Coverboy Marvin Raymundo wins "Mr. Personality" special award in Manhunt International 2008

"I never expected na papasok ako sa Top 15 kasipagdating ko dun, ang tatangkad ng mga finalists, 5'11" na ako pero kung lalapit kayo sa iba,average yata nila ay 6'2". Sabi nga ng manager ko, ‘wag ko na lang daanin sakatawan kasi ang gaganda rin ng mga katawan nila, idaan ko na lang daw sacharm," relates Marvin Raymundo. Inset, the winners of Manhunt International 2008.


Hindi man gaanong nabalita, binigyang-karangalan niMarvin Raymundo ang bansa nang mapabilang siya sa Top 15 at manalo ng specialaward na Mr. Personality sa Manhunt International 2008 na ginanapsa Seoul, South Korea. Miyembro si Marvin ng all-hunk group na Coverboys.

Ikinuwento niya sa PEP (Philippine EntertainmentPortal) ang maganda niyang experience sa paligsahan ng pinakamakikisig na lalaki sa buong mundo.

"Nag-join ako sa Manhunt International sa Seoul, SouthKorea last May 28 hanggang June 3. Bale, 50 countries ang kasali roon and Irepresent the Philippines. Luckily naman, napasok ako sa Top 15, I also got aspecial award, ito ngang Mr. Personality."

Ayon kay Marvin, hindi na niya in-expect namapapasok siya sa Top 15. Intimidation nga raw ang unang naramdaman niya nangmakita niya ang kanyang mga makakalaban.

"I never expected na papasok ako sa Top 15 kasipagdating ko dun, ang tatangkad ng mga finalists, 5'11" na ako pero kung lalapit kayo sa iba,average yata nila ay 6'2". Sabi nga ng manager ko, ‘wag ko na lang daanin sakatawan kasi ang gaganda rin ng mga katawan nila, idaan ko na lang daw sacharm.

"To be honest, na-intimidate talaga ako. Kungmakikita ninyo lang ang mga abs nila, kung paano sila mga tumayo... But it wassuch a good experience." 

COVERBOYS LEADER. Kamakailan ay nabalitana sa isang umpukan daw ay nalasing ang Coverboy member na si Jake Cuenca. Nakapagsalitadiumano ito na siya raw ang nagdadala sa Coverboys at siya ang tumatayongleader dito. Dinepensa naman ni Marvin si Jake at nang tanungin kung sino batalaga ang itinuturing nila sa Coverboys as their leader, katulad din ngininterbyu noon na si Jake ang sagot nito. Si Rafael Rosell din ang sinabiniyang parang leader nila.

"That's nottrue," ani Marvin tungkol sa balitang si Jake diumano ang nagke-claim na leaderng Coverboys. "Pantay-pantay lang kami sa grupo. Kunwari may steps ka na di alam,ituturo ng may alam. Kunwari nag-commentako na galingan natin, nagtutulungan kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pagdating sa sayaw, ang pinakamagaling sa amin siRafael, so siya ang tinatanong namin. I can say na siguro si Ralph nga [angleader]. Siya ang pinakauna sa aming lahat. ‘Pag may mga prayers, siya angnagli-lead. Pero yung sasabihing leader talaga, wala."

MARVIN'S CRUSHES. Ka-lovetriangle nina Jake Cuenca at Shaina Magdayao si Marvin sa nalalapit na episodeng Your Song. Inamin ni Marvin sa PEP na crush niya angyoung actress.

"Yeah, crush ko si Shaina. Ina-admire ko siya,nagagandahan ako sa kanya coz maganda naman talaga si Shaina."



Nang tanungin ng PEP kung sinu-sino pa ba ang mgashowbiz crushes niya, inisa-isa naman ito ni Marvin.

Si Anne [Curtis], may something siya na ia-admiremo sa kanya. Nakasama ko siya before sa MayMinamahal. Akala ko baka mahirap i-please o pakisamahan pero hindi palakasi sobrang bait niya. Nagagandahan din ako kina Nikki Gil at si Bea, crush ko.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN