Camille Prats considers "Gaano Kadalas ang Minsan" her best birthday gift

"This is my third showsa GMA-7 after Captain Barbell and Super Twins. Doon, major support lang ako.Pero dito, bida na. Hinding-hindi ko aakalain na bibigyan pa rin ako ngimportansiya ng GMA," says Camille Prats.



Friday lunch, June 20,ang presscon ng pinakabagong Sine Novela ng GMA-7 na Gaano Kadalas ang Minsan.Ito rin ang actual na kaarawan ni Camille, who replaced Sunshine Dizon for the Lily role originally played by Vilma Santos in the 1983 movie.

Prior to the generalquestion-and-answer portion sa Mandarin Suites, kinantahan muna si Camille ng buong cast and theattending press with a birthday cake.

"This is my bestbirthday gift talaga," sabi ni Camille during the one-on-one interview. "Hindiko talaga aakalain na mapupunta sa akin ang role. Yung sinasabing replacementlang ako, not a big deal. Kita n'yo naman main role ito, magdadalawang-isip paba ako?"

Sobra-sobra angpasasalamat ni Camille sa GMA-7 for giving her this prime role.

"After nanganak ako atumuwi rito, pinatawag ako ni Ms. Wilma [Galvante, SVP for Entertainment TV].Sabi sa akin, ‘Aba, mapayat ka na pala! Konti pa 'tapos may show ka na ng end ofJune.' Sabi ko, ‘Salamat po. Hindi pala ako papabayaan ng GMA kahit nanganak naako.'

"Okey na sa akin kahitano basta makapagtrabaho lang ulit. ‘Tapos biglang tumawag ang manager [ArnoldVegafria] ko. Sabi, ‘O, maghanda ka na, may taping ka na bukas, may pictorialka the next day. Sagot ko, ‘Ha? Hindi ba end of July pa?'" kuwento ni Camille.

Hindi alam ni Camillena ang Lily role nga ang ibibigay sa kanya kaya halos maiyak siya sa tuwa.

"This is my third showsa GMA-7 after Captain Barbell and Super Twins. Doon, major support lang ako.Pero dito, bida na. Hinding-hindi ko aakalain na bibigyan pa rin ako ngimportansiya ng GMA."

Ang last words niCamille?

"Now, I can truly sayI'm proud to be a Kapuso."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN