Camille Prats doesn't mind being second choice for the "Lily" role in "Gaano Kadalas Ang Minsan"

"I know na second choice lang ako for the role kasi nga itwas originally for Sunshine Dizon. But kahit na pang-lima or pang-50thchoice pa ako, I don't mind. What's important is that it's a good role and akoang napili nilang gumanap. Gagawin ko ang lahat para maipakita ko na kaya koito," says Camille Prats.



Masayang ikinukuwento ni Camille Prats saPEP (Philippine Entertainment Portal) ang mga nararanasan niya ngayon bilangisang first-time mom. Una na rito ay ang pagpapa-breastfeed niya sa kanyangbaby na si Nathan.

PUMP IT. Ang pagkaka-describe nga ni Camille sapagbe-breastfeed ay "mahirap" at "masakit." Pero tiniis daw niya iyondahil isa raw iyon sa paraan na maka-bonding niya nang husto ang kanyangsanggol.

"Wala naman kasi akong choice kundi gawin iyon, kasikailangang ilabas talaga yung milk. Natuto na nga akong gumamit ng breast pumppara mabilis," nakangiting pahayag ni Camille sa PEP.

"Pero nag-enjoy rin ako because naging bonding time naminiyon ni Baby Nate. Payo rin kasi iyon ni Mommy sa akin. Lahat kasi kamingmagkakapatid, na-breastfed niya. Kaya nga very strong ang family ties naminparati."

GLAD TO BE BACK. Nagpapasalamat nga si Camille dahilpinayagan siya ng kanyang mister na bumalik ng showbiz.

"Mabait si Anthony at alam niyang gusto ko ulit bumalik sapag-arte. Alam naman niya na nakilala niya ako bilang artista at iyon angminahal kong trabaho.

"Nag-promise naman ako sa kanya na priority ko pa rin angfamily namin. ‘Tsaka hindi ko naman pababayaan na walang mag-alaga sa babynamin.

"Kaya nga lumipat kami sa bahay namin sa Cainta. Pina-extendnamin yung house para may lugar kaming mag-asawa at si Baby. Gusto kasi ninaMommy at Daddy na lalaki si Nate na malapit sa kanila. Wala namang problema kayAnthony iyon. Gusto nga niya na strong ang bonding namin with my parents. Kapagweekends naman, nandoon kami sa Ayala Alabang kunsaan nandoon naman ang familyniya."

CAMILLE-LILY. Sa pagganap niya bilang si Lily sa GaanoKadalas Ang Minsan, bagong Camille Prats ang mapapanood ng kanyangmga tagahanga. Mas mature na ang mga roles na ginagawa niya ngayon.

"The last shows I did were Captain Barbelland Super Twins. Pareho kong paborito ang mga ginawa ko roon. Pero ditosa Gaano Kadalas Ang Minsan, dito na nila makikita ang maturity ko as anactress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos na yung mga bubbly characters ko kasi serious dramaito and I am thankful sa GMA-7 for getting me to portray this role na si Ms.Vilma Santos ang originally na gumanap sa movie version.

"I know na second choice lang ako for the role kasi nga itwas originally for Sunshine Dizon. But kahit na pang-lima or pang-50thchoice pa ako, I don't mind. What's important is that it's a good role and akoang napili nilang gumanap. Gagawin ko ang lahat para maipakita ko na kaya koito."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN