Biboy Ramirez's love for Jackie Rice comes from both heart and mind

"Hindi katulad dati na hindi na ginagamitang utak. Mahal ko siya, sobrang mahal ko siya, pero, hindi katulad ng dati nakapag minahal ko, puso ko lang ang gumagana. Ngayon, mahal ko siya, pero, patiang utak ko, gumagana," says Biboy Ramirez about his relationship withStarStruck Ultimate Female Survivor Jackie Rice.



Kamandagang huling show na nilabasan ni Biboy Ramirez. Nowadays, masaya ngayon si Biboydahil matapos ang ilang panahong pasundut-sundot lang siya sa mga shows ng GMA-7,ngayo'y kasama pa siya sa bigating cast ng bagong Sine Nobela ng KapusoNetwork, ang Gaano Kadalas Ang Minsan.Biboy will play the role played by Ronaldo Valdez in the original movie versionof this new Sine Novela.

Excited nga raw siya sa pagkakataongibinigay sa kanya ng Kapuso Network.

"Ngayon drama naman. Kasi dati puro fantaserye, action-fantasy.Ngayon, wala nang kathang- isip, puro mga katotohanan na dahil yung role korito, originally, si Ronaldo Valdez nga, at ang asawa ko rito ay si Maybelyndela Cruz."

Aminado si Biboy na may time talaga nanawawala siya sa sirkulasyon.

"Nawawala-wala...hindi ko naman itatanggi yungtruth na medyo napahinga ako ng matagal. Ganoon naman talaga ako, simula noong Kahit Kailan, magpapahinga ako, ‘tapos,magkakaroon ng time na busy, ‘tapos, pahinga, ‘tapos super busy na naman."

Sabi pa niya, "Actually, hindi siya okey[pagkakaroon ng paminsan-minsang raket], pero kung titingnan mo rin naman,better than nothing."

Masaya raw siya na, after all, ramdam niya na nandiyan pa rin ang tiwala sa kanya ng GMA-7.

"Salamat talaga kung ganoon. Kasi, kungwala naman talagang tiwala, wala nang naniniwala sa akin, wala na rin siguroakong magagawa."

Kung dati-rati ay hindi pa masasabing openat vocal si Biboy sa kung anong estado nga ba meron sa kanilang dalawa niJackie Rice, this time, wala nang pagtanggi sa mga sagot nito at umaming silana nga talaga.

Pero binigyang-diin nito na hindi naman dawsila nag-deny.

"Hindi naman kami nag-deny," nangingitiniyang sabi. "Ngayon lang naman ako tinanong ulit. Dati kasi, noong tinatanong kami, hindi patalaga kami."

Ayon kay Biboy, January of this year langdaw talaga niya masasabing officially naging sila na nga ng StarStruck Ultimate Female Survivor.

"'Yung dati, hindi ko naman masasabingligawan, parang tapos na kasi sa stage na yun, pero, walang formality na tayona. Walang commitment. Kaya masasabi ko na kung yung tagal na magkakilala,siguro, two-and-a half years na rin, pero, January lang talaga yung official,"pagbibigay-paliwanag pa rin niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May kinalaman daw ang pagsapit ni Jackie ng18 years old, kaya naging official na silang dalawa.

"Mag-e-eighteen na kasi siya noon. Aprilang birthday niya. So, naisip niya, bago siya mag-birthday, okey lang, hindi nanamin hihintayin na mag-debut siya."

Sa loob ng panahon na naging malapit silasa isa't isa, yun din ang time na maraming naging intriga kay Jackieat sa kanilang dalawa. Pero aniya, hindi raw sila nagpaapekto ni Jackie sa mgaganoong intriga.

"Hindi kami naapektuhan, parang wala lang.Ang maganda kasi niyan, medyo marami na rin akong napagdaanan sa showbiz, so,kapag may dilemma siyang nangyayari or gulung-gulo siya sa buhay niya,ini-explain ko sa kanya na ganito ‘yan. Trabaho natin ‘yan, talagang isusulatka. Unang-una, hindi ka naman StarStruck lang, panalo ka. So, asahan mo napuputaktehin ka talaga ng intriga."

Hindi rin daw siya naapektuhan kahit alamniyang may mga nag-iisip na tila nabakuran na niya si Jackie, kungkaya't pareho silang naapektuhan ang mga career.

Aniya, "Alam ko naman kasi ang totoo. Kahitkapag tinanong n'yo siya, sasabihin niyang hindi ako ang naging hadlang. As in,ako pa ang nagmo-motivate sa kanya at pinapa-realize ko sa kanya. Kinuwento ko sa kanya ang naging path ngcareer ko, mga pinagsisihan ko.

"Unti-unti namang nagsi-sink in sa kanya yunat nari-realize niya rin na hindi ka dapat nagpapadala sa emosyon. Dapat nanag-iisip ka rin."

Happy raw sila pareho ni Jackie dahil kungsiya ay may bagong show, si Jackie rin daw ay busy naman sa Dyesebel.

"Masaya kasi, pareho kaming may trabahongayon. Pareho kaming busy. Actually, alam naman namin na kung may dapat mankaming i-priority ngayon, ito yung trabaho talaga namin."

May pressure ba sa relationship nila?

"Wala, e...ano kami, spontaneous yungrelationship namin. Hindi kami nag-i-stick sa isang stage. Kapag nasa isangstage kami na ganito, tumatalon kami kaagad. Mabilis kaming mag-adjust atpalaging may pagbabago, may progress. Yung intindihan namin, sobrang malawak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Serious siya, pero may limitasyon. Hindikatulad dati na hindi na ginagamit ang utak. Mahal ko siya, sobrang mahal kosiya, pero, hindi katulad ng dati na kapag minahal ko, puso ko lang anggumagana. Ngayon, mahal ko siya, pero, pati ang utak ko, gumagana."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN