Diana Zubiri pressured with her role in "Gaano Kadalas Ang Minsan"

"Magaling si Ms. Hilda [Koronel] at parangsuwabeng-suwabe lang siya umarte. Walang masyadong effort pero ramdam na ramdammo. Kaya nga medyo pressured ako kasi nga hindi malayong mai-compare ako sakanya," says Diana Zubiri.



Nanghihinayang si Diana Zubiri na hindi natuloy siSunshine Dizon sa pagsasamahan sana nilang GMA Sine Novela na Gaano Kadalas Ang Minsan.

Matagal na raw kasi silang hindi nagkatrabaho niSunshine after Encantadia. Noongmalaman niyang magkakatrabaho ulit sila, tuwang-tuwa pa naman daw silangdalawa.

"Bago pa namin malaman ang tungkol sa project na ito,nasa ospital na si Shine. Binisita ko siya at pinagkuwentuhan pa namin ang mga Encantadia days namin.

"'Tapos one day, tinawagan ako ni Shine at siya panagbalita na magkakasama na kami sa isang soap drama. Natural natuwa ako kasiang tagal na nga naming hindi nagkakasama. Nag-dinner pa nga kami together withIza [Calzado] and Karylle.

"Pero siguro nga hindi pa kaya ng katawan ni Shine.Naka-three taping days pa lang kami pero sinabihan na siya na tumigil namag-work kasi baka maging delikado sa health niya. Siyempre, nalungkot ako kasinapurnada ang pagsasama namin ulit."

Wala naman daw reklamo si Diana sa ipinalit kaySunshine na si Camille Prats. Though hindi pa sila masyadong close ni Camille,unti-unti na silang nagkakakilala kapag magkasama sila sa taping.

"Okey na replacement si Camille. Magaling siya atnakakapag-bonding na rin kami sa set. Ni-reshoot nga namin lahat noong mgaeksena na kasama ko si Sunshine. Nakuha naman agad ni Camille yung character nabinigay sa kanya."

Nakakaramdam naman ng pressure si Diana dahil isangHilda Koronel ang unang gumanap sa role na ibinigay sa kanya. Pinanood nga niyaang VCD copy ng movie version ng GaanoKadalas Ang Minsan at pinahanga siya nang husto ng isa sa pinakamahusay naaktres ng bansa.

"Magaling si Ms. Hilda at parang suwabeng-suwabe langsiya umarte. Walang masyadong effort pero ramdam na ramdam mo. Kaya nga medyopressured ako kasi nga hindi malayong mai-compare ako sa kanya.

"Pero sabi naman ni Direk Gil [Tejada], huwagnaming kopyahin ang acting noong mga nasa original movie. Kailangan sarilinaming interpretation. Kaya talagang na-challenge ako kasi isa ito sapinakamabigat na roles na ginawa ko for television."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukas na, June 23, ang simula ng Gaano Kadalas Ang Minsan sa GMA Dramaramasa Hapon. Kasama rin dito sina Marvin Agustin, Maybelyn dela Cruz, BiboyRamirez, Victor Aliwalas, at marami pang iba.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN