Rhian Ramos proud of Breakthrough Performance Award from Entertainment Press

"I guess the award says something lalo nasa mga tao na parati akong dina-down... with the award na matatanggap ko from EnPress, I am proud to saythat I worked for it and if these people think na I deserve the award, who am Ipara hindi tanggapin iyon, di ba?" says Rhian Ramos.



Hindi napigilan ni Rhian Raamos na tumili nang malaman niya na engaged napala sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. Wala nga raw nakakapagsabi sakanya tungkol sa balitang iyon kaya kinilig siya para sa dalawa.

Naging very close nga kasi si Rhian kayJuday noong ginagawa nila ang pelikulang Ouijakunsaan nagwagi si Rhian ng Breakthrough Performance Award sa GoldenScreen Awards ng Entertainment Press Society (EnPress). Sobra raw kasi silang nag-bondingni Juday at para na raw niya itong nakatatandang kapatid.

"Nami-miss ko na nga si Ate Juday. Noongnagsu-shoot kami for the movie, ang dami kong natutunan sakanya. Kapag nagkukuwento siya about her life sa showbiz, nakikinigtalaga ako. Nagsisimula pa lang ako sa showbiz that time and nakatulong sa akinang mga kuwento ni Ate Juday.

"Gusto ko nga sana na gawin na namin angpart two ng Ouija para makatrabaho koulit silang lahat.

"I am very happy for Ate Juday and KuyaRyan. They deserve one another and I only wish them all the happiness samagiging wedding nila."

Sa pagkakapanalo nga ni Rhian ng award sa Golden Screen Awards ng EnPress, tuwang-tuwa siya dahil isang pagkilala raw iyon ng kanyangpagiging isang artista na. First time daw kasi niyang manalo ng isang actingtrophy at itatabi raw niya ito sa pagtulog niya gabi-gabi.

"Noong una nilang sinabi sa akin ‘yan,parang hindi pa ako naniwala kahit na may nagku-congratulate na sa akin. Thennoong mabasa ko na sa newspaper at sa Internet, doon lang ako talaga natuwabecause I won something na pinaghirapan ko talaga.

"I guess the award says something lalo nasa mga tao na parati akong dina-down. They always pick on me and my acting. Nawala raw akong karapatan mag-artista because nadaan lang daw sa palakasan andall that. Pero with the award na matatanggap ko from EnPress, I am proud to saythat I worked for it and if these people think na I deserve the award, who am Ipara hindi tanggapin iyon, di ba? I am thanking them from the bottom of myheart."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Mark Herraspala ang ka-partner ni Rhian sa pelikulang I.T.A.L.Y.(I Trust And Love You) ng GMA Films. Una silang nagtambal sa GMA Sine Nobelana My Only Love.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN