Dennis Trillo sees nothing wrong in dating Cristine Reyes

"Like what I said, wala naman akongnakikitang masama sa ginagawa namin. Kung gusto nila kami, salamat. Kung hindinila kami gusto, okey lang naman. Hindi na namin gagawing issue iyon sa pagitannamin," says Dennis Trillo about dating Cristine Reyes.



Hindi na nag-deny pa si Dennis Trillo sabalitang nagkikita pa rin sila ni Cristine Reyes. Inamin naman kasi ito ni Cristine mismo.

Ani Dennis, wala naman daw siyang planona itago pa ang katotohanan tungkol sa paglabas-labas nila ng nakababatangkapatid ni Ara Mina. Wala naman daw siyangnakikitang masama sa ginagawa nila.

"Nakakalabas naman kami ni Cristine kapagpareho kaming may time. Hindi naman kami parating nagkakasama. Alam ko rinnaman na busy siya. Dalawa yata ang shows niya sa kabilang channel kaya alam kona napapagod siya."

Aware naman si Dennis na marami ang tutolsa relasyon nila ni Cristine. Pero ang importante raw ay nagkakaintindihan silani Cristine.

"Yun naman ang understanding naming dalawa.Siguro hindi na lang namin papansinin ang sasabihin ng ibang tao para hindi nalang maging magulo.

"Like what I said, wala naman akongnakikitang masama sa ginagawa namin. Kung gusto nila kami, salamat. Kung hindinila kami gusto, okey lang naman. Hindi na namin gagawing issue iyon sa pagitannamin."

Sa pelikulang I.T.A.L.Y. (I Trust And Love You) ay kapareha niya sina JolinaMagdangal at Rufa Mae Quinto. Pero may isangItalian singer-actress named Andrea na nakatambal si Dennis sa naturangpelikula.

"Hindi kami masyadong nakapagkuwentuhan nanghusto ni Andrea kasi most of the time, nagsu-shoot kami ng mga eksena. Peronoong malaman ko na singer pala siya, doon kami nagkasundo. We both like music,lalo na ang rock music."

Hindi nga raw alam ni Dennis kungiimbitahan ng GMA Films si Andrea para makatulong mag-promote ng pelikulang I.T.A.L.Y. Kung sakali ngang dumating siAndrea, magbo-volunteer daw si Dennis na ipasyal ito sa mga magagandang lugarsa Manila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN