A sexier Heart Evangelista belly dances in "Codename: Asero"

Heart Evangelista says her recent breakup has nothing to dowith her decision to shed off her girl-next-door image in favor of a sexier newHeart. "It's just a role," Heart said of her belly dancing character in Codename:Asero.



Tila nakaka-move on na nga si Heart Evangelista mula sapakikipag-breakup niya kay Jericho Rosales. Very happy nga raw siya ngayontulad ng pagkakalahad niya kay Raymond Gutierrez sa taped interview niya for ShowbizCentral noong Linggo.

MOVING ON. Unang tanong ni Raymond kay Heart, howwas the moving on process like?

"Alam mo, kapag may tamang dahilan ka naman, madalingmakapag-move-on," simulang sagot ni Heart nang nakangiti. "Hindi naman akonahirapan. Isang beses lang akong umiyak. Isang malakas na iyak and then, okeyna."

May plano rin daw si Heart na lumipat ng condo unit andadmitted that it's still part of her moving on process.

"Yes, I'm moving out!" nakatawa pa niyang pagkumpirma. "Notbecause naman maraming memory, it's just that parang gusto ko lang ng freshstart. Talagang bagong lahat! Bagong station, bagong buhay, bagong condo,bagong lahat."

Kinumusta rin ni Raymond ang pamilya ni Heart na ilang taondin niyang nakatampuhan nang ipaglaban niya si Jericho sa mga ito.

"They are so supportive with everything. Kahitsabihin mong may manligaw sa akin, alam mo yung... ‘Sige, Heart, magpaganda kanang magpaganda because you deserve the best.' It's so fun."

Ayon kay Heart, wala pa naman daw mga nanliligaw sa kanya and that she's free.

"May mga paramdam-paramdam, pero, wala pa ‘kongnararamdaman," biro pa niya.

Pagkatapos ng much-publicized breakup niya, Raymond askedHeart if the actress-singer-TV host is now ready to fall in loveagain. Pero aniya, "Wow! Siguro, not ready for a relationship. Perokung darating naman yung tamang tao para sa akin na willing naman to give mewhat I deserve, I wouldn't mind falling in love. Wala namang anger sa puso kona parang, ‘Hindi ako mai-in love, lolokohin ko silang lahat,' wala namangganoon."

A SEXIER HEART. This July, si Heart ang cover girl ngCosmopolitan magazine at siyempre pa, ang pag-ere na rin ng firstteleserye niya sa Kapuso Network, ang Codename:Asero. Sa naturang teleserye, kinumpirma ni Raymond kay Heart kung changeimage na ba siya and a sexier Heart na nga ba ang mapapanood ng mga tao sa kanya dahil balitang may belly dancingsiyang ginawa sa series.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

From girl-next-door to more open-minded roles na nga ba siHeart?

"Well, actually, yun ang sinasabi ng mga tao nanagpapakaseksi ako. Why all of a sudden, bigla akong ganito, ganyan. Is itbecause nag-break kami ni Ano...ni ‘Guy?'" natatawang pahayag ni Heart naobviously, direkta niya talagang iniiwasan na mabanggit man lang ang pangalanni Jericho.

Dugtong pa niya, "Hindi...hindi totoo yun. It's just a role.Medyo kinabahan ako, pero, it was so fun to see Ms. Carol [Codename: Asero'sExecutive Producer], sina Richard [Gutierrez] cheering, si Janno [Gibbs],mino-motivate nila akong talaga at nag-enjoy naman kami kahit ang sakit-sakitna talaga ng abs ko."

Sa huli, nagpasalamat si Heart sa mga taong patuloy raw nasumusuporta sa kanya kahit na mula Kapamilya ay isa na nga siyang ganap naKapuso ngayon.

"Thank you so much sa lahat ng mga fans ko. Yung ibang mganagtampo, bumalik na. I'm so excited at magkita tayo very soon sa Asero."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN