Joross Gamboa makes his first daring role in "Eva Fonda"

Done with playing teenybopper roles, JorossGamboa now takes his turn in playing mature and daring roles in ABS-CBN's Eva Fonda.



Daring ang role na ginaganap ni JorossGamboa sa Eva Fonda. Ngayon nga lang daw niya ginawa ang torrid kissingscene nila ng co-star na si Hazel Mendoza.

"Torrid ba ang tawag ro'n? Yung open mouthkissing?" paninigurado pa niya sa amin nang makapanayam ng PEP (PhilippineEntertainment Portal).

Kuwento pa niya, hindi nga raw naiwasan niHazel na maiyak nang first time na kunan ang eksena nilang yun.

"Naiyak siya, kasi yun ang pinaka-firsttime naming magkaroon ng ganoong eksena. May gusto kasing mangyari si Direk naparang si Hazel yung nasa ibabaw. So, bago namin kinuhanan yun, napaiyak siya. Siguro, hindisiyempre maiwasang hindi siya mailang, first time niyang gagawin, ‘tapos,marami pang tao.

"Pero ako ang ginagawa ko na lang,pinapatawa ko na lang siya."

Feeling ni Joross, nakatulong din angpagiging magkasama nila dati ni Hazel saGulong ng Palad para mabawasan ang pagkailang nila sa isa't isa sa maselangeksena nilang iyon. Magkapatid ang papel nila sa dati nilang show, pero ngayonsa Eva Fonda, sa isang intimate naeksena naman sila magkasama.

"Mabuti na lang na nagkasama na kami,magkakilala na kami. Mas malaking bagay yun. Although, lahat naman kami rito,may mga love scenes yata. Kami kasi nina Cristine [Reyes] at Jason [Abalos] angmagkakaibigan dito."

THEMAGTATAHONG. Deglamorized daw silang lahat dito. Siyanga, isang magtatahong ang ginaganapang karakter, kung kaya't ang locationshoot nila ay madalas nasa tabing-dagat. Magka-live-in daw sila ni Hazel sakuwento.

Ganunpaman, masaya naman daw siya nanakasama siya sa bagong series ng Dos. Para raw sa kanya, wala namang malaki ormaliit na role. "Siyempre happy ako, it's a blessing," sey nga niya.

Ayaw nang pag-usapan pa ni Joross kunganuman ang kinahinatnan ng character niya noon sa Natutulog Ba Ang Diyos. Bagamat sa Eva Fonda, hindi siya ang maituturing na bida, he's hoping na sananga raw, hindi na ulit mangyari yung nangyari sa kanya dati sa Natutulog.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yeah, sana lang nga huwag na lang magingkatulad noon. Siguro ngayon, medyo iba naman ang character ko. Hindi na katuladdati na mabait lang. Ngayon, dadaanin ko na rin siguro sa comedy kasi, walanamang masyadong nagko-comedy sa amin."

NOT STAR MAGIC TALENT ANYMORE. Aminado si Joross namay mga nagtatanong at nagtataka kung bakit sa halip na siya, si Jason angipinareha kay Cristine. Katuwiran niya, wala naman daw kaso sa kanya ‘yun.

"Ako naman kasi kung ano ang ibigay, walangproblema sa akin. Sila naman ang nagdedesisyon niyan. At saka siguro, kung kanino nga lang babagayang role. E, yun ang ibinigay sa akin."

Dahil nga wala na siya sa Star Magic atlumipat na nga kay Becky Aguila as his manager, hindi kaya may kinalaman itokumbakit hindi na siya ang pina-prioritize na artista, at kay Jason naibinigay ang role bilang kapareha ni Cristine? Si Jason kasi ay Star Magictalent.

"Hindi ko rin alam, e. Hindi ko rin namanmasabi siyempre yung mga ganoong bagay. Kumbaga, hindi ko naman na iisipin yung ganoon. Para naman sa akin, walanamang nagbago with my relationship pa rin with Star Magic. Kasi, sa kanilanaman ako galing.

"With Tita Becky naman, happy naman akongayon dahil nakikita ko naman na inaalagaan naman niya ‘ko."

Sa ngayon, hindi pa raw siya sure kung kailan ipalalabas ang teleserye nila. Pero, malamang daw na baka sa July.

WORKINGWITH CRISTINE. Wala na naman daw ilangan sakanilang dalawa ni Cristine, although, aminado siyang hindi pa rin silamasyadong madalas na nagkakakuwentuhan.

"Siyempre, nasa taping...hindi ko alam kungmay ilangan pa ba? Pero, sa palagay ko naman, wala na. Siguro kung may nagingkaibahan man ngayon, parang hindi ko lang din siya mabiro nang todo pa ngayon.Parang...tama lang.

"Nabibiru-biro ko na rin. Kasi, ang tagaldin naman naming hindi nagkita. Napag-usapan lang din namin yung mga nangyarinang mag-workshop kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gusto raw niyang isipin na closed book nanaman kung anuman ang naging isyu sa kanila before ni Cristine kunsaan lumabaspa nga yung tila pagki-kiss nila na kuha sa cellphone.

AVERY SPECIAL LOVE. Bukod sa Eva Fonda, kasama rin si Joross sa A Very Special Love na movie ng Star Cinema. Feeling daw niya, maypagka-mala-Devil Wears Prada ang temang movie nila.

"We work for John Lloyd here, kaso, parangfeeling namin, kahit ano ang gawin namin, hindi pa rin namin ma-please yungboss namin."

Last movie pa raw niya ay ang D'Anaders with Toni Gonzaga and Vhong Navarro kaya happy siya na finally, mayginagawa nga siyang muli for Star Cinema. At kung yung iba, nasasabing tilamabagal ang pag-usad ng career niya, para sa kanya, mas nakikita pa rin dawniya ang advantages ng marahan na pag-usad nito.

"Mas gusto ko yung dahan-dahan. Mas madalikasing sumikat, pero, mas mahirap ang magtagal sa business na ito."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN