Sunshine Cruz vehemently denies accusation that she kicked out mother-in-law

"Thetruth is matagal na hindi sa amin nakatira ang aking mother in-law. Pumupuntasiya sa bahay namin ni Cesar paminsan-minsan. Sobrang mahal na mahal ni Cesarang aking mother in-law. At masasabi ko na konti lang ang nagmamahal sa akin sapamilyang yun, at isa diyan si Nanay Emma," explains Sunshine Cruz about report that she kicked out Cesar's mother from their house.



Nagpaunlak sa kauna-unahang pagkakataon na mag-guest nanglive on television ang aktres na si Sunshine Cruz sa The Buzz kahapon, June 22. Kasamang humarap ni Sunshine ang kanyang abogado nasi Atty. Bonifacio Alentajan upang magsalita kaugnay ng alitan nila ng kanyang sister-in-law na si ChedManhilot-Cantu.

Bukod sa pagsasampa ng kasong libelo sa kapatid ng kanyangmister na si Cesar Montano, sinampahan din ng libel case ni Sunshine angkolumnista ng Abante na si Jojo Gabinete dahil sa pag-reprint nito ng mgapahayag ni Ched laban kay Sunshine sa kanyang column noong June 19.

Ipinaliwanag ni Atty. Alentajan kung bakit idenemanda nilapati si Jojo. Ayon sa abogado, inulit daw kasi ni Jojo ang mga sinabi ni Ched sainterview sa kanya ni Ricky Lo sa programa nitong The Ricky Lo Exclusivessa QTV-11. Nakasaad daw sa batas na puwede ring idemanda ang isang manunulatdahil sa pag-ulit ng mga kasiraan na binitawan ng ibang tao laban sa kapwaniya.

Inilagay rin daw kasi ni Jojo ang sinabi ni Ched napinalayas ni Sunshine ang ina ni Cesar na si Mrs. Emma Manhilot sa kanilangbahay, na mariin namang pinabulaanan ng aktres.

"Hindi po totoo, Tito Boy," sabi ni Sunshine kay Boy Abunda. "Thetruth is matagal na hindi sa amin nakatira ang aking mother in-law. Pumupuntasiya sa bahay namin ni Cesar paminsan-minsan. Sobrang mahal na mahal ni Cesarang aking mother in-law. At masasabi ko na konti lang ang nagmamahal sa akin sapamilyang yun, at isa diyan si Nanay Emma."

Ayon kay Sunshine, mismong ang ina ni Cesar ang umalissa bahay nila dahil kulang sa ventialton ang bahay nila sa Sct. Rallos saQuezon City. Kaya sa Las Piñas daw mas pinili ng ina ni Cesar na tumira. Masgusto raw doon ng ina ni Cesar dahil mas maganda para sa kanyang kalulusgan.

"Medyo bedridden na kasi si Nanay Emma, but not paralyzed.Nung nalaman ni Nanay Emma ang nangyari, nasaktan din siya. She's been cryingsabi sa amin ng nanny niya. Sabi pa po niya sa text, through sa kanyang nanny,na sira raw ang ulo ng nagsasabi na pinalayas siya sa bahay. 'Tapos sinabi niyasa akin sa ipinadalang text ng nanny niya na magdasal daw ako at huwag kamimagpaapekto na mag-asawa," lahad ni Sunshine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SUNSHINE'S STEPDAUGHTER. Nadawit naman ang pangalan ng panganay na anak na babae niCesar na si Angela sa gusot sa pagitan ni Sunshine at ng kanyang sister-in law.

"She's been living with us and there was a time na on andoff ang relasyon namin. Pero inamin mismo sa akin ni Angela na bini-brainwash siya ngkanyang Tita [Ched]. Pero we're okey now. Nag-apologize na siya sa akin."

YOUNGEST DAUGHTER. Ang pinakahuling isyu na ibinato kay Sunshine ay angpagdududa na hindi raw anak ni Cesar ang youngest daughter nila.

"Sa totoo lang, sa mga hindi nakakaalam, marami akongnababalitan na hindi nila ako gusto for Cesar bago kami ikasal na mag-asawa.All this time, pinili ko ang manahimik dahil mahal ko si Cesar. Pero hindi komatitiis na pati anak ko na dalawang taon, ang bata niyan..." sabay ang pagluhani Sunshine.

"Ako na lang ang babuyin ninyo. Wala ‘yang kalaban-laban," pakiusapng aktres sa mga naninira sa kanya."

WHERE IS CESAR? Tinanong ni Boy Abunda kung nasaan si Cesar sa gitna nglaban ni Sunshine at ng kanyang hipag.

"For two weeks, he kept silent because for him, it's afamily problem. Naiintindihan ko naman si Cesar doon. But I have to defendmyself also," sabi niya.

Na-appreciate din daw ni Sunshine ang pagtatanggol sa kanya ni Cesar na lumabas dito sa PEP noong Biyernes, June 20. (Click here to read related article.)

FORMER BOLD STAR. Ayon Sunshine, nalaman niya na hanggang ngayon ayhindi pa rin naaalis sa isipan ng ilang miyembro ng pamilya ni Cesar na datisiyang bold star.

"I've done sexy films in the past, pero hindi nangangahuluganna puwede na nila akong sirain at akusahan. Matagal na akong may naririnig at alam ni Cesar na mahal ko siya kayaako nagtiis. But this time, I have to do this para matigil na."

Pagkatapos ay kinunan ng mensahe ni Boy si Sunshine para sakanyang mga anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya ko ginagawa ito, mga anak, para matigil na ang dapatmatigil. I'm doing this not only for me but for my family."

Kasunod ang mensahe naman niya sa kanyang mother-in-law.

"Nay, alam n'yo po na mahal na mahal ko kayo. Si Cesar may ipinapagawangbahay sa Tivoli Royale sa may Commonwealth dahil fresh ang air. Alam ninyo poang sabi ni Nanay Emma, hindi raw siya titira sa bagong bahay kung hindi akokasama ni Cesar."

Nang hingan naman siya ng mensahe para kay Ched ay tumanggingmagsalita si Sunshine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN