Diana Zubiri keeps mum about her friend Sunshine Dizon's condition

"Bago pa man kami magsimula sa soap, nasahospital na siya... Happy-happy pa kami at siya nga ang nagbalita na ako angkasama niya. Hanggang sa mag-taping kami at ganoon nga ang nangyari. Maramikasing nangyari, pero siyempre ako, ayoko munang sabihin sa inyo hangga't hindipa kami nagkakausap ni Sunshine," said Diana Zubiri about her friend SunshineDizon.


Sinagot naman ni Diana Zubiri ang lahat ngtanong sa kanya ng mga reporter sa presscon ng bago niyang SineNobela, Gaano Kadalas Ang Minsan. Gaganapin nila ni Marvin Agustin ang papel nina Dindo Fernando at Hilda Koronel sa pelikula noon bilang mag-asawa.

NO SOUVENIR. Unang tanong kay Diana ay tungkolsa swimsuit na iniwan daw niya nang mag-swimming siya sa bahay ni Marvin. Natawalang muna si Diana sabay tanggi sa tsismis na iniwan niya raw talaga yun as a souvenir for Marvin.

"Nag-swimming party kami sa kanila. E, diba, mahilig yan [Marvin] nang lutu-luto? E, Asian Treasures pa yun. So,sige, punta ‘ko since Sunday naman. Malapit lang naman ang bahay ko sa kanilasince Katipunan ako at White Plainssiya. Kasama rin namin yung ibang kaibigan namin.

"'Tapos inabot na kami ng gabi. Angnatatandaan ko, umalis ako ng five o'clock, may lakad ako, pero sabi ko, babalikako. ‘Tapos pagbalik ko, nag-swimming ako ulit. Nandoon pa nga ang mom niya. ‘Tapos,sabi ko, ‘Marvin, iiwan ko na lang dito ang bathing suit ko, para kungmag-swimming tayo ulit.' So, yun ‘yon.‘Tapos, naulit ulit. So, yun ulit ang bathing suit ko.

Paglilinaw pa niya, "Dalawang beses naakong nakapag-swimming, pero, hindi dalawa lang kami."

DONE WITH SINGLE DADS. Puro biro ang mga unang sagot ni Diana nang tanungin siya kung may "something" na ba sa pagitan nila ni Marvin or kung isa siMarvin sa mga tipo niyang lalaki. Pero maya-maya, sinabi niyang dalana raw siya sa lalaking may anak.

At naalaala namin ang kanyang ex-boyfriend na si Vhong Navarrro.

Sagot nga ni Diana, "Nadala na ‘ko! Ayoko nasa may mga anak. Ang gusto ko naman single. Ayoko na kasi, kumbaga, ‘yung lastrelationship ko... Siguro, kung magkakaroon ako ng mapapangasawa, ‘yung wala nanga lang din sigurong sabit."

GIVING SUNSHINE SPACE. Ang kaibigang si Sunshine Dizonsana ang magiging co-star ni Diana sa TV drama, Gaano Kadalas ang Minsan, pero sa last minute ay pumalit si Camille Prats dahil nagkasakit si Sunshine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ayaw muna mag-comment ni Dianatungkol sa kalagayan ni Sunshine.

"Hindi pa kasi kami nagkakausap ni Sunshineafter that. Medyo sensitive yung nangyari, kaya ayoko munang pag-usapan. Medyomalalim yung pinanggalingan."

Nadalaw na ba niya si Sunshine?

"Bago pa man kami magsimula sa soap, nasahospital na siya. Hindi pa nga namin alam na may show kami together.Happy-happy pa kami at siya nga ang nagbalita na ako ang kasama niya. Hanggang sa mag-taping kami at ganoon nga angnangyari.

"Marami kasing nangyari, pero siyempre ako,ayoko munang sabihin sa inyo hangga't hindi pa kami nagkakausap ni Sunshine."

Hindi pa rin daw nagte-text or nagpaparamdam ang kaibigan.Sila naman daw, they are just giving Sunshine enough space na kailangannito.

On the other hand, hindi naman itinanggi niDiana na kung siya siyempre ang masusunod, mas gusto niyang si Sunshine angkasama dahil kaibigan nga niya ito, although wala rin naman daw problema withCamille.

"Oo...siyempre, kumportable. At saka siCamille, first time kong makakatrabaho. Pero hindi talaga, ano, e...Siguro kunghindi talaga para sa kanya [Sunshine], wala talaga tayong magagawa ro'n."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN