John Lloyd Cruz admits being offered to play Armando in "Betty La Fea"

"Kung ako ang masusunod, ha, and I saidthis to Star Cinema... After nitong movie ko with Sarah, I'm gonna take a shortbreak. Mag-aaral ako, kung puwedeng abroad, mag-a-abroad ako to study acting," reveals John Lloyd Cruz.



Kinumpirma ng young actor na si John Lloyd Cruz ang pag-aloksa kanya ng role bilang Armando sa uumpisahang teleserye ng ABS-CBN, ang Yo SoyBetty La Fea.

Ilang linggo na ang nakararaan mula nang nakatakdang i-announcedapat sa ASAP ‘08 kung sino na talaga ang magiging leading man ni Bea Alonzo, butat the last minute, kinansela ang naturang announcement. May bulung-bulungan napinigil muna ang announcement dahil baka makasira sa promo ng bagong pelikulani John Lloyd with Sarah Geronimo sa Star Cinema na A Very Special Love.

Sa birthday presscon ni John Lloyd last Friday, June 21, saABS-CBN, inihayag niya ang kanyang damdamin tungkol sa pagganap sana niyabilang si Armando sa Betty La Fea.

"May mga plano sila sa buhay-buhay," biro ni John Lloydsa PEP (Philippine Entertainment Portal) sabay tawa. "Hindi naman ako ang may hawak nun. Kumbaga, ngayon, pinapaladlang tayo kasi gusto ko talaga munang magpelikula, e. Pero hindi ko sinasabingayaw kong mag-Betty. Pero yun nga lang, hindi pa confirmed kung ano ba, kungsino ba ang gagawa, kung meron na ba. So, yun, doon lang muna ako."

Ayaw ba niyang tanggapin ang proyekto?

"Hindi sa ayaw," paglilinaw ng young actor. "Pinag-aaralanko kasi yung mga susunod kong gagawin, and I'm really asking na maintindihan ngkung sinuman na dumarating tayo sa... Twenty-five na ako, sa bawat step nagagawin ko na tatahakin ko, kailangan kong maging maingat. E, meron lang mga kontingconflict na pinaplantsa namin sa mga plano. Kumbaga, dapat kasi united ‘yan, e.United ang plano ng mga taong concerned."

"SOLDIER OF THE COMPANY." Ayaw ba niyang makasagasa sa balitang pagkakamabutihan ngayonni Bea at ang Coverboys member na si Jake Cuenca?

"Nagpapakaano ako, nagpapakabuti," sabi ni John Lloyd. "Alamninyo, sinasabi ko lang ito pero at the end of the day, I'm still a soldier ofthe company. Kung saan nila ako ilalagay, kung ano ang gusto nilang gawin ko,doon ako. So ganun, tatangapin ko kung ano ang maging desisyon nila kung parasa Betty nga ako o hindi."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nilinaw rin ni John Lloyd na walang kinalaman kung si Bealang ang nasa titulo ng proyekto.

"Ay, hindi naman. Hindi, more of ano, ano ba talagang careerpathing ang gusto ko this year? Is it TV or movies? So yun yung pinag-iisapan, yunpo ang pinaplantsa," paliwanag niya.

Sabi ni John Lloyd, wala naman daw siyang hesitation paragawin ang Betty La Fea.

"Hindi naman siya hesitation, e. Gusto ko lang...para ka bangnamimili. Kung halimbawa, for this year, ano ba, is it movies or TV? You know,is it gonna be me and Bea again?"

ACTING LESSONS ABROAD. May particular ba na bagay ang nasa isip niya na gusto niyanggawin ngayong taon kesa sa Betty La Fea?

"Actually, I do," pag-amin niya. "Hindi lang naman yungpaglihis kay Bea, e. Ang sa akin kasi, kung ako ang masusunod, ha, and I saidthis to Star Cinema... After nitong movie ko with Sarah, I'm gonna take a shortbreak. Mag-aaral ako, kung puwedeng abroad, mag-a-abroad ako to study acting.Kung hindi man, kung masyadong imposible ang pag-a-abroad, puwede ako dito. Mayino-offer ang Star Cinema na nagko-conduct ng workshop, ng acting class."

Hindi pa ba siya kuntento sa pag-arte niya considering he haswon many acting awards plus a Box-Office King title this year?

"Hindi naman sa ganun," sagot niya. "Gusto ko lang lumawakang kaalaman ko sa isang bagay na ginagawa mo. ‘Pag hindi mo pina-practice,kumbaga, kinakalawang na, nabobobo ka. Parang kumikitid yung kaalaman mo. Siyempre‘pag may ginagawa kang isang bagay, palawak nang palawak yung kaalaman mo.Hindi dapat nagsi-shrink.

"May connection siya sa sinasabi ko tungkol doon sa foreignattack, foreign approach ‘tsaka saPinoy. Mas gusto ko... Kasi ang pinakamahirap, lalo na kapag gumagawa ako ngpelikula, dalawang oras lang ang ibinibigay sa ‘yo para makilala mo angcharacter na ibinibigay sa ‘yo. Unlike sa TV, you have the whole season."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gusto ba niyang subukan ang umarte sa ibang bansa?

"Not really. Takot ako, e. Masyado yatang malaki ang Hollywood for me. Pero ‘eto talaga yung gustokong gawin bago pa ako bumalik from the States, yung sa show namin nina Sam [Milby]and Piolo [Pascual]. Originally, ito talaga ang nakaplano sa akin na gawin,"saad ni John Lloyd.

DIRECTING & PHOTOGRAPHY. Wala ba siyang planong magdirek ng pelikula balang-araw?

"Directing is something that I will never do in my life.Hindi ko kaya. Hindi ko kayang mag-direk. I don't think I can be a good leader,"pag-amin ng young actor.

Bakit ayaw niya?

"Somehow ang director, pagdatingsa set, leader, e, ako yung captain of the ship. I could be a good follower, pero a good leader, I doubt that. Ibasila. Ewan ko kung meron sila. Pero lahat ng makikita mo sa frame, lahat ‘yan iintindihinng director. Magko-contribute na lang ako."

What about photography?

"I like moving pictures. Movies talaga ako. Kahit sa painting,hindi ako masyadong...wala akong knowledge about it. Pero pelikula, emotions, masnakaka-associate ako doon. Mas nakaka-indentify ako doon."

DREAM ROLE. May dream role ba siya?

"Halimbawa, ang pinanggagalingan ng dream role, somehow kungano ang makaka-challenge sa ‘yo, di ba? Kasi dati, automatically, I would saysomething offbeat. Somehting like psycho-killer na rapist or... Pero yung mgaganung klaseng mga role, as it is, yun na yun, e. Buo na, parang hulmado na yun.

"Siguro challenging din siya, pero hindi siya as challengingas normal people. Kung papano mo siya payayamanin? Paano mo bubuuuin ang pusong character. Masyado na kasing nakatuon ang concept ng dream role sa mga ganun," opinyon ni John Lloyd.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN