibigay sa kanya.

"Ay sobra, masuwerte talaga! Kaya pinipilitko ngang suklian at mas higitan pa ang expectations nila sa akin. I'm veryhappy," sey pa niya. Walang-wala raw siyang regret sa ginawang pagmu-move fromKapamilya to Kapuso.

Pakiramdam ni Marvin, babawi raw siya sabago niyang Sine Nobela. Napakakontrabida raw kasi niya sa Babangon.

"Alam n'yo, very adult naman ang plotnamin. Hindi siya yung usual na mabait. Tulad nga ng sinabi ni Direk [Gil Tejada], yung plotdito, pinahiram na asawa at makikita nila kung gaano naman ka-believable naginawa na puwedeng mangyari sa totoong buhay kung ganoon kabigat angsitwasyon. Kaya yung sitwasyon na yun,abangan n'yo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Worth it daw na ipinagpalit niya ang European vacation niya para sa taping ng Gaano.

"Ay, naku naman, worth it!" mabilis niyangpagsang-ayon. "Ayoko na nga sanang umalis noon for Rome dahil sa show na ito, pero, kailangankasi it was for GMA also. Pero

"'Yung supposedly mag-e-extend pa ‘ko,hindi na namin itinuloy kasi naman, paano mo naman ipagpapalit ang show na itosa ibang bagay? Kahit nga ano ibibigayko rito."

INSTANTDINDO FAN. Nang malaman daw na gagawin nga niya angremake ng movie, pinanood niya ang DVD copy nito and instantly, he became afan of the late actor, Dindo Fernando.

"I became a fan of Dindo Fernando dahilpinanood ko yung pelikula. And to be honest, hindi ko kasi siya naabutan athindi ko rin napanood yung mga pelikula niya. Hindi ako nagkaroon ng interes napanoorin.

"Kaya noong pinanood ko‘to, grabe, ganoon pala ang acting niya, ‘no? Parang hindi nagka-climax. Perohindi nga lang puwedeng gawin ‘yung acting niya sa TV kasi, medyo boring,parang ibang level ang drama ng TV."

LOVE LIFE. Isa rin sa pinag-usapan sa naturangpresscon ay ang isyung nag-swimming sila ni Diana sa bahay niya sa White Plains, kunsaan,sinadya raw na iwan ng huli ang ginamit na bathing suit.

Bagama't lie ang naging resulta nglie-detector machine na ginamit sa ShowbizCentral nang sumalang siya sa "Don't Lie To Me" portion ng show, nagsasabi raw siya talaga ng totoo na hindilang silang dalawa ni Diana ang magkasamang nag-swimming.

"Hindi po ako nag-lie do'n. Ang lie dun,si Corpuz, yung nag-aayos," nakangiti niyang sabi. "Ina-attest ko, hindi potalaga ako nagkamali roon."

Ayon kay Marvin, magkaibigan lang dawtalaga sila ni Diana.

"Sa AsianTreasures magkatrabaho na kasi kami. Almost every day nagkikita kami sa Asian Treasures. Kahit walang trabaho,nagkakaimbitahang lumabas. E, ako nga hindi naman ako lumalabas, so, sa bahaylang talaga usually.

"'Tapos, isa pa, kapitbahay ko si Diana. Salahat ng iniimbita ko, siya lang ang pumupunta. Matagal ko na siyang katrabahoand I'm very comfortable with Diana. Nagkakasabihan na rin kami ng mgaproblema."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

After his relationship with Pauleen Luna,wala pa rin daw siyang nagiging girlfriend na masasabi niyang seryosohantalaga.

"Wala pa talagangnaging serious. At saka, hindi naman ganoon kabilis. Ang pag-ibig naman hindiyan palagi. Of course, meron kang magugustuhan. But it's not somebody namagiging girlfriend mo talaga.

"Siyempre, kapag tumatanda ka, hindi namanlahat gusto mong i-girlfriend. May level of relationship. After Pauleen, walapa talaga."

At 28, para kay Marvin, hindi pa rin dawlove life ang priority niya.

"Probably, hindi pa rin po ako ganoonka-ready. At saka, hindi naman po ako naghahanap. Ang relationship ko,dumarating naman ng kusa sa akin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN