John Lloyd Cruz to boycotting fans: "Ganun ba kakitid ang utak ninyo?"

John Lloyd says he can't really control his fans ifthey don't want to support his screen team-up with Sarah Geronimo. He also gives opinion on breast exposure rumor about ex-girlfriend Ciara Sotto (inset).


John Lloyd Cruz was his usual jolly, playfulself nang datnan namin siya sa birthday presscon para sa kanya ng ABS-CBN atStar Magic noong Biyernes, June 20. Dinaan na lang ni John Lloyd sa pagbibiroang tingin niya sa isyung boboykotin daw ng fans nila ni Bea Alonzo ang firstbig screen team-up niya kay Sarah Geronimo.

"Oo, balitang-balita ‘yan," bungad ni John Lloyd saPEP (Philippine Entertainment Portal) habang nakangiti. "Ang movie namin niSarah parang ang dating, e, pagtaas ng presyo ng gasolina."

Pero maya-maya pa'y nagseryoso na si John Lloyd.Alam niya kasing sensitibo rin ang isyung ito ng diumano'y nakaambangpagbo-boykot ng fans nila ng ka-love team niyang si Bea.

"Kasi ‘yan ang sinasabi ko, itong paggawa ko ng pelikulawith Sarah, magandang tsansa ito para makita ko, para malaman ko kung sinotalaga yung sumusuporta sa akin. Alam n'yo ‘yun? Kung gusto mo lang ba ako dahilkapartner ko si Bea?

"Kung talagang iintindihin mo yung totoong ibig sabihinng totoong pagsuporta sa isang tao, yung sinasabi mong idolo mo, sa tingin kohindi ko dapat naririnig ang salitang boykot galing sa ‘yo. ‘Tsaka isa pangsinasabi ko, it will say so much of their character, e. Yung fans as a whole,ha. Parang... Ganun ba? Ganun ba kakitid ang utak ninyo?"

Kakausapin ba niya personally ang kanyang fans?

"Hindi. Kasi feeling ko hindi ko naman kailangang makiusapna, ‘Hoy, huwag n'yo naman boykotin ang pelikula ko?' Kumbaga, nandun pa rinyung...hawak pa rin nila yun. Kumbaga, kung boykotin man nila o hindi nasa sakanila yun. Choice nila ‘yan, e. Hindi mo naman puwedeng baguhin yun, e."

Kung iboykot nga ng mga fans, sasama ba ang loobniya?

"Kasi hindi mo rin masasabi kung binoykot nila orhindi [ang pelikula]. Ano'ng basis? Puwedeng nanood sila pero marami rin talagaang hindi nanood. Wala akong puwedeng panghawakan na puwedeng ikasama ng loobko. Yung ganun. Walang paraan na malaman na hindi nga sila nanood, o binoykotnga nila. Hindi naman ibig sabihin kapag hindi kumita ang pelikula, binoykotnila. Hindi ganun yun. Sinasabi ko lang, yung nararamdaman ko na ito angmagandang tsansa para sa atin, para malaman nating lahat kung ano talaga ngaworth natin sa isa't isa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

REACTING TO CIARA RUMOR. Kasunodnito, tinanong kay John Lloyd ang usap-usapan ngayon sa showbiz tungkol saex-girlfriend niya na si Ciara Sotto na balitang nagkaroon ng breast exposure diumanosa isang show na ginawa nito sa U.S.

"Ay, hindi ko po alam, ‘yan," nabiglang reaksyon niJohn Lloyd.

Hanggang sa unti-unti, mula sa kuwento na rin ngilang reporters na nakapaligid sa kanya, nakakuha na rin ng detalye si JohnLloyd kung paano naganap ang sinasabing breast exposure umano ni Ciara sa showniya with other female performers sa U.S. Nagkakantyawan raw kayanapilitan na ring magpakita diumano ng boobs niya si Ciara.

"Ako, ha, I feel bad kung nangyari man yun," reaksyonni John Lloyd.

Susog naman ng iba pang showbiz reporters na kausapni John Lloyd, bale wala naman daw ang breast exposure sa States.

"Ewan ko lang ho," sagot naman ni John Lloyd.

Ani John Lloyd, matagal na silang walang komunikasyonni Ciara.

"Pero sa akin lang, kahit sino kasi na kakilala kona babae, naging karelasyon ko man o hindi, hahayaang mangyari yun? Parang I feel so bad. Hindinaman biro na...kahit siguro sabihin mo na nandun ka, e, nandun ka nga peroPinoy ka pa rin. At hindi naman tayo ganun," tukoy ni John Lloyd tungkol sapagiging liberal ng mga Kano.

"Kung normal sa kanila [Americans] na hindimag-panty at lumabas ng bahay at makunan ng paparazzi, sa kanila yun, e. Hindinaman tayo ganun, e."

May mai-advice kaya siya kay Ciara or papayuhankaya niya ito na bumalik na lang dito sa Pilipinas?

"Ay, wala naman akong... wala na akong masasabidoon. Kumbaga...wala na ako doon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN