Mark Herras has only good words for "I.T.A.L.Y." partner Rhian Ramos

"Siguro, kanya-kanya na lang observation ‘yan. Angsa akin, okey si Rhian. Wala akong problema sa kanya. Kung may mga taong ayawsa kanya, choice nila iyon. Basta kami ni Rhian wala kaming problema," saysMark Herras about I.T.A.L.Y (I Trust And Love You) co-star Rhian Ramos.



Gusto ni Mark Herras na mag-work ang team-up nilani Rhian Ramos, lalo na't malapit nang ipalabas ang pelikula nilang I.T.A.L.Y. (I Trust Ang Love You) underGMA Films.

Nagkaroon nga raw ng magandang bonding si Mark sakanyang leading lady noong mag-shoot sila ng movie sa ilang bansa sa Europe.Role ng isang cruise waiter si Mark samantalang isang sosyal na passenger namansi Rhian.

Sey nga ni Mark ay madali naman daw silangnagkasundo ni Rhian dahil bago naman sila nag-shoot ng pelikula ay nagkasama nasila ni Rhian sa GMA Sine Novela na MyOnly Love.

"Noong ginagawa kasi namin ang My Only Love, doon pa lang kami nagiging okey ni Rhian bilangmag-partners. Hindi kami madalas makapagkuwentuhan kasi magkaiba ang locationnamin at nagkikita lang kami kapag may mga eksena kami.

"Pero noong sinu-shoot na namin ang I.T.A.L.Y., doon kami nagkaroon ngmaraming time na magkuwentuhan. Kumbaga mas nakilala ko siya at mas maramiakong nalaman about her.

"Masayang kasama si Rhian sa trabaho. Koboy rinsiya. During ng shooting nga namin, kanya-kanya kami ng mga ginagawa kasi ngaskeleton crew lang kami kaya kami na ang nag-aayos sa sarili namin atnagbubuhat ng mga gamit namin. Never kong nakitang nagreklamo si Rhian. Tawa panga siya nang tawa. Walang boring moment na kasama siya."

UNAFFECTED BY "POISON E-MAILS." Aware ngarin daw si Mark sa mga naglabasang "poison e-mails" laban kay Rhian. Nakakatanggapdin daw si Mark ng mga ito pero hindi naman daw siya agad naniniwala sa mgagano'n.

"Wala akong karapatan to judge anybody lalo na kungkatrabaho ko pa. Noong mabasa ko ang mga iyon, mahirap paniwalaan, kasikatrabaho si Rhian at sana nakakaramdam ako ng kakaiba sa kanya. Peroconsistent siya sa mga kinikilos at mga pananalita niya.

"Siguro, kanya-kanya na lang observation ‘yan. Angsa akin, okey si Rhian. Wala akong problema sa kanya. Kung may mga taong ayawsa kanya, choice nila iyon. Basta kami ni Rhian wala kaming problema."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SURPRISE BOUQUET. Nagkuwentonga si Mark sa isang shooting nila on board sa Costa Magica. May eksenangpinasayaw siya sa stage at bibigyan siya ni Rhian ng flower dahil natuwa ito saperformance niya. Nagulat na lang si Mark nang may isang foreigner na babae nabinigyan siya ng isang bouquet ng bulaklak.

"Nagulat ako kasi wala iyon sa eksena namin," ngitini Mark. "Natuwa rin siguro yung babae sa ginawa ko sa stage kaya binigyan niyarin ako ng flowers. Nakakatuwa kasi ibig sabihin na-appreciate niya angpagsayaw ko."

Inamin ni Mark na maraming magagandang babae angnakasabay nila sa Costa Magica. Pero hindi siya natuksong magpakilala samga ito dahil bukod sa trabaho ang ipinunta nila, baka hindi silamagkaintindihan.

"Kasi iba-iba ang lengguwahe nila!" tawa pa niMark. "Baka hindi kami magkaintindihan. Pero ang gaganda at mga sexy sila! Maymga nag-i-English naman, pero nakakahiya pa rin. Baka pagalitan ako ng lineproducer namin at sabihin hanggang doon, nagiging makulit ako."

STAYING AWAY. Tinanong dinnamin si Mark kung ano ang masasabi niya sa pinagdaraanan ngayon ng kanyangdating karelasyon na si Jennylyn Mercado. May nagbabalita namandaw sa kanya tungkol kay Jennylyn pero ayaw na niyang makialam.

"Hanggang pagbigay na lang ng message ang kaya kongipaabot kay Jen. Mahirap nang may sabihin ako kasi nabibigyan ng hindimagandang kahulugan ng ibang tao.

"Sana lang ay mag-ingat siya, pati na ang babyniya. Nandito naman kami ng mga kaibigan niya na handang magbigay ng tulong sakanya kung kailangan niya. Basta sa binyag ng baby ay nandoon kami lahat ng mgakaibigan niya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN